Day 125 & 126

33 3 0
                                    

Day 125

Tagalog:

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Tagalog:

Makigalak kayo sa mga nagagalak, at makitangis sa mga tumatangis. 

Mga Taga-Roma 12:15 MBB05





English:

Rejoice with those who rejoice; mourn with those who mourn.

Romans 12:15 NIV







*****

Mabuti man o masama ang ating kapwa, kung anuman ang mga sitwasyon nila, kung sila man ay masaya o nasa rurok ng tagumpay, tayo ay maging masaya para sa kanila. Huwag natin silang kaiinggitan bagkus makigalak ka sa kagalakang kanilang tinatamasa.

Makitangis ka naman kung sila man ay nasa sitwasyon ng pagkabigo, kalungkutan, trahedya at iba pang mga pagsubok na kanilang pinagdadaanan at huwag mong ikagagalak ang kapighatiang kanilang nararanasan.

Lahat tayo ay may kanya-kanyang panahon ng kasiyahan, katagumpayan, ng kalungkutan o kabiguan. Hindi natin masasabi na hindi ito mangyayari sa bawat isa sa atin.

Kaya't matuto tayong mamuhay ng may malasakit sa ating kapwa, anumang klase ng tao sila. Mahirap man o mayaman, mabuti man o masama, dapat ay pantay pantay ang ating pakikisalamuha sa kanila ayon sa kalooban ng ating Panginoon.

#GodBlessUs😇❤

#day125 ❤

#ToGodBeTheGlory

#keepUsSafe

================================

Day 126

Tagalog:

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Tagalog:

O Diyos, ako'y siyasatin, alamin ang aking isip, subukin mo ako ngayon, kung ano ang aking nais; kung ako ay hindi tapat, ito'y iyong nababatid, sa buhay na walang hanggan, samahan mo at ihatid.

Mga Awit 139:23‭-‬24 MBB05





English:

23 Search me, God, and know my heart;  test me and know my anxious thoughts. 24 See if there is any offensive way in me, and lead me in the way everlasting.


Psalm 139:23-24 NIV





******

Tayong mga tao hindi lahat ng oras ay nagiging tapat sa ating Panginoon. Madalas, kapag tayo ay mga dumadaan sa mga pagsubok sa buhay, tayo ay mga nakakalimot o pinanghihinaan ng ating kalooban. Ang akala nating tayo ay matatag na at matibay ang pagtiwala sa ating Panginoon, ayon pala ay hindi pa sapat.

Nalalaman ng Diyos at Kanyang nasisiyasat ang mga nilalaman ng ating puso't isipan. Batid Niya ang lahat-lahat sa ating buhay. Magmamula sa ating mga iniisip, binabalak o mga pinaplano, at maging sa ating mga kilos at gawa, nalalaman Niya ang lahat ng mga ito.

Wala tayong maililihim sa Kanya. Kaya't kahit anong mangyari o sitwasyon ng ating buhay tayo ay magtapat sa Kanya. Huwag tayong magsawang kausapin ang Diyos sa pamamagitan ng panalangin sapagkat ito ang magiging koneksyon natin sa Kanya upang hindi tayo mapanghinaan ng kalooban.

Siya ang gabay natin at matibay na tanggulan na tutulong sa atin. Magtutuwid sa ating mga likong landas. Dumaan man tayo sa iba't-ibang mga pagsubok at hamon ng buhay. Dito natin makikita at mapapatunayan na ang Diyos ay totoo at tapat na nagmamahal sa atin, kung tayo ay buong magtitiwala at magtatapat din sa Kanya.

#GodBlessUs😇❤

#day126 ❤

#toGodbetheglory

#keepUsSafe

365 Days || Bible Verses (2021)Where stories live. Discover now