Kabanata 61

326 9 0
                                    

Damit

Hindi naman siya agad nakasagot sa aking sinabi. Mabilis naman niyang tinakpan ang kanyang dibdib gamit ang kanyang mga bisig.

"Wag kang magtatangkang galawin ako, Hunster, at pagbabaliin ko lahat ng mga buto mo sa katawan!" Pananakot pa nito sa akin.

Napabuntong hininga na lang ako sa kanyang reaksyon.

"Puyat ako, Ami, at ayokong makipagtalo sa 'yo. Kaya pwede bang makinig ka na lang sa akin?" Mahinahon kong sabi rito.

Tinitigan muna niya ako nang matagal bago nagdesisyong pumasok na sa loob ng CR at fortunately ay magpalit ng damit. Kahit mag-suot siya ng jacket at saka pajamas, okay lang, basta wag lang 'yong kanina. Lalo pa ata akong mapupuyat nito.

Habang nakaabang ako sa labas ng CR ng mga babae, napansin kong maingay na sa may dalampasigan at tila naglalaro na ng beach volley ang aming mga kasama. Nandoon na rin pala si Rin at nakikipaglaro sa kanila. Sa tikas niya, hindi maiikailang pang modelo ang kanyang pangangatawan. Bagay na bagay sa kanya ang suot na pulang two-piece bikini. Mahahaba ang kanyang mga hitang well-toned ang mga muscles. May konting hulma ng abs sa tiyan. Malulusog rin ang kanyang mga hinaharap. Walang duda kung bakit maging si Skye ay nahuhumaling sa kanya.

Bigla-biglang may humarang na crutches sa mukha ko't agad naman akong napalingon sa may gawa nito.

"Masyado mo na atang ginagawang ulam ang kasintahan ko, a!" Laking gulat ko ng makaharap ang aking iniidolong rockstar.

"Uno!" Bulalas ko at nakita ko siyang napangisi.

"Wag mo masyadong hinuhubaran ang Rin ko kasi baka di ako makatiis at balatan kita ng buhay diyan," mariin nitong sabi na kahit nakangiti ay ramdam ko rin ang seriousness ng kanyang pananakot.

"Ah, hindi, Uno. Wala naman akong ganoong iniisip," mabilis kong sagot dito.

"Good! Magkakasundo tayo kung ganoon," nakangiti nitong sabi bago pa man dahan-dahang sinusuportahan ang sarili gamit ang dalang crutches patungo sa kasintahan.

Bigla naman nitong hinagisan ng suot na tshirt si Rin na nagulantang sa kanyang ginawa.

"Isuot mo 'yan ng hindi ako makapatay ng tao rito!" Sigaw ni Uno bago naupo kung saan naka-puwesto ang mga gamit ng mga kasamahan namin.

Medyo may pag-aatubili pa si Rin habang pinagmamasdan ang kasintahang punung-puno ng bandage sa katawan at may suot-suot na sunglasses. Maya't maya ay napangiti ito habang isinusuot ang t-shirt ng nobyo. Doon ko lang napansin ang mga malalaking mga letra na naka printa sa harap ng shirt - No Trespassing. Maging sa likuran ay may nakasulat din - Uno. Medyo natawa ako sa aking nasaksihan. May pagka possessive din pala itong idol ko. Mabuti naman at nagkaayos na sila ni Rin.

"Hoy, gwasungit!" Agad akong napalingon sa direksyon ng pintuan ng CR ng mga babae kung saan nakasilip ang ulo ni Ami, "Hindi ba talaga pwede?"

Wha-- laglag ang panga ko sa nahihiyang ngiti nito sa akin. Dinadaan na naman ba ako nito sa pagpapa-cute?!

"H-hindi mo ako makukuha sa pagpapa-cute mo, Ami. Magpalit ka na ng damit," mariin kong sagot habang umiiwas ng tingin.

"Tss! Akala ko pa naman ay tatalab," narinig kong sabi nito na nagpalingon sa akin.

"Anong sabi mo?" Pagkaklaro ko sa kanya na agad namang lumabas sa pintuang suot-suot ang isang racer back sleeveless na kulay puti at napakaikling shorts na kulay dilaw.

"O, ayan ha! Nagpalit na ako. Siguro naman okay na 'to, Itay?" Pilosopang sagot nito.

"Ano ba 'yan? Bakit masyadong maiksi naman ng shorts mo? Kasing laki lang 'yan ng boxers ko e! Palitan mo 'yan!" Agad kong sabi sa kanya.

Reaching SkyWhere stories live. Discover now