Kabanata 102

348 7 0
                                    

Peace


Anong pinakain ni Therese at naging ganito ka-bold ang kababata ko?

"Gusto kong magsisi. Kung alam ko lang na magiging ganito ang kahihinatnan ng lahat, sana..." He paused at saglit na mariing ipinikit ang mga mata.

Matapos ay bumuntong siya ng hininga bago pinakawalan ang aking mga pisngi at inilayo ang kanyang mukha. He, then, flashed a sad grin bago nagsalita.

"Kung kailangan mo kami, magsabi ka lang. Nandoon lang kami sa labas, sa likod ng pintuan. Aryt?"

Seeing his forced smile, I felt like he deserved a sincere smile from me and so I did. After that, naglakad na siya patungo sa pintuan but paused in front of Skye.

"Kung g*gaguhin mo pa rin ang kababata ko, hinding hindi na kita sasantuhin. Isama mo pa lahat ng mga kabanda mo. Tandaan mo 'yan!" He threatened pero hindi naman natinag si Skye sa kanya.

Pinaningkitan lang niya ito ng mata at nakipagpaligsahan sa pagtitigan.

"O, awat na Ivan! Hayaan na nating mag-usap muna silang dalawa." Biglang sabi ni Kuya Calvin bago siya hatakin palayo kay Skye. "Tutal, kaya naman 'yang patulugin ni Ami kung saka-sakali." Kinindatan pa ako nito bago tuluyang lumabas habang hila-hila ang panay na nagpupumiglas na Ivan.

Awtomatiko namang nag-init ang aking mga pisngi sa kanyang sinabi. Hindi naman kasi alam ni Skye ang tungkol sa pagiging black belter ko sa judo. I did judo after he left upang sagayon ay maiwala ko saglit sa aking isipan na nasa malayo siya.

The moment the door closed, bumalot agad ang katahimikan at awkwardness sa buong silid. Kahit nakatalikod ako sa kanya, ramdam ko ang intensity ng kanyang pagtitig sa akin na tila ba lahat ng mga senses ko'y naka-focus lang sa aking likuran. Nagsisimula namang magsitakbuhan ang mga kabayo sa dibdib ko. I know I said I'm ready to face him pero... Um, ano... Um, paano ba ito sisimulan?

Kumusta ka na? Eh, alam ko naman kung gaano siya ka-OKAY ngayon.

Surprise? Mukha nga. Ipapa-obvious ko pa ba?

Sorry? Bakit naman ako ang magso-sorry eh siya nga 'yong may atraso dito di ba?

Bahala na si batman! I just have to turn around and face... Shetitaps na malupit! Pakiramdam ko lumipad bigla sa kawalan ang kaluluwa ko when I found his brown eyes just inches away from mine at napaatras ako ng di oras. Agad akong nag-iwas ng tingin at napamura ng pabulong.

"Ami..." He called and by reflex napatingin akong muli sa kanya.

He smiled sadly at dahan-dahang lumapit sa akin. Napapaatras naman ako sa bawat paglapit niya. He stopped when he noticed this before he displayed a pained expression on his face.

"I... I don't know where to start." He admitted bago tumungo sa couch at umupo roon.

Agad naman niyang inihilamos ang kanyang mga palad sa kanyang mukha at napasinghap ng hangin.

Dahan-dahan ko namang tinungo at umupo sa opposite couch habang nanatili ang aking paningin sa tila pagod na anyo ni Skye. I need to lighten up the mood first.

"Bakit nandito ka pa pala? Hindi ba nagmamadali kayong umalis kanina kasi may iba pa kayong appointments pagkatapos noong guesting?" I quipped pertaining to the show we both guested. Muli na naman siyang huminga nang malalim.

"I told them I wasn't feeling well at i-postpone na lang muna ang mga iyon." He answered habang nakatakip pa rin ang kanyang mga palad sa kanyang mukha.

"Hmm... So may appointment talaga kayo... Akala ko kasi sinadya mo 'yon para maka-proceed ka sa mga binabalak mo para kay Sora." Panunukso ko rito at agad ko namang napuna ang matalim na pagsinghap nito ng hangin. "O, hindi ka nakapagsalita? Guilty ka, 'no?" Biro ko pa rito sabay tawa ng marahan.

Reaching SkyOù les histoires vivent. Découvrez maintenant