Kabanata 121

453 18 4
                                    

@kyunkyun: Thank you for supporting my story and for the encouraging words you've shared. Thank you. Thank you. :D

Cycle


**Ami's POV**

"And that's a wrap!" Narinig kong sabi ni Aya mula sa Technical Room at hindi ko na napigilang makaramdaman kaagad ng excitement. Tapos na ang rehearsals namin nina Kuya Calvin at isa lang ang ibig sabihin nito: magkikita na kami ng Hunster ko!

Mabilis kong inilugay ang aking naka-ponytail na buhok at pagkatapos ay kinuha ko ang aking bag para maghanap ng pangsuklay. Mag-aalas nuebe na ng gabi. Wala na akong oras pumunta ng banyo para magpaganda. I need to get to our old building as fast as I can dahil alam kong naghihintay doon ang aking mahal. Hindi naman nakatakas sa matalas na paningin ng aking mga kababata ang kaibahan ng aking kinikilos.

"Parang bigla ka atang sumigla ngayon, ah." Puna ni Kuya Calvin habang sinusuklay ko ang aking buhok.

"Medyo." Nakangiti kong sabi habang tinatali ang medyo mahaba ko na ring buhok.

Bakit ko pa itatago, di ba? Tutal, alam na nilang boyfriend ko si Hunster. Hindi ko man alam kong anong opinyon nila tungkol dito pero natuto na ako. Hindi ko na ililihim pa ang tungkol sa amin.

"Magkikita ba kayo ni Skye?"

Natigilan ako at napalingon sa may-ari ng boses – si Ivan na kasalukuyang inaayos ang kanyang bass guitar at nakatanaw sa aking kinatatayuan.

"Nagkita na kami kanina at nagkasama for the last three days, hindi ba? Bakit pa kami magkikita ngayon?" I simply answered while I continue tying my hair habang nakaharap sa one-way mirror ng studio. "At saka, may gig ata sila, sabi niya." I added habang chini-check ang sariling ayos sa salamin bago inilagay muli sa loob ng aking bag ang hawak na suklay.

"Kung ganun, sinong kikitain mo?" Si Ivan muli ang nagtanong.

Chineck ko muna for the last time kung ayos na ba ang anyo ko sa salamin bago ko siya nilapitan at kinurot sa pisngi.

"Pupuntahan ko ang taong bubuo ng Polaris." Nakangiti kong sabi at agad na kumunot ang noo nito.

"Para ano pa—" Hindi ko na siya pinatapos at tinungo ko na agad ang pinto.

"Mauna na ako sa inyo, ah? Bukas uli!" I said sabay suot sa puting sombrero ng aking ex sa aking ulo bago tuluyan ng lumabas doon.

Nasa lobby na ako ng building at matiyagang naghihintay ng taxi when something on the TV na pinapanood ni Kuya Guard caught my eye – si Skye! He's being interviewed! Live yata 'to ah! Lumapit pa ako ng konti para mapakinggan ko nang mabuti ang kanyang sinasabi.

"Skye, sino 'yong babaeng kasama mo sa pictures na nagte-trending ngayon sa mga social networking sites?"

"Is she your girlfriend?"

"Paano na si Sora?"

Grabe! Hanggang ngayon hindi pa nila tinatantanan ang issue ah! Hanggang ngayon big deal pa rin kung sinong mga kasama ni Skye. Paano kaya niya nagawang tiisin ang ganitong mundo sa loob ng halos limang taon?

I put my thoughts aside at pinakinggang maigi kung anong isasagot ng naka-hoodie na dating kasintahan na kahit pagod ang mukha, gwapo pa rin.

I sighed as I saw him smile before giving his straight answer.

"She's my girlfriend."

Halos masamid ako ng sarili kong laway sa sinagot niya. Hanuraw?!

"Paano na si Sora?"

Reaching SkyWhere stories live. Discover now