Kabanata 60

353 9 3
                                    

Swimsuit

Mabilis kong siniil ng halik ang kanyang mga labi habang nakahawak sa kanyang likuran ang aking kaliwang kamay at nasa batok naman niya ang aking kanan. Noong umpisa'y nakaramdam ako ng pag-aalinlangan mula sa kanya at tila itinutulak ako papalayo. Agad ko namang sinalo ang kanyang nagtutulak na kamay at marahang isinabit ito sa aking leeg without breaking the kiss. Unti-unti, naramdaman ko ang pagkalma niya. Tumigil na rin siya sa pagpalag at dahan-dahang sinasagot ang aking mga halik.

Pakiramdam ko, libu-libong mga kabayo ang nagsisitakbuhan ngayon sa dibdib ko habang patuloy ko siyang hinahalik nang marahan. I traced the smoothness of her face gamit ang aking kanang kamay habang idinidiin pa ng aking kaliwa ang kanyang katawan mula sa likuran papalapit sa akin.

When I felt her kissing me back, di sinasadyang mapaungol ako sa saya. God, I love her so much... Di nagtagal, I deepened the kiss between us. Sabik na sabik sa matatamis niyang mga labi. Sabik na sabik na maramdaman ang init ng kanyang mga haplos. Sabik na sabik na marinig na banggitin niya ang aking pangalan.

"Hunter... Anong nangyayari sa atin?" I heard her say in between our kisses at napamulat ako ng aking mata.

Agad akong bumitaw sa pagkakaakap ko sa kanya at wala sa sariling napahawak sa aking mga labi. I saw confusion in her eyes. God, anong nagawa ko?!

"A-- ano..." Hindi ko alam kung papaano sisimulan, kung anong sasabihin sa kanya.

Aaminin ko na ba ang matagal ko ng nararamdaman para sa kanya? Siguro ganun na nga... Huminga muna ako nang malalim bago ko siya tinitigang muli sa kanyang mga mata.

"Ami, I love--" sasabihin ko na sana nang bigla siyang nagsalita.

"Tingnan mo Hunster o! Tumila na ang ulan!" Napatayong sabi nito habang itinuturo ang madilim na kalangitan, "Balik na tayo sa villa," sabi pa nito habang nakangiti sa akin.

Ako naman ay nakaupo pa rin, nakaawang ang bibig at tulala lang na nakatingin sa kanya. Seriously? Binara niya ang aking confession?! Sinadya niya ba 'yong gawin?

"Hunster! Dali na at baka umulan na naman! Pagagalitan tayo ni Kuya Bait nito, e!" Sabi nito habang naglalakad na pabalik sa direksyon ng resort.

Habang pinagmamasdan ko ang papaalis na likod ng kasama ay napaisip ako. Totoo ba 'yong nangyari sa amin kanina? Hinalikan ko siya. Hinalikan niya ako. Bakit pakiramdam ko panaginip lang ang lahat? Nakaramdam na naman ako ng kirot sa aking dibdib. Ni hindi man lang niya pinakinggan ang matagal ko ng gustong sabihin. Is this her way of rejecting me? Naninikip pa rin ang aking dibdib habang pinagmamasdan ang dalagang minamahal na naglalakad sa malayo.

"Ami, I love you."

** Ami's POV **

Agad kong ni-lock ang pinto ng aking kwarto pagkapasok. Napasandal ako sa pinto at dahan-dahang dumausdos paupo sa malamig na sahig. Wala sa isip kong hinimas ang aking mga labi. Hinalikan ako ni Hunster. Mali. Naghalikan kami ni Hunster. Naalala ko ang mga mapupungay niyang berdeng mga mata habang nakatitig sa akin. Ang mga maiinit pero marahan niyang mga haplos. Ang kanyang mga ungol habang hinahalikan ako. Naramdaman ko ang muling pag-init ng aking mga pisngi. Waah!

Agad kong itinago ang aking mukha gamit ang aking mga kamay. Shemay! Naghalikan nga kami ni Hunster! Bakit niya ginawa 'yon? Bakit ko ginawa 'yon? Sinagot ko ang mga halik niya! Gosh! Kahahalik ko lang kay Skye at pagkatapos ay hinalikan ko naman si Hunster?! Anong nangyayari sa akin?! Pagtataksil 'tong ginawa ko! Paano ko hinayaang mangyari 'to? Gulung-gulo ang utak ko at pakiramdam ko'y sasabog na ang ulo ko sa kaiisip kung bakit. Ibinaon ko na lang ang aking mukha sa aking mga bisig habang akap-akap ko ang aking mga tuhod.

Reaching SkyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon