Day 243 & 244

28 0 0
                                    

Day 243

Tagalog:

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Tagalog:

Ang pagmamataas ay nagbubunga ng kapahamakan, ngunit ang pagpapakumbaba, ay karangalan.

Mga Kawikaan 18:12 MBB05




English:

Before a downfall the heart is haughty,
but humility comes before honor.

Proverbs 18:12 NIV





********

Walang magandang idinudulot ang pagmamataas bagkus kapahamakan ang siyang dulot nito. Gayon na nga ang katotohanang sinasabi ng mga kasabihan: na ang nagmamataas ay ibinababa at ang nagpapapakababa ay itinataas. Kahambugan ang pagmamataas. Kung inaakala ninuman na ang paghanga at pag-angat sa kanyang sarili ang nakalulugod sa harapan ng Diyos ay dinadaya nito ang kanyang sarili. Ito'y hindi kinasisiyahan ng Diyos, kaya't kaakibat ng pagmamataas ang kapahamakang sasapitin.

Karangalan naman ang kaloob sa mga taong mapagpakumbaba. Siya ay iaangat ng Diyos ayon sa kanyang kapakumbababaan. Hindi kaduwagan o kababaan ng pagkatao ang pagpapakumbaba bagkus ito ay pagpapakita lamang ng lubos na pagkaunawa at pagpapakatao. Kaya't karangalan ang bunga ng taong mapagpakumbaba, gayundin naman ay higit siyang pagpapalain at ang kapayapaan ay patuloy na sasakanya.

#GodBlessUs😇❤

#day243 ❤

#toGodbetheglory

#keepussafealways


======================================


Day 244

Tagalog:

Ang paggalang at pagsunod kay Yahweh at ang kapakumbabaan ay nagbubunga ng yaman, buhay at karangalan.

Mga Kawikaan 22:4 MBB05




English:

Humility is the fear of the Lord;
its wages are riches and honor and life.





**********

Ang pagmamataas ang sumisira sa pagkatao ngunit ang kapakumbabaan ay magbubunga ng karangalan ng pagkatao. Hindi kailanman pinababayaan ng Diyos ang lahat ng mga nagtatapat sa Kanya lalo't higit ang mga pinagyayabong ang kanilang paggalang at pagsunod sa ating Panginoong Diyos.

Binibigyan Niya ng gantimpala ang mga taong sa Kanya'y nagtatapat at nagpagpakumbaba sa Kanyang harapan. Kaloob ng Diyos dito'y buhay na pangako na may kasamang kapayapaan gayundin naman ay igagawad sa kanya ang karangalan.

#GodBlessUs😇❤

#day244 ❤

#toGodbetheglory

#keepussafealways

365 Days || Bible Verses (2021)Where stories live. Discover now