Kabanata 75

684 30 3
                                    

First


** Ami's POV **

Tahimik ang byahe namin ni Skye patungong Shiikoi Grand Hotel. Medyo disoriented pa ang isipan ko ngayon lalo na noong biglaang pagsulpot ng mga taga media kanina paglabas namin sa condominium niya. Maraming mga camera flashes ang sumilaw sa aking mga mata kahit suot-suot ko pa ang sunnies ko. Kung gagawing bala ang mga itinapon nilang mga katanungan malamang patay na ako ngayon! Sa bilis at dami ng mga itinatanong, wala na akong maintindihan. Si Skye puro 'no comment' lang ang sinasabi while keeping a straight face. Mabilis niya naman akong tinakpan ng kanyang suot na jacket habang ina-assist niya akong makapasok sa sasakyan niya. Bakit ba naman kasi sa labas ng building lang niya ipinark ito? Hindi pa ba obvious ang naka all caps na SKYE niyang special plate sa harapan para isipin niyang hindi siya matutunton ng mga ito? Napabuntonghininga na lang ako sa naalala.

"Are you okay, Baby?" Malambing na tanong ng katabi ko.

"Medyo hilo pa ako sa nangyari kanina. Grabe. Ganoon ba talaga sila? Hindi man lang bigyan ng privacy ang mga tulad natin? Tao rin lang naman tayo ah!" Sunod-sunod na reklamo ko sa kanya.

Nakakainis kasi e.

"Sabi ko naman sa'yo dati 'di ba? Kaya nga iwas ako sa relasyon dati kasi ayokong mas maging magulo ang buhay ko." Parang natusok na naman ang puso ko sa narinig sa kanya.

Kaya ba ganun na lang ang ginawa niya kay Ami? Kasi ayaw niyang magulo ang buhay niya? Pampagulo lang ako?

Sumisikip na naman ang dibdib ko nang maramdaman ko ang biglang paghawak niya sa kamay ko. Napalingon ako sa mukha niyang seryoso sa pagmamaneho.

"But with you, I'll make an exception." Tumingin siya nang saglit at nginitian ako.

Shemay! Kung di lang nasasaktan si Ami ngayon, baka kinilig pa ako sa narining ko. Pero wala e... Hindi ako maka-getover na kinalimutan niya na lang si Ami kasi ayaw niyang magulo ang buhay niya. Napahinga na naman ako nang malalim. Ang sakit na kasi ng dibdib ko.

"Are you alright? Parang kanina ka pa napapabuntong ng hininga a.. May problema ba?" Narinig kong tanong niya na parang nag-aalala.

Bakit di ko na lang kasi itanong, ano?

"Na-inlove ka na ba dati, Skye? Before all this?" Unti-untiin ko muna.

"H-ha?" Parang kinabahan ata siya sa natanong ko.

"Wala. Nagtataka lang kasi ako dahil kabisado mo ata ang magiging kinalalabasan ng isang relasyon." I said with a straight face pero sa totoo lang kinakabahan ako sa isasagot niya.

Aamin kaya siya o magde-deny siya? Ghad... Nanlalamig na ang mga palad ko!

"You're asking kung may iba na ba akong nagustuhan bukod sa 'yo?" Nakangiti nitong tanong.

Rin. Shets. Bigla na lang pumasok sa isipan ko 'yon. Pero totoo naman e. Muntikan na nga siyang mag 'i love you' kay Rin di ba? Aray. Sakit naman sa dibdib.

"A-- masama bang malaman ko?" Nakatingin lang ako sa tila hindi siguradong anyo ng katabi.

Ah! Oo nga pala. Private ang personal information niya. Ni isa sa mga fans niya walang nakakaalam kung ano ba talaga ang status ng kanyang buhay. Baka isipin niyang I'm just fishing for information para ibenta sa media.

"Promise, wala akong pagsasabihan! Cross my heart, hope to die!" Mabilis kong sabi na with matching pa-cross pa sa may dibdib ko't taas sa kanang kamay ko na agad namang ikinatawa niya.

"Ano ka ba naman? Hindi mo naman kailangang gawin 'yon. Just ask and I'll answer you truthfully. May tiwala naman ako sa 'yo. Ang cute, cute, cute mo talaga!" Sabi pa niya sabay pisil sa pisngi ko.

Reaching SkyWhere stories live. Discover now