Day 241 & 242

30 1 0
                                    

Day 241

Tagalog:

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Tagalog:

Ipinapahamak ang sarili ng ayaw makinig sa pangaral, ngunit ang nagpapahalaga sa paalala ay nagdaragdag ng kaalaman. 

Mga Kawikaan 15:32 MBB05




English:

Those who disregard discipline despise themselves,
but the one who heeds correction gains understanding.

Proverbs 15:32 NIV


*********

Ang mga pangaral sa atin ng ating mga magulang o ng sinumang nagbibigay pangaral sa atin ay ating pahalagan sapagkat ang lahat ng mga ito ay naaayon sa ating mga ikabubuti. Kaya't atin itong pagyabungin at bigyang importansya. Ating pulutin ang mga paalala sa atin na mabubuti lalo na ang mga payo at aral ng salita ng Diyos. Sapagkat ang mga paalala ng mga salita ng Diyos ay pawang kabutihan at tungo sa buhay na walang hanggan. Hindi kailanman mapapahamak bagkus ilalayo Niya tayo sa kapahamakan.

#GodBlessUs😇❤

#day241 ❤

#toGodbetheglory

#keepussafealways


===================================


Day 242

Tagalog:

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Tagalog:

Kapag masama ang iginanti sa mabuting ginawa, ang kapahamakan sa buhay ay di mawawala. 

Mga Kawikaan 17:13 MBB05




English:

Evil will never leave the house
of one who pays back evil for good.

Proverbs 17:13 NIV



*******

Walang kapayapaan at puno ng kaguluhan ang pamumuhay ng mga taong ang gawa ay pawang kasamaan. Nakakalungkot ang buhay na sasapitin ng mga taong ginawan ng kapwa ng kabutihan ngunit ang isinukli ay pawang kasamaan. Ang mga kapahamakan ay laging nakabuntot sa Kanya. Hindi siya patatahimikin at maging puno ng kaguluhan ang buhay na kakamtin. Kaya't huwag tayong gumawa ng masama lalo't higit sa mga taong ginawan tayo ng kabutihan.

#GodBlessUs😇❤

#day242 ❤

#toGodbetheglory

#keepussafealways

365 Days || Bible Verses (2021)Where stories live. Discover now