Kabanata 29

395 12 2
                                    

Ngiti


** Ami's POV **

Napaunat ako sa aking mga bisig. Pagmulat ko nasa practice studio pa pala ako. Paano ba ako napunta rito? Di ba magkasama kami ni Ms. Rin kagabi? Bumangon na ako't naupo nang mapansin ko si Hunster na nakatulog sa keyboard.

Waah... nakakaawa naman siyang pagmasdan. Tinignan ko ang oras sa wallclock, 04:30 ng umaga. Ang aga ko namang nagising. Napahikab ako at nag-unat na namang muli. Matapos ay tumayo na't pinulot ko ang kumot sa couch na kagagamit ko lang at nilapitan si Hunster upang makumutan naman ito.

Napansin kong nakasandal ito sa isang madungis na score sheet. Gumagawa ba siya ng kanta hanggang sa makatulog siya? Ano kayang sinusulat niya? Makita nga...

Kukunin ko na sana nang dahan-dahan ang sheet sa ilalim ng kamay niya nang bigla siyang magising at hinablot mula sa akin ang mga papel.

"What are you doing?" gulat na tanong nito habang naka-clutch sa dibdib niya ang mga papel, magulo ang buhok, may muta pa sa mga mata at may panis na laway pa siya sa pisngi. Wow ha... naku-curious na tuloy ako kung anong isinulat nitong Hunster na 'to.

"What are you doing? Bakit ayaw mong ipakita sa akin ang nilalaman ng papel na 'yan?" I asked back at him, "Siguro bastos 'yan ano?!" asar ko pa sa kanya na nanlaki lang ang mga mata at napatayo na sa kanyang kinauupuan.

"H-hindi ah!" mabilis nitong sagot. Defensive...

"Basta hindi para sa iyo 'to!" dagdag pa nito bago tumaripas ng takbo palabas ng silid. Anong drama noon?

"O, anong nangyari kay Hunter?" tanong ni Kuya Bait pagkapasok sa studio.

"Ewan... may kung anong sinulat na kanta pero ayaw namang ipakita sa akin," sagot ko naman.

"Talaga? Ayaw niyang ipakita sa 'yo?" natatawang sabi ni Kuya Bait, "Himala! Usually, pag may natapos siyang kanta, ipagyayabang niya 'yon kaagad agad. Ngayon lang niya ginawa 'to... hmm..." sabi pa nito.

"Naku, nag-iinarte lang 'yon, Kuya," sabi ko pa habang inaayos ang mga kalat sa keyboards.

"Um, Sora, wag kang magagalit ha?" narinig kong salita ni Kuya Bait.

"O, bakit naman Kuya? May problema ba?" sagot ko sa kanya.

"Pwedeng maghilamos ka na? Meron ka kasing muta at panis na laway sa mukha mo eh," nahihiyang sabi ni Kuya. Nanlaki ang mga mata ko sa mga sinabi nito't napatingin ako kaagad sa reflection ko sa cell phone ko.

OMG!!! This is so nakakahiya!!! Takbo ako kaagad palabas ng silid ng walang pasabi kay Kuya Bait. My gulay naman this face! Waah!

Later that day, during sa practice nila Kuya Jasper, biglang nag-interrupt si Kuya Bait habang may dala-dalang mga papeles.

"Alam niyo ba kung ano ang mga eto?" tanong nito sa amin.

"Ano ba 'yan?" mabilis na tanong ni Hunster.

"These are all Polaris' invitations to perform on national television!" ecstatic na sabi ni Kuya Bait.

"Holy cow!" bulalas ni Ivan.

"That's amazing, Rave!" sabi naman ni Kuya Calvin at nag-high five sila ni Kuya Jasper at Ivan.

"Magiging artista na ako!" Dagdag pa ni Ivan.

"Hindi ba kayo magkakaproblema ni Therese niyan 'pag nagkataon?" narinig kong tanong ni Kuya Calvin dito.

"Ha?! Kayo na ni Ms. Therese?!" halos pasigaw ko nang tanong sa kanila.

Reaching SkyWhere stories live. Discover now