Kabanata 31

697 35 1
                                    

Makita Kang Muli

** Ami's POV **

Just as Kuya Bait said, biglang dumami ang mga TV guestings namin lalo na ngayong nai-launch na namin ang first single ng Polaris - ang Superhero! Ang cool ng music video! Grabe, ang galing talaga nina Ms. Miyu at Ms. Aya! Lalong gumwapo doon sina Hunter at parang ang astig nilang tingnan lahat!

Pagdating sa mga critics, ang dami-daming positive reviews mula sa mga veteran musicians ng bansa. Napaka-upbeat daw ng song at kahit napaka-simple lang ng lyrics, napaka-catchy naman daw nito. Ang iba nga'y nagsasabing maganda raw gawing OST ng isang palabas na pang-superhero. Hehe... Pati na rin ang mga comments ng mga manonood, karamihan ay mga positive at mga mensahe ng pagsuporta ang natanggap namin. Waah... nakakataba talaga ng puso.

Dahil sa nangyari, dagsa tuloy ang samut saring mga guestings namin sa iba't ibang TV shows at nagkaroon na rin ng kani-kanilang mga fans meeting ang mga members ng Polaris lalo na si Hunster. Meron na rin siyang clothing brand na ini-endorse ngayon. Pumayag naman 'to ng sinabi nilang ilalagay nila dun ang pangalan niya bilang vocalist ng Polaris Band. Minsan pala hindi niya rin pinapairal ang pagiging inlab sa sarili niya.

Ngayon, nasa isang TV show na naman kami. Nasali ako kasi ni-request ng host na dapat daw kasama ako kasi may itatanong siya sa akin. I bet tungkol 'to doon sa na-tweet ko na until now ay hindi ko pa binababa. Bakit naman kung totoo naman 'yong nakalagay doon? Napabuntong hininga na lang ako kakaisip kung ano pa kayang itatanong nito na hindi ko pa naririnig.

Hindi na sana kami tatanggap pa ng guesting for now kasi busy na rin kami sa paggawa ng second single ng band. Oo. Ginagawa na namin ang second single namin! Pero dahil opportunity na rin na maparinig sa mga tao ang aabangan nilang bagong kanta ng Polaris kaya tinanggap ni Kuya Bait 'tong guesting na 'to.

Napanood ko ang show na 'to dati kasi na-interview na rin ang Zeus dito noon. Ang gwapo pa nga ni Skye noon eh! Ay, oo nga pala... gwapo nga pala siya kahit kelan... hehehe... Ang alam ko hindi naman offensive ang show na 'to kaya okay lang...

Pero aaminin ko, medyo kinakabahan ako ngayon. First time ko kasing maupo sa gitna ng ganitong show at sa harap pa ng audience at ng national TV! Nanlalamig na nga mga palad ko eh... Naiihi pa nga ako. Tiningnan ko sina Hunster, wow, sanay na sanay na talaga silang apat. Pang-ilang TV guesting na nga nila 'to? Pang more than ten na ata...

Okay lang... nakamaskara naman ako eh. I'll be alright. Patuloy na sabi ko sa sarili nang naramdaman ko ang paglapit sa akin ni Hunster.

"Hinga ka lang nang malalim," bulong nito pero ang mga mata ay nasa harapan nakatingin, "Relax... nandidito rin kami. Hindi ka namin pababayaan," sabi pa nito at kahit papaano napakalma nito ang kanina pang tumatalbog talbog na dibdib ko.

"Good evening mga people of the Philippines!"

Ayun, umpisa na! Waah! Hindi ko sinasadya, napakapit ako bigla sa sleeves ni Hunster. Kinakabahan na naman ako! Waah!

Biglang naramdaman ko ang dahang dahang paghawak ni Hunster sa kamay ko't hinimas himas 'to ng isa pa niyang kamay.

"Relax ka lang... just imagine na tayo-tayo lang ang nandirito," sabi pa niya at tumango tango naman ako.

"Here are the members of the Polaris Band!" narinig naming pagpapakilala sa amin ng host at mabilis namang binitawan ni Hunster ang aking mga kamay upang tumayo't kamayin ang host ng show. Sinunod ko naman ang kanyang ginawa at kinamayan na rin ang host with a forced smile. Ang hirap pala ng ganito...

Nang matapos na kaming magkamayan ay naupo na kaming muli sa couch at hinarap na kami ng host.

"Oy, I've seen your MV ha... it's so nice!" nakangising sabi nito.

Reaching SkyWhere stories live. Discover now