Day 299 & Day 300

30 0 0
                                    

Day 299

Tagalog:

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Tagalog:

Dahil kayo'y mga anak na minamahal ng Diyos, tularan ninyo siya. Mamuhay kayong puno ng pag-ibig tulad ni Cristo; dahil sa kanyang pag-ibig sa atin, inialay niya ang kanyang buhay bilang mabangong alay at handog sa Diyos. 

Mga Taga-Efeso 5:1‭-‬2 MBB05



English:

1 Follow God's example, therefore, as dearly loved children 2 and walk in the way of love, just as Christ loved us and gave himself up for us as a fragrant offering and sacrifice to God.

Ephesians 5:1-2 NIV



***********

Tayong mga anak ng Diyos na tumanggap at kumilala sa ating Panginoon ay marapat lamang na atin ng talikdan at baguhin ang ating mga nagawang kasalanan. Marapat lamang na atin Siyang tularan sa nararapat na ating isapamuhay.

Maging bukas ang ating mga puso sa pag-ibig at papaghariin ito sa ating buhay katulad ng pag-ibig ng ating Panginoong HesuKristo. Ang pagmamahal Niya sa bawat isa sa atin ay walang katulad. Inialay Niya ang Kanyang buhay upang maging isang haing buhay at kalugod-kalugod sa ating Panginoon.

Kaya't maging patotoo nawa sa ating buhay ang pagiging halimbawa ng pamumuhay ng ating Panginoong Hesus. Nawa'y kung paano natin tinanggap ang Panginoong Hesus ay gayon din ang pagtanggap natin na talikdan ang lahat ng ating karumihan tungo sa buhay na walang hanggan.

#GodBlessUs😇❤

#day299 ❤

#toGodbetheglory

#keepussafealways


==================================


Day 300

Tagalog:

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Tagalog:

"Tulad ng pangako ni Yahweh, kayo'y gagawin niyang isang bansang matatag at nakalaan sa kanya kung susundin ninyo siya at tutuparin ang kanyang mga tuntunin. 

Deuteronomio 28:9 MBB05




English:

The Lord will establish you as his holy people, as he promised you on oath, if you keep the commands of the Lord your God and walk in obedience to him.

Deuteronomy 28:9 NIV




************

Ang mga pangako ng Diyos ay tunay at tapat, mapanghahawakan sa lahat ng oras. Hindi kailanman nagsisinungaling at sa halip ay kinasusuklaman ang kasinungalingan. Kaya't sa Kanya ay makakaasa tayong lahat ng mga pangako Niya sa atin ay Kanyang diringgin.

Ang ating bansang kinabibilangan ay papagpapalain at pasasaganahin kung tayong lahat ay magtatapat din at susunod sa lahat ng Kanyang mga alituntunin. Hindi Niya pababayaan ang bansang sa Kanya ay umaasang lubos.

Kaya't nawa tayong mga mamayan at mga anak ng Diyos ay patuloy na manangan sa Kanyang presensya at sundi ang lahat ng Kanyang mga ipinag-uutos sa gayon ang Kanyang gantimpalang pangako ay ating makakamtan.

#GodBlessUs😇❤

#day300 ❤

#toGodbetheglory

#keepussafealways

365 Days || Bible Verses (2021)Where stories live. Discover now