Kabanata 126

272 8 0
                                    

Tabi


"M-may hinihintay ka bang darating?" Narinig kong tanong ng aking kaharap.

Napailing na lang ako at muli ko siyang hinarap na siya namang pagtalikod niya para punasan ang basa niyang mukha. Humarap din siya uli pagkatapos with a big smile on his face. Kahit na namasa-masa pa ang mga mata, namumula ang ilong, may bendahe sa ulo at mga galos at pasa sa ilang bahagi ng kanyang pisngi, hindi pa rin nito nabawasan ang kagandahan ng kabuuan ng kanyang mukha.

I was in the middle of admiring his beauty nang magsalita siyang muli.

"Naniniwala naman akong totoo ang lahat ng mga pinagsamahan natin. Ang mga magagandang alalala, mga matatamis na sandali... alam ko totoo sila. Kasi..." He paused as he stared at the ceiling for a bit para pigilan ang sariling muling maluha. "Kasi iyon lang din ang pinanghahawakan ko sa loob ng mahigit-kumulang apat na taon. Ikaw at ang mga alaala natin." Halos pumiyok ang boses niya ng sabihin iyon.

Kahit gustuhin ko mang ibaba ang paningin ko, I am compelled by his brown eyes to look at him and listen to what he has to say.

"Naiintindihan ko. Hindi na ako ang mahal mo ngayon. Masakit pero naiintindihan ko. Kasalanan ko rin naman kasi. I pushed you away. And now it's time for me to pay for all the pain that I've caused you." Sabi pa niya bago nagbaba ng tingin.

"No, Skye. 'Wag ganoon." I immediately said as I raised his chin up so I could look at his face. "Alam kong hindi rin naging madali para sa iyo ang apat na taon. Tama na. It's time for you to find the music that would fill your whole being with happiness." Bigla siyang natawa sa sinabi ko.

Aba'y kitang seryoso ang tao rito, nakuha pang tumawa? Drama portion na 'to 'di ba? Pinagmasdan ko siyang tumawa ng tumawa. Parang baliw lang. Kanina umiiyak ngayon nama'y tumatawa. Lumuwag yata ang turnilyo nito sa utak ng mabangga sa airbag ng kotse niya.

"Hoy, sabihin mo lang kung nababaliw ka na para mainform ko ang nurse na ilipat ko sa psychiatric ward." Asar kong utas dito.

"Para mo lang akong sinabihang maghanap ng kendi doon sa ibang tindahan kasi ubos na sa tindahan mo. Ganoon lang ba talaga kadali? Ha? Ganoon lang ba kadali magmahal ng iba?" Natigilan ako sinabi niya at napatingin sa kama.

"Sa tingin mo naging madali para sa aking tanggaping hindi na ikaw ang tinitibok ng puso ko?" I said bago ko siya muling hinarap. "Nakakabaliw, Skye. Buong buhay ko ikaw lang ang lalaking minahal ko. Tapos bigla-bigla—"

"Shhh. You don't have to say anymore. I understand." He said as he pressed his finger on my lips to stop from saying anything else.

Tumango ako bilang pagsang-ayon at binawi niya rin kaagad ang kanyang daliri bago ngumiti ng isang malungkot na ngiti.

May sasabihin pa sana ako nang biglang bumukas ang pinto at iniluwa nito ang tatlong ninja turtles.

"Ba't ba kayo nanunulak diyan?! Kitang may nagmomoment sa loob eh!" Utas pa ni Ivan na unang nakapasok.

"Ang damot mo kasi! Gusto rin naming makinig ni Jasp!" Sagot naman ni Kuya Calvin na tinanguhan ni Kuya Jasper.

"At kailan pa kayo naging chismoso?" Tanong ng nakahalukipkip na Skye, "Pumunta ba kayo rito para dumalaw o maki-usyoso?" Dagdag pa nito habang matamang tinitigan ang aming mga kababata.

"Ang sungit-sungit! Ikaw na nga itong dinalaw naming on our favorite costume! Kasi, di ba, sinabi mo dati na kapag ikaw namatay, gusto mong suot ay 'yong costume ni Leonardo? Ito oh, dala nga namin, just in case." Sagot naman ni Ivan sabay pakita pa niya ng isang asul na mascara.

"'Lul!" Sigaw ni Skye sabay tapon ng unan sa direksyon ng kaibigan na agad namang nasalo.

"You don't mess with Mikey, Leo!" Sabay porma pa nito na parang ninja.

Reaching SkyМесто, где живут истории. Откройте их для себя