Kabanata 116

237 9 0
                                    

Space


Lumipad ang palad ko patungo sa kanyang pisngi bago ko pa ito mahinto. Kasabay nito ang pagbuhos ng aking mga luha. Nanlalaki ang mga mata niya sa pagkabigla sa aking ginawa. Matagal bago ang isa sa amin ay nakapagsalita. It was I who broke the silence with my shaky voice.

"Saan mo napulot 'yang mga salitang 'yan?! Kay Darla ba?! Ha?!" Untag ko sa kanya habang pinapakalma ko ang tila di mahinto na panginginig ng aking mga kalamnan. "Sinabi ba niyang ginawa kitang boyfriend para pagselosin at paghabolin ko si Skye?! 'Yan ba ang pinapasok niya sa isipan mo?!"

Galit na galit ako kay Darla for poisoning his mind. Galit na galit ako sa kanya for actually believing in her.

"Wag mong idamay si Darla sa problema natin! Wala siyang kinalaman dito!" At ipinagtanggol pa niya ang hayop na 'yon!

"Eto ba ang sinasabi mong emergency niya? Eto ba ang dahilan kung bakit kailangang kailangan ka niya?" Nagsisimula na ring magngitngit ang paningin ko sa lalaking aking minamahal.

"Hindi siya ang pinag-uusapan natin dito. Huwag mong ibahin ang usapan!" Untag niya sa akin sabay hampas uli niya sa kanyang manobela.

"Papaano mo nasasabi sa aking nagpapahabol ako sa ex ko?! Hunter, hindi mo man lang ba naisip na ibinigay ko na sa 'yo ang lahat-lahat ko?! Ano pa ba ang kulang para kapitan mo ang katotohanang ikaw na ang mahal ko?! Bakit mas matimbang pa sa 'yo ang mga salita noong Darla na 'yon kaysa sa akin?!" Halos sabunutan ko na ang aking sarili out of frustration.

Ang sarap manuntok, d*mn, pigilan niyo po akong sugurin 'yong lintik na Darlang 'yon!

"Wag mong isali 'yong tao sa usapan!" Muling untag nito sabay hampas sa kanyang manobela.

Natahimik ako nang biglang tumunog ang alarm ng kanyang sasakyan sa lakas ng kanyang pagkakahampas. Agad naman niya itong pinatahimik bago sumalampak sa manobela. Ilang saglit din kaming binalot ng katahimikan. Tanging ang mga mabibigat na hininga lang namin ang maririnig at ang faint rock music na nagmumula sa loob ng bistro.

Pinagmasdan ko ang exhausted niyang anyo. Alam kong dapat akong humingi ng tawad sa mga pagkukulang ko sa kanya pero hindi ko rin naman mapapalagpas ang huli niyang mga sinabi. Ibig sabihin ba nito ganoon kababaw ang tingin niya sa akin? Para lang mabawi ko ang atensyon at pagmamahal ni Skye ay gagamitin ko siya? Ganoon lang ba kababaw ang turing niya sa pag-ibig ko para sa kanya? P*ta! Mahal na mahal ko siya!

"Bawiin mong mga sinabi mo." Mahina kong sabi, breaking the silence between us.

"Bakit ko babawiin? Masakit? Natatamaan ka?"

Sh*t lang.

"Bawiin mo." Muli kong sabi, mas may diin.

"Alam ko, Ami, hanggang ngayon ay siya pa rin."

Ha?!

"Nararamdaman ko 'yon kahit hindi mo aminin." Ginagalit talaga ako nito. "Ngunit kahit ganun pa man, ginagawa ko pa rin ang lahat para mapaligaya ka. Ginagawa ko pa rin ang lahat pa punan ang space na binakante niya sa puso mo. Bakit parang hindi pa rin sapat ang lahat? Kulang pa rin ako." Mahinang sabi niya habang tinatapik ang kanyang manobela.

Parang hinihiwa ang puso ko sa mga sinabi niya.

"Ilang beses ko pa bang uultin na mahal kita para paniwalaan mo ito? Ilang beses ko pa bang sasabihin na hindi ko na siya mahal to make you feel secure? Maaari ngang tama ka when you said na baka gusto niyang makipagbalikan." I heard him took a sharp breath in nang banggitin ko 'yon.

When he didn't say a word ay nagpatuloy ako.

"Pero Hunter, kulang pa ba ang ikaw ang pinili kong mahalin? Kulang pa bang nandidito ako ngayon kasama mo?" Marahas kong inalis sa aking pisngi ang nagsisihulugang mga luha sa inis ko sa aming sitwasyon.

Reaching SkyWhere stories live. Discover now