Day 123 &124

39 3 1
                                    

Tagalog:

Ουπς! Αυτή η εικόνα δεν ακολουθεί τους κανόνες περιεχομένου. Για να συνεχίσεις με την δημοσίευση, παρακαλώ αφαίρεσε την ή ανέβασε διαφορετική εικόνα.

Tagalog:

Ang magiliw na salita ay nagpapasigla sa buhay, ngunit ang matalas na pangungusap ay masakit sa kalooban. 

Mga Kawikaan 15:4 MBB05




English:

The soothing tongue is a tree of life,

but a perverse tongue crushes the spirit.

Proverbs 15:4 NIV




*******

Nakakapagbigay kasiglahan sa isang taong tagapakinig ang magiliw nating pananalita. Ito ay nakakapagbigay din ng kalakasan ng kalooban ng taong nakakapakinig. Nagiging pagpapala sa ating kapwa ang magiliw ninyang pananalita.

Ngunit ang matalas na pananalita ay nagdudulot ng sakit ng kalooban. Hindi na basta mababawi ang masakit na pangungusap. Maaring mapatawad o maghilom ang sugat sa taong napagsasabihan ng masakit na pananalita ngunit ang peklat nito ay nakatatak na.

Kaya't bago tayo magbitaw ng salita o mga pangungusap sa ating kapwa, atin muna itong isiping mabuti kung ito ba ay nakakasiya o nakakasakit ng kalooban ng ating kapwa. Humingi tayo ng tulong at gabay sa Diyos upang hanggat maari ay huwag tayong makapanakit ng damdamin ng ating kapwa.

#GodBlessUs😇❤

#day123 ❤

#toGodbetheglory

#keepUsSafe


===============================


Day 124

Tagalog:

Ουπς! Αυτή η εικόνα δεν ακολουθεί τους κανόνες περιεχομένου. Για να συνεχίσεις με την δημοσίευση, παρακαλώ αφαίρεσε την ή ανέβασε διαφορετική εικόνα.

Tagalog:

Sinasabi ni Yahweh, "Susumpain ko ang sinumang tumatalikod sa akin, at nagtitiwala sa kanyang kapwa-tao, sa lakas ng mga taong may hangganan ang buhay.

Jeremias 17:5 MBB05 




English:

This is what the Lord says:

"Cursed is the one who trusts in man,

who draws strength from mere flesh

and whose heart turns away from the Lord.


Jeremiah 17:5NIV



 *******

Kapag tayo ay nakakakilala na sa ating Panginoon, huwag na tayong humiwalay pa sa Kanya. Atin na lamang pagyabungin o pagyamanin ang ating pananampalataya sa Kanya. Buong puso nating pagkatiwalaan Siya at hayaan natin na ang Panginoong Diyos ang Siyang kumilos sa ating buhay. Huwag na tayong magpabago bago ng isip ni mag-alinlangan pa sa Kanya.

Dahil ang puot at galit ng Diyos sa mga tumatalikod sa Kanya ay may kaakibat na kaparusan. Hindi natin alam o matarok man ang kaparusahang Kanyang ipapataw ngunit kaparusahan ang naghihintay sa mga taong tumalima sa Kanya.

Huwag nating lubos na pagkatiwalaan ang mga pangako ng tao sapagkat sila man ay nagkakamali at nagkakasala din. Ang tao ay walang kapangyarihan na tulungan ka sa lahat ng mga bagay, maaring matulungan ka sa pananalapi, pagkain, o mga materyal na bagay ngunit hindi habang panahon ay kanila kang matutulungan. May hangganan ang lakas at buhay ng isang tao.

Hindi katulad ng ating Diyos na buhay na makapangyarihan sa lahat, handang ibigay sa atin ang lahat ng ating mga pangangailangan, maging anuman ang sitwasyon ng ating buhay. Sapagkat ang pag-ibig Niya sa bawat isa sa atin ay hindi natin kayang sukatin. Kaya't bakit pa tayo mag-aalinlangan at tatalikod sa ating Panginoong Diyod? Mas mainam na buong puso natin Siyang pagkatiwalaan at patuloy na manangan sa Kanya.

#GodBlessUs😇❤

#day124 ❤

#toGodbetheglory

#keepUsSafe












***********************

PS: Thank you sa support YanieWrites, may God bless you always. :)

Thank you sa cover photo, i will use it :)

365 Days || Bible Verses (2021)Όπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα