Kabanata 112

282 7 0
                                    

First


** Skye's POV **

Get your f*cking hands off my girlfriend!

It's been three days since that incident. Hindi muna ako nagpakita kay Ami kasi masyado akong naguguluhan sa nangyari. I just focused on our practices and then convincing the higher ups why the collaboration must happen. Persistent din pala itong si Rin. Lahat ng gugustuhin niyang mangyari, kailangan talagang mangyari. Well, even I wanted this to happen. Why? Simple. Gusto kong makasamang magperform sa stage si Ami.

I remembered the first time she sang on stage as Sora, she was unbelievably explosive! Wasn't that the reason why I felt threatened by her? She obviously got the talent. Her songs, which she personally wrote, are already incredible to boot! Isama mo pa ang pagiging misteryoso niya! Aside from feeling threatened, I remember feeling jealous of the one who was beside her on that same stage. I also wanna go up there and sing alongside with her. I wanna be the one who strikes that guitar for her. Not him. Not Hunter.

You're just her ex...

Napakunot ang noo ko sa naalala. Kailan pa? Kailan pa naging sila ni Hunter? Hindi ba't kakausap pa lang naming dalawa two weeks ago? Hindi ba dapat magkakabalikan pa kami? Bakit nagkaganito? Paanong nagkaganito?

I was in the middle of contemplating with myself nang marinig kong sinasambit ang pangalan ko.

"Skye! Hoy!"

"H-ha?" Sagot ko nang maramdaman kong may tumama sa aking likuran. Nang aking lingunin, isang nakakunot-noong Calvin ang nakatingin sa akin.

"Nakikinig ka ba? Ang sabi ko, jamming tayo sa bistro ni JJ mamaya." Sabi nito habang inilalapag ang bitbit na gitara sa isang stand.

"Ha? Ah, eh... Teka, i-che-check ko muna ang schedule ko." Sagot ko na lang habang tinitignan ang laman ng calendar ng cell phone. "Mga anong oras?" Wala sa isip kong tanong dito without looking at him at patuloy lang bina-browse ang content ng calendar ko.

"Mga alas dyes ng gabi." Mabilis na sagot naman nito.

Alas dyes ng gabi. I mentally note while browing through my schedule. O, may special gig pala kami sa isang resort on that same time. Hindi pwede. I was about to tell him nang biglang dumating si Ivan na daladala ang kanyang bass.

"Sabi ni Ami makakapunta raw siya sa bistro mamaya." Bungad nito sa amin.

Agad naman akong natigilan sa sinabi niya

Pupunta si Ami? Magkikita kami? Teka, baka kasama niya 'yong asungot na 'yon!

"Tinext ko na rin si Hunter. Ayun, hindi daw siya makakapunta. May emergency na naman si Darla." Biglang dagdag ni Ivan. "OA talaga ng hilaw na 'yon. Bakit hindi na lang kaya nila ipasok sa mental, eh, para naman 'yong sira?!" Dagdag pa nito.

Tss. Ano na naman kayang drama ng fake na iyon? Pero hindi talaga makakapunta si Hunter? Ibig sabihin, pwede kong lapitan si Ami! Ibig sabihin, pwede kaming mag-jamming nang walang nagwawalang assuming na boyfriend? Mas pinili pa talaga niya 'yong fake ba 'yon over being with Ami. Bobo talaga. Tss.

"O, Skye! Natahimik ka diyan?" Puna sa akin ni Calvin. "O, ano na? Bakante ka ba mamaya?" Tanong uli nito.

"Jam tayo!" Sabi pa ni Ivan habang kinakaskas ang kanyang bass kahit walang tunog na lumalabas.

I glanced at the opened screen of my phone at naka-focus sa mga nakasulat sa tapat ng 10:00 PM schedule ko. I remembered how that bastard took Ami away from my hand. I remembered how he pressed his claims on her.

Reaching SkyWhere stories live. Discover now