Kabanata 78

279 9 0
                                    

Dadalhin

"Whoah! Hunter of Polaris is up for the challenge, ladies and gentlemen!" Nakangising sabi ni Stan habang patakbong tinungo ng tila tipsy ng Hunster ang stage. 

Agad nitong kinuha ang nakatayong acoustic guitar at tinungo ang kinatatayuan ng mic. Nagpalakpakan naman ule ang mga tao habang kumakaway pa sa entablo ang lasing na binata.

"Maraming salamat po sa pag-welcome. Before anything else, happy birthday again to the best drummer the world of music has ever known, to the voice behind the hit single I've sung a while ago, Stan!" Nagpalakapakan na naman ang lahat at nakita naming sandaling nagpakitang gilas sa likod ng drumset ang celebrant.

"I've been composing songs these past months; and I've never written songs like this before. Call it sappy, cliche or whatever you want but I would want you to hear one of them. Wala na po akong ibang sasabihin patungkol sa kanta. The song speaks for itself. I hope you'll like it." Sabi pa nito bago pinatugtog ang gitara.

It's a sweet melody. Kailan pa niya 'to ginawa?

Teka nga muna...nag-gigitara siya a! Magaling na ba ang kamay niya? Agad kong pinagmasdan ang kaliwa niyang kamay na pumipihit sa mga kwerdas ng gitara. May bendahe pa rin 'to... Okay lang ba siya? Nag-aalala pa ako habang sinusundan ang bawat pagpihit niya nang biglang narinig ko ang boses niyang nagpahinto sa aking hininga.

NP: Akin Ka Na Lang by Itchyworms
(JM de Guzman Version)

wag kang maniwala d'yan. 'di ka n'ya mahal talaga

Shemay! Did he just look my way?

Sayang lang ang buhay mo kung mapupunta ka lang sa kanya

What's with this heart beat?! Ano ka ba Ami? Katabi mo si Skye ngayon, o!

Iiwanan ka lang n'yan, mag-ingat ka

Napatingin ako kay Skye when I felt his hand squeezing mine as he continued to listen to the song.

Dagdag ka lamang sa milyun-milyong babae n'ya

Akin ka na lang

Muli na namang napatingin ako sa stage. Panay pa rin ang titig ni Hunster sa akin.

Iingatan ko ang puso mo
Akin ka na lang

What's with the lyrics, Hunster? Katabi ko pa si Skye ngayon!

Wala nang hihigit pa sa 'yo

Shemay! Did he just wink at me? I felt Skye's hold became tighter. Mabuti na lang at ibinaling ni Hunster ang kanyang paningin sa ibang bahagi ng pool.

Aatakihin na yata ako sa puso nang biglang ibinalik ni Hunster ang mga berde niyang mata sa akin.

Pansin ko ang pagtigang ng bagang ni Skye habang humihigpit pa ang paghawak niya sa aking kamay. Galit na siya... Humaygas, what should I do?!

Hunster! Are you really challenging Skye right here, right now? Lasinggero ka talaga!

'di naman sa sinisiraan ko ang pangit na 'yan
'wag ka dapat sa'kin magduda
Hinding-hindi kita pababayaan!

He really is challenging him! Hunster, what the hell are you thinking?!

Is it just me or is everyone in here really looking at us? May nagbubulung-bulungan pa! Humaygas... Manipis pa ata 'tong suot kong maskara para itago ako sa kahihiyan.

Akin ka na lang
Liligaya ka sa pag-ibig ko
Akin ka na lang
Wala nang hihigit pa sa 'yo

"I hope you enjoyed that!" Nakangising sabi ni Hunster matapos mag-bow sa aming lahat.

Reaching SkyWhere stories live. Discover now