Kabanata 37

352 12 0
                                    

Darna


NP: Time In by Yeng Constantino

Nang marinig ng mga tao ang nabubuong mga tunog sa likod ng telon ay mas lumakas pa ang mga hiyawan nito.

"Itaas natin ang ating mga kamay hawak ang mga talang 'yan at sabay-sabay nating salubungin..." narinig naming sabi nito, "...screaming girl... SORAAAAA!!!!" malakas na sigaw nito kasabay ang biglang pagkahulog ng telon at pagsabog ng mga fireworks.

Nagsitilian ang mga tao nang makita kaming lahat. Maging ako'y tila natulala nang makita ang suot ni war freak. Naka-tube dress siya ngayon na kulay puti na may accent ng itim. Masyadong maiksi ang sukat ng skirt niya sa harapan habang ang likuran nama'y abot hanggang sahig. Naka-curls ang dating naka-pony tail lang nitong buhok at suot-suot pa rin ang barely there half-mask nito.

Tumingin muna siya sa akin at nangiti nang pagkaganda-ganda na para bang nalaglag ang puso ko sa ipinakita niya bago niya sinimulan ang pagkanta.

Sora: Ako ang bida ngayon
Ako: Masyado kang ambisyosa

Kamuntikan ko nang malimutan na magka-duet nga pala kami ni war freak. Masyado akong nadidistract ng dress niya.

Sora: Wag kang kokontra kung ayaw mong masipa sa mukha
Ako: Kung kaya, e di subukan na
Sora: Masipa sa mukha
Ako: Sipain din sa mukha

Natawa ang audience habang pinapakinggan ang kanta namin. Nagsilapitan naman ang ilang papaalis na sanang mga tao at lahat ay nakatingala sa amin. Kaya naman pala, mayroon kasing animation na pinapalabas sa mga big screens sa ibabaw naman kasabay ng aming pagtugtog.

Sora: Ako ang bida ngayon
Ako: Hanggang pangarap ka na lang

Para lang kaming nag-aasaran like we usually do.

Sora: Sa porma kong artista, daig ko pa si Nora at si Vilma
Ako: Wag ka nang umasa pa

Ang cute niya tignan kapag nagpa-pout siya habang kumakanta. Nangingiti tuloy ako.

Sora: Si Nora at si Vilma
Ako: Ilusyunada ka

Napansin ko ang paglipat ng grupo ng Zeus sa may harapan upang panuorin kami. Manghang-mangha ang mukha ni Wolf nang makita akong pinagsasabay ang pagtugtog ng lead at ang pagkanta. Hindi sila napansin ng mga tao dahil nakatuon ang paningin nila sa palabas sa screen habang pinakikinggan ang tugtog namin na ngayo'y wala nang mintis. Lahat naka-focus at nakangiti habang tinutugtog ang mga parts nila.

Sora:
Dahil
Ngayong gabi, ako'y titingalain
Ngayong gabi

Nang bumuwelta na ang tugtog biglang nagdilim ang ilaw at sumabog na naman ang mga fireworks sa tabi ng stage lighting our dimmed environment. Napa-wow ang audience sa nakita. Maging kami ma'y napamangha sa mga nagaganap. At mas nafa-fired up sa pagtugtog.

Ako si Darna, ako ang dyosa

Nakataas na ngayon ang isang kamay ni war freak at tila komportable na itong nagpeperform habang ini-entertain ang mga taong naiindak na sa rhythm at ang iba nama'y nakaangat ang daladalang glow in the dark stars na tila nasa space kami't punong puno ng mga bituin ang paligid.

Ako ang talang nagniningning sa kalangitan

Sumasayaw-sayaw na si war freak ngayon. Nangiti ako nang maalala kung gaano siya kakabado kanina. Ngayon, ang buong place naman ang yumayanig nang dahil sa kanya.

Ako si Wonder Woman, ako ang superstar
Akin ang sandali, ako ang reyna ng gabi

Ako: Ikaw ang bida ngayon

Reaching SkyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon