Kabanata 72

314 6 0
                                    


Skyranch

Nakasunod pa rin ang paningin ko sa humahabol na sasakyan ni Hunster nang maramdaman ko ang marahang paghawak ni Skye sa aking kamay. Agad ko itong sinundan ng tingin at nakita kong nakasilip sa kanyang wayfarers ang mga nakangiting mata nito bago niya dinala ang aking kamay patungo sa kanyang labi at binigyan ito ng halik. Shemay, ang tamis! Kinikilig ako!

Bigla namang bumusina ang sasakyan ni Hunster na nasa tabi na naman namin. Pagod na tinignan ni Skye ang nakangisi pa ring Barbie Doll.

"Let us come with you! You owe me one, remember?!" Pasigaw nitong sabi sa aking katabi na agad namang napahinga ng malalim bago ako hinarap muli.

"Okay lang ba sa 'yong kasama sila?" Malungkot nitong tanong.

Mabilis kong tinignan ang nagmamakaawang anyo ni Barbie Doll pero mas nakuha ng attention ko ang seryosong mukha ni Hunster. Bigla ko na namang naalala ang mga sinabi niya.

...magsaklob man ang langit at lupa, di na kita pakakawalan pa.

Muli na namang bumibilis ang tibok ng puso ko sa naalala. Anong ibig niyang sabihin?

Nabalik lang ako sa kasalukuyan nang maramdaman ko ang marahang pagpisil ni Skye sa aking kamay.

"Babe?" Malambing na tanong nito na tila naghihintay sa isasagot ko.

"H-ha? A, e... W-wala namang problema sa akin. I-ikaw? Okay lang ba sa 'yo?" Mahina kong sagot sa kanya habang iniiwasan ang kanyang mga mata.

Shet... Nakaka-guilty!

"Hmm...." Narinig kong sabi niya bago ko siya nakitang nag-smirk pagkatapos ay muling hinarap sina Barbie Doll.

"You can come!" Sigaw nito sa katabing sasakyan at nakita kong lumiwanag ang mukha ni Barbie Doll habang masayang sinasapak ang balikat ni Hunster na pilit namang nangingiti.

"Where are we going?!" Halos patili nitong tanong sa nakangising Skye.

"Only if you can catch up!" Narinig kong sabi nito bago ako nilingon at mabilis na lumapit sa akin.

"What?!" Tila narinig kong pagkaklaro ni Barbie Doll.

"Hold on tight, Babe." Bulong nito bago niya hinalikan nang marahan ang aking pisngi.

Shemay! Wala sa isip kong napahagilap ako sa mukha ni Hunster na tila namumutla habang nakatingin sa amin.

Matapos noon ay agad na nagpalit ng gear si Skye. Narinig ko ang galit na tunog ng sasakyan niya bago nito iniwanan ang Nexus ni Hunster. Whoah! Sobrang bilis! Parang Fast and Furious lang ang pakiramdam ko ngayon - siya fast ako na-fu-furious! Jusko! Ayoko pa pong mamatay!

"Woooo! This is fun!" Narinig kong sigaw ni Skye habang nagmamaneho at ako nama'y nakakapit ng mahigpit sa aking upuan.

First time kong nakita siyang ganito ka-thrilled since noong una niyang natanggap ang balitang isasalang na sila sa limelight noong bago pa lang ang Zeus. Kahit nakakapit ako nang mahigpit dito, hindi ko pa ring maiwasang mangiti sa masaya nitong mukha.

Hindi ko namalayang may tumabi na pala sa mabilis na takbo ng aming sasakyan.

"Seriously?!" Narinig kong sigaw ni Skye habang nakangisi itong nakatingin sa side ko.

Sinundan ko 'yon ng tingin at bumungad sa akin ang naka-smirk na mukha ni Hunster.

"Hybrid, Baby!" Nakangising sigaw ni Hunster habang itinuturo ang minamanehong sasakyan.

Ang angas ng Hunster ko! Ko?! Ahem... Namin. Hunster namin!

Napalingon ako kay Skye na umiiling na lang habang unti-unti nitong binabagalan ang takbo ng kanyang sasakyan. Ganun rin ang ginawa ni Hunster habang si Barbie Doll nama'y tila naging istatwa sa tabi nito.

Reaching SkyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon