Kabanata 46

869 39 7
  • Dedicated to Remington Tupino
                                    

Lilipad

** Hunter's POV **

Kararating ko pa nga lang from that very tiring photoshoot at gutom na gutom na ako, isang luhaang Ami pa ang sasalubong sa akin? Ano bang nangyari? Hindi ba't kani-kanilang ay masaya siyang ikini-kwento kina Ivan ang tungkol sa pagkikita nila ni Skye at ngayon ay pupunta ito rito upang manood ng gig namin? Paanong nangyaring luhaan na siya ngayon?

Mga ilang minuto ring nakakulong sa aking mga bisig si Ami habang humahagulhol na umiiyak. Nanginginig pa nga ang katawan nito siguro sa sobrang sakit na nadarama. Hindi ko alam kung papaano pahuhupain ang pighating nadarama niya. Ano na naman bang kag*guhang nagawa noong tarant*dong Skye na 'yon at ganito na lang ang pag-iiiyak ni Ami?

Mga ilang sandali pa'y napatahan ko na rin siya't nakumbinsing maghilamos na muna bago bumalik, kung gugustuhin pa niyang bumalik, para panoorin ang performance namin nina Jasper. Pagkaalis niya'y pinagmasdan ko muna ang parte ng tshirt ko kung saan siya umiyak na ngayo'y basang-basa na. Ano bang pwede kong gawin upang hindi na siya masaktan? Ilang beses pa ba siyang iiyak nang dahil lang sa lokong 'yon?

Nagpalit na lang muna ako ng tshirt bago ko kinuha ang electric guitar ko. Pagkatapos ay umakyat na ako sa stage upang samahan sina Calvin na inaaliw ang mga tao na tawang-tawa naman sa pagpapatawa nila ni Ivan. Kailan pa naging comedy bar 'tong bistro ng girlfriend ni Calvin? Sinalubong naman ako ng mga hiyawan at tilian ng mga tao.

Nang mapunta na ako sa gitna ng stage, nakita ko ang dahilan kung bakit ganoon na lang ang hinanakit ni Ami. Nakaupo sa pinakaharap at nasa gitna pa ay si Skye with his flavor of the night! Amp*ta talaga! At sa harapan pa sila naghaharutang dalawa?! Ito ba ang nakita ni Ami kanina habang inaawitan ang lecheng Skye na 'to?! Sino bang naglagay sa kanila diyan?!

"Hunter!" narinig kong sigaw ni Wolf na katabi naman ni Skye.

Tinanguhan ko lang siya bago ko tinungo si Ivan upang mabulungan.

"'Yon muna ang kakantahin natin," sabi ko rito na nangisi naman at pinuntahan sina Calvin at Jasper para ipaalam ang plano habang ako nama'y kinukuha ang mic para batiin ang mga tao.

"Good evening po sa inyong lahat!" sigaw ko sa kanila na malugod naman nilang sinagot, "Pasensiya na po kung na-late ako nang dating. But as they say, better late than sorry," patawa kong sabi at nagsihiyawan na naman silang lahat.

"Bago po ang lahat, gusto po sana naming magpasalamat sa inyong lahat sa patuloy niyong pakikinig at pagtangkilik sa musika ng Polaris!" sabi ko pa habang hinahanda nila Calvin ang mga instrumento para sa aming performance.

Hindi pa rin naman magkandamayaw ang mga taong naroroon. Halos nagsiksikan na ang mga tao para lang makita ako. Maging sina Skye ay napapatingin na sa likuran to make sure siguro na hindi mapunta sa lugar nila ang mga tila nababaliw ng mga fans.

"Nang dahil po sa inyo, platinum na po ang album ng Polaris!" Sigaw ko pa at sinabayan naman ako ng mga rifts ng gitara ni Calvin na mas nagpa-excite pa sa mga tao.

Nakita kong nakabalik na si Ami at nakatayo sa tabi nina Raven na kinausap siya kaagad.

"At dahil dito, ipaparinig po namin sa inyo ang isa sa mga kantang inihanda namin para sa aming upcoming album," sabi ko pa at napansin ko ang pagkabigla ng mga members ng Zeus.

Maging si Raven ay napalingon rin sa stage nang marinig ang sinabi ko. Hindi kasi namin nabanggit sa kanya na ipeperform namin ito ngayon. Pero sa tingin ko nararapat lang sa sitwasyon ngayon na iparinig ko 'tong awit na 'to kay Ami.

"Ang kanta pong 'to ay isang collaboration naming mga members ng Polaris. The lyrics were written by yours truly with the assistance of our ever romantic Ivan," sabi ko pa sabay kaway naman ni Ivan sa mga babaeng hindi pa rin matigil sa katitili, "Sana po'y magustuhan niyo," ang huli kong sinabi bago namin sinumulan ang pagtugtog.

Reaching SkyWhere stories live. Discover now