Kabanata 65

308 8 0
                                    

Sagot

"Hmm? Sora? Gising ka na?" Agad ko namang kinapa ang mukha ko't naalalang suot-suot ko nga sa aking mukha ang maskara ni Sora.

Dahan-dahan kong sinilip ang taong nakahiga sa aking kama. Imposible namang si Skye 'yon. Paano naman 'yon makakapasok dito e dinoble ni Kuya Bait ang security ng lugar matapos lumabas 'yong mga litrato namin. Namamalikmata lang siguro ako. Tama. 'Yon nga siguro.

Paulit-ulit ko 'yong sinasabi sa isipan ko nang siliping muli ang taong nakahilata sa aking kama.

"Good morning, Babe." Nakangising bati sa akin ni Skye.

Sinampal ko nang malakas ang aking sarili just to check if nananaginip lang ba ako. Aray. Masakit. Hindi pa rin nawawala ang ngayo'y nagulantang na lalaki sa aking nagawa. Ilang saglit pa'y tumawa siya nang malakas. Totoo nga ito. Si Skye nga ang nasa kama ko.

"Ano bang pinaggagagawa mo diyan? Halika nga dito." Nakatulala pa rin akong nakaupo sa aking sahig nang hatakin niya ako pabalik sa kama.

Hindi pa rin maalis ang tawa niya.

"Skye." Tawag ko pa sa kanya nang makaupo na ako sa aking kama.

"Oo. Ako 'to. Hindi ka nananaginip. Kararating ko pa lang galing sa tour namin sa Australia. Kakapagod nga e. Wala pa akong tulog." Sinundan ko lang siya ng tanaw habang nahihiga sa aking kama.

"Wag kang tumunganga diyan. Tabihan mo ako." Nakangising sambit niya bago niya ako hilahin pahiga sa tabi niya.

Pagkatapos noon ay tumagilid siya upang makaharap ako't tinandayan ng kanyang binti ang hita ko at itinanday niya rin ang braso niya sa baywang ko na para siyang nakaakap sa akin.

"Hanggang ba sa pagtulog ay suot-suot mo pa rin 'tong maskara mo?" Nagulantang ako sa biglaang paglapit ng kanyang mukha sa mukha ko.

Ayan na naman 'yong mga kabayo sa dibdib ko. Sinisimulan na nila ang karera.

"Um, nakalimutan ko kasing tanggalin kagabi." Halos pabulong kong sagot.

He caught me off guard nang bigla niya na lang inilapat ang kanyang labi sa aking labi. Sandali lang 'yon. Nang matapos na siya'y nakangisi niyang pinagmasdan ang nabigla kong reaction.

"Hmm... Welcome back kiss ko 'yon. Di mo pa kasi ibinibigay kaya kinuha ko na lang." Malambing nitong sabi.

Magsasalita na sana ako nang muli niya akong hinalikan.

"Good morning kiss ko naman 'yon. Bagal mo kasi e." Natatawa pa nitong sabi.

"Skye. About this--" May sasabihin pa sana ako nang bigla na naman niya akong hinalikan.

"I miss you kiss mo naman 'yon. Halos isang linggo rin tayong di nagkita. Parang ang tagal." Nakangisi pa rin nitong sabi na tila wala siyang narinig sa sinabi ko.

Napasinghap muna ako ng hangin bago ako muling nagsalita.

"Skye. We need to talk about the pictures." Mariin kong sabi sa kanya pero iba na naman ang pinagkakaabalahan niya.

Umakap na naman siya nang mahigpit sa akin at binigyan ng butterfly kisses ang buhok ko.

"Ang bango-bango mo talaga. Hmm... Ang sarap akapin! Ang sarap umuwi ng bahay kung ganito lang kabango ang laging naghihintay sa akin." Sabi pa niya habang inaakap pa ako nang mahigpit.

"Skye..." Tawag ko sa kanya na may pagmamakaawa na sa boses ko.

Niluwagan niya ang pagkakaakap sa akin at ini-level ang kanyang mukha sa aking mukha.

Reaching SkyWhere stories live. Discover now