Day 337 & 338

34 1 0
                                    

Day 337

Tagalog:

Ups! Gambar ini tidak mengikuti Pedoman Konten kami. Untuk melanjutkan publikasi, hapuslah gambar ini atau unggah gambar lain.

Tagalog:

Kahit mga leon ay nagugutom din, sila'y nagkukulang sa hustong pagkain; ngunit ang sinumang kay Yahweh ay sumunod, mabubuting bagay, sa kanya'y di mauudlot. 

Mga Awit 34:10 MBB05 


English:

The lions may grow weak and hungry,
but those who seek the Lord lack no good thing.

Psalms 34:10 NIV




*************

Ang mga leon ay pinaniniwalaang kumakain bawat tatlo o apat na araw, at nangangailangan ng average sa pagitan ng 5kg at 7kg ng karne sa isang araw. Ngunit maaari silang mawalan ng pagkain nang higit sa isang linggo at kumakain ng hanggang 50kg ng karne sa isang pagkakataon - iyon ay halos isang-kapat ng timbang ng katawan ng hayop.(Ayon sa-https://lionalert.org/what-do-lions-eat/) 

Ang kaibahan lamang sa ating mga tao ang mga nagtitiwala at mga sumusunod sa kalooban ng Diyos kailanman ay hindi mauudlot ang lahat ng mabubuting bagay sa kanya. Ngunit hindi rin naman lahat ng ating gusto ay ating makukuha maging mga sa atingin natin ay kailangan natin.

Tandaan natin na lahat ng ipinagkakaloob ng Diyos sa atin ay para sa ating mga ikabubuti. Ibinibigay Niya ang mga sa tingin Niya ay mas makakabuti at mas mabuti sa atin kaysa sa mga tingin natin na mas kailangan natin. 

#GodBlessUs😇❤

#day337 ❤

#thankyouLord ❤

#toGodbetheglory

#keepussafealways


==================================


Day 338

Tagalog:

Ups! Gambar ini tidak mengikuti Pedoman Konten kami. Untuk melanjutkan publikasi, hapuslah gambar ini atau unggah gambar lain.

Tagalog:

Ang lahat ng Kasulatan ay kinasihan ng Diyos, at nagagamit sa pagtuturo ng katotohanan, sa pagtatama sa maling katuruan, sa pagtutuwid sa likong gawain at sa pagsasanay para sa matuwid na pamumuhay, upang ang lingkod ng Diyos ay magiging karapat-dapat at handa sa lahat ng mabubuting gawain. 

2 Timoteo 3:16‭-‬17 MBB05




English:

16 All Scripture is God-breathed and is useful for teaching, rebuking, correcting and training in righteousness, 17 so that the servant of God[] may be thoroughly equipped for every good work.

2 Timothy 3:16-17 NIV




**************

Walang ibang kasulatan ang kinalugdan ng ating Panginoon kundi ang banal na bibliya. Ito ang magandang maging batayan natin sa buhay sapagkat lahat ng mga nakalathala dito ay tunay at ganap.

Kaya't kung tayo ay mga nagugulumihanan sa buhay sa Panginoon lamang natin hanapin ang kasagutan. Ating saliksikin at unawain ang salita ng Diyos sa pamamagitan ng banal bibliya. Sa pamamagitan ng Kanyang banal na kasulatan hindi tayo nito maililigaw bagkus dadalhin Niya tayo sa tamang landas.

Magkakaroon tayo ng pagkaunawa at malalaman natin kung ano tama at mali. Mga baluktot na pang-unawa at pagkaintindi ay Kanyang pinapalitan ng talino at paglawak ng ating kaunawaan. Kaunawaan na maglalapit sa atin sa Kanya at magpapatibay ng ating panampalataya.

Ito'y mainam na gabay sa atin sa kung ano ang mga dapat nating isapamuhay at nagtutuwid sa lahat ng ating mga mali at likong gawa upang maging ganap, karapatdapat at handa tayo sa lahat ng mga mabubuting gawa ayon sa kalooban ng ating Panginoon.

#GodBlessUs😇❤

#day338 ❤

#thankyouLord ❤

#toGodbetheglory

#keepussafealways

365 Days || Bible Verses (2021)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang