Day 141 & 142

24 1 0
                                    

Day 141

Tagalog:

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Tagalog:

Tinanong siya ng mga tao, "Kung gayon, ano po ang dapat naming gawin?" Sumagot siya sa kanila, "Kung mayroon kang dalawang balabal, ibigay mo ang isa sa wala. Ganyan din ang gawin ng may pagkain." 

Lucas 3:10‭-‬11 MBB05





English:

10 "What should we do then?" the crowd asked.

11 John answered, "Anyone who has two shirts should share with the one who has none, and anyone who has food should do the same."

Luke 3:10-11 NIV




*******

Kung anumang biyaya ang meron ka ay huwag ipagkait na magbahagi din naman sa iba. Humingi tayo ng gabay sa ating Panginoong Hesus kung paano ang tamang makapagbahagi sa iba. Sapagkat nalulugod ang Diyos kung tayo ay bukaspalad. Patuloy Niya itong pagpapalain at pasasaganahin sapagkat Siya ay nagiging mabuting katiwala ng mga pagpapala at biyaya ng ating Panginoong Diyos para sa Kanya.

#GodBlessUs😇❤

#day141 ❤

#toGodbetheglory

#keepUsSafe


===============================


Day 142

Tagalog:

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Tagalog:

kapag ang nagugutom ay kusang-loob ninyong pakakainin, at tutulungan ang mahihirap, sisikat ang liwanag sa inyong nasa kadiliman, at ang inyong kapanglawan ay magliliwanag gaya ng sa katanghaliang-tapat. 

Isaias 58:10 MBB05




English:

and if you spend yourselves in behalf of the hungry

and satisfy the needs of the oppressed,then your light will rise in the darkness,and your night will become like the noonday.


Isaiah 58:10 NIV





******

Lubos na nasisiyahan ang ating Panginoong Diyos sa mga taong mapagbigay at bukaspalad sa kapwa lalo't higit sa mga nagugutom at mga mahihirap. Hindi dahil sa napipilitan lamang o kailangan, kundi dahil sa bukal sa kanilang kalooban. May gantimpala sa Diyos ang lahat ng mga taong bukal sa puso ang pagtulong.

Papatnubayan at iingatan siya ng Diyos sa lahat ng oras. Ibibigay Niya ang lahat ng kanyang mga pangangailangan. Dumating man sa buhay niya ang kadiliman o paghihirap ay mapapawi ito at siya'y magliliwanag katulad ng sikat ng katanghaliang-tapat o kasaganahan sa kanyng buhay. Sapagkat ang Diyos na Siyang nakakakita ng lahat ang Siyang magpapala sa kanya. 

#GodBlessUs😇❤

#day142 ❤

#toGodbetheglory

#keepUsSafe

365 Days || Bible Verses (2021)Where stories live. Discover now