Kabanata 123

252 5 0
                                    

Choose

Panic ran all over me almost immediately. Napansin siguro 'yon kaagad ni Hunster dahil agad niya akong dinaluhan ng muntikan ng bumigay ang tuhod ko sa pag-aalala.

"Opo. He was involved in an accident kani-kanina lang po. Nasa emergency room po siya ngayon at wala pa ring malay. When we checked his phone, we dialed the first number na naka-register sa call list niya. It seems like kayo po ang huli niyang nakausap bago nangyari ang aksidente."

Biglang sumikip ang dibdib ko sa narinig. My ghad! Naaksidente si Skye?! Kaya ba bigla na lang naputol ang tawag niya kanina? Paano kung dahil sa pagtawag ko sa kanya habang nagmamaneho siya ang dahilan kung bakit siya naaksidente? Malala ba ang kalagayan niya? Bakit hanggang ngayon ay wala pa rin siyang malay?

Napatitig ako sa mga nag-aalalang mata ni Hunster pero walang salitang lumalabas sa aking bibig. Hindi ko rin matigil ang panlalamig at panginginig ng aking kalamnan.

"Miss?" Narinig kong sabi sa kabilang linya.

"A-ah... sorry." Ang tangi kong nasabi habang hinahagilap sa utak ko ang mga dapat kong sabihin. "K-kumusta siya? O-ok lang ba siya? M-malala ba ang k-kalagayan niya? A-ano pong nangyari? N-Nasaan siya ng-ngayon? S-Saang ospital niyo siya dinala?" Halos hirap kong tanong habang pinipisil naman ni Hunster ang kamay ko to remind me to stay calm.

"Stay calm, Miss. Mas mabuti pang pumunta po kayo rito at dito na namin ibibigay sa inyo ang buong detalye." Ang sabi ng pulis sa kabilang linya.

Matapos noon ay ibinagay niya sa akin ang pangalan at address ng hospital kung saan nila dinala si Skye.

"Okay po. Okay po. Noted po." Paulit-ulit kong sabi hanggang sa tinapos na niya ang tawag.

Ramdam ko naman ang unti-unting pagbitiw ng pagkakahawak sa akin ni Hunster.

Wala pa rin ako sa sarili habang pinagmamasdan ang screen ng aking phone at hinintay na mawala ang naka-flash na pangalan ng dati kong kasintahan. Halos maluha-luha akong napatingin kay Hunster na tila hindi nagugustuhan ang turn ng mga pangyayari.

"Hunster. Hunster. Please? Naaksidente si Skye—" Kababanggit ko lang sa pangalan nito ay agad siyang nag-iwas ng tingin.

Nilapitan ko siya at marahang hinimas ang kanyang braso para lambingin ang nagtatampong kasintahan.

"Hunster naman. Kailangan kong puntahan siya kasi wala siyang ibang kasama roon." I tried reasoning out with him but only earned a grunt from him as he looked at me with a dissatisfied look on his face.

"Bakit ikaw ang kailangang pumunta? Bakit hindi na lang 'yong manager niya? O di kaya naman sina Ivan? Wala namang sinabing mamamatay na siya, hindi ba? Hindi mo siya kailangang daluhan." Galit niyang sabi bago muling nag-iwas ng tingin.

"Hunster naman. Kailangan ba muna siyang mamatay bago ko siya daluhan? I care for him kasi kaibigan ko rin siya. Wala namang malisya sa pagdalo sa nangangailangang kaibigan, hindi ba?" Pagkokombinse ko pa sa kanya pero hindi niya ako kinibo.

"Ah, samahan mo na lang kaya ako. Puntahan na lang natin siya nang magkasama—" I was about to say more nang bigla niya akong nilingon na nakakunot ang noo.

"And get more of the press' attention?! Nag-iisip ka ba?!" Napaatras ako sa biglaang pagtaas ng kanyang tono. "For sure, ngayon pa lang, marami ng nakaaligid na media sa labas ng hospital. If I go there with you, makikilala ako ng mga tao at tiyak na dudumuging lalo ang hospital. Anong mangyayari sa 'yo? Magkaka-isyu na naman? Love triangle na naman?" Mariin nitong sabi na may halong pait at inis sa tono ng kanyang boses.

Ako naman ang natahimik sa mga sinabi niya at napatitig sa sahig. Ramdam ko ang pamumuo ng aking mga luha sa gilid ng aking mga mata. Gusto ko nang puntahan si Skye at siguraduhing okay lang siya but I don't want to risk my relationship with Hunster. Kakaayos lang namin. Hindi ko na alam kung anong gagawin para magtagpo ang dalawang nais ko. Why do I have do choose only one? Pareho silang mahalaga sa akin.

Reaching SkyWhere stories live. Discover now