Kabanata 71

715 33 8
                                    

Langit

** Ami's POV **

Pagkatapos nito... magsaklob man ang langit at lupa, di na kita pakakawalan pa

Parang mantrang nagpaulit-ulit sa aking isipan ang mga huling sinabi ni Hunster. Hanggang ngayon ay nagdedebate pa ang isipan ko kung tama nga ang pagkakarinig ko o guniguni ko lang 'yon. Eto namang si Heart, kanina pa ayaw maghunusdili.

"Baby, are you listening to me?"

Nabalik lang ako sa kasalukuyan nang maramadaman ko ang pagdampi ng kamay ng kasama ko. Sinundan ko nang tingin ang may-ari ng kamay na 'yon at nakita ang nakangising mukha ni Skye na napapatingin sa akin while trying to keep his eyes on the road. May something siguro sa expression ng mukha ko't biglang naglaho ang ngiti nito.

"Ayaw mo bang kasama ako?" May panlulumo nitong tanong na nagsilbing wake-up call ko.

Ano ka ba naman, Ami? Tanga ka ba? Si Skye na 'yong kasama mk ngayon! Surprise date niya sa 'yo! Ba't ibang lalaki ang nasa isip mo?! Umayos ka nga?!

I shook all those Hunster thoughts away at hinarap ko si Skye nang nakangiti.

"Ano namang klaseng tanong 'yan, Skye? Syempre masaya! Kasama ko nga crush ko ngayon, di ba?" Buong galak na sabi ko pero hindi pa rin naibalik ang ngiti sa mga labi ng aking katabi.

"Crush lang? Hindi ba boyfriend?" Parang kinurot ang puso ko sa narinig sa kanya.

Hindi ako nakasagot. E, ano namang sasabihin ko? Gulung-gulo pa ang utak ko ngayon. Nandiyan 'yong mga obssessed niyang mga fans na hindi ako tinitigilan. Nandiyan pa 'yong naudlot naming recording. Tapos nakikisawsaw pa 'tong puso kong hindi ko maintindihan. Haaay... Umupo na lang ako nang maayos habang nakaharap sa harapan.

"Nanliligaw rin ba sa 'yo si Hunter?" Agad akong napalingon sa kanya sa narinig.

"H-ha? H-hindi ah!" I answered almost immediately - stuttering.

Napatingin siya sa akin with doubts in his eyes.

"Ba't naman ako liligawan noon? Hindi naman ako type noon!" Dagdag ko pa and I felt the car slowed down as we came to a traffic junction.

Naka-red ang lights and we needed to stop. When his car came to a halt, agad niya akong hinarap, his eyes, full of questions, seeking answers in mine.

"Sigurado ka?" I heard him ask and I reluctantly nodded in response.

"Then why do I feel like binabakuran ka niya like he f*cking owns you?" I feel the irritation in his tone.

Nagseselos siya kay Hunster? I couldn't help but feel happy inside. Kinagat ko ang aking lower lip to stop myself from smiling.

"Nagseselos ka?" The words were out of my mouth before I could stop them.

Nakita ko ang pamimilog ng mga mata ni Skye sa kanyang narinig. Ayan! Nagpapadala ka kasi sa kilig!

"Hindi ba ako pwedeng magselos? The girl I like is living in the same roof as the man who seems interested with her. Anong gusto mong maramdaman ko? Matuwa?" He's seriously not happy with it, that's for sure.

He held my face with those intense brown eyes of his and I felt my cheeks became hot. Shemay! Enough with the staring Skye at baka tuluyan na akong malusaw dito!

"He's just trying to protect me, Skye, what with all your fans have been doing to me these days since our photos came out." I cooly said habang nag-iwas ako ng tingin.

'Yong naramdaman kong kalungkutan when I felt like I was battling this issue alone ay bigla na lang bumalik sa akin. My chest contracted at the memory. Wala siya doon when they threw eggs at me. Wala siya doon when they cussed and spitted at me. Wala siya doon when they bombarded me with death threats. Nagpakatatag ako kasi ayokong maging mahina sa mga mata niya, sa mga mata nila. But God, I was so lonely!

Reaching SkyDonde viven las historias. Descúbrelo ahora