Kabanata 36

364 9 2
                                    

Sora

** Raven's POV **

"Hey, Raven," tawag ng boses ng isang taong ayaw na ayaw kung makita pero nakikita ko pa rin.

"Francis," bati ko rito.

"I didn't think na magtatagpo pa rin ang landas natin dito," nakangisi nitong sabi. Alam niyo 'yon, 'yong tipong nakangisi pero alam mong sinasadya lang 'to at mayroong masamang binabalak. Napakaplastik talaga ng taong 'to.

"It's a small world after all," malamig na sagot ko rito without looking at him at pinakikinggan ko na lang ang music na piniperform na ngayon nila Hunter. Pansin kong sinundan niya ng tingin ang tinitignan ko.

"Oh, ang dami na rin palang fans ang Polaris niyo," sabat pa nito pero hindi ako sumagot, "Akalain mo 'yon? Wala pa kayong isang taon, nakahakot na kayo ng malaking fan base. All thanks to Hunter's popularity, eh?" sabi pa nito at hindi ko napigilang napalinga sa kanya.

"Excuse me? Can't you see it's because of the combined efforts of the group?" sagot ko rito.

"Oh, come on. You don't believe that yourself, do you?" nakangisi pa rin nitong sabi, "We both know that compared to the music Zeus makes, walang binatbat ang mga musicians mo. Si Hunter lang ang dahilan kung bakit pinagtyatyagaan ng mga fans ang maingay na tunog that they're making na tinatawag niyong musika," maanghang na sabi nito, "You should know that," sabi pa nito habang nakatingin sa akin ng seryoso bago nangisi na namang muli, "Because you're a second rate drummer yourself," dagdag pa nito bago natawa at tinapik ang balikat ko. I'm clenching my teeth and fist as I hear him continue his laugh. Shit! Ang sarap upakan 'tong kumag na 'to!

"Oh, and by the way," narinig kong sabi nito matapos matawa, "Thanks nga pala," sabi niya na ikinusot ng noo ko. Ano na naman bang pinagsasabi nito? Salamat saan?

"For gathering this much a crowd for our live release of Narda," sabi nito while raising his right hand pointing out to the growing, screaming crowd in front of us.

What?! Set up lang ba 'to to embarass Polaris?

"Good job, Raven," nakangisi pa nitong sabi bago umalis at pinuntahan ang naghahanda ng band nila.

Shit!! I should have known this was coming! What should I do to protect Polaris? F*ck!!

"And that was Polaris, ladies and gentlemen! Let's give them a round of applause!" narinig kong sabi ng emcee at nakita kong nag-bow na sina Hunter at isa-isa ng nagsibaba ng stage.

Madali ko silang pinuntahan at inabutan ng mga twalya.

"Good work, everyone!" nakangisi kong sabi sa kanila pagkatapos ay nakipag high five sa kanilang lahat.

"Ivan, you made a lot of mistakes back there," we heard Hunter said.

"Oo nga eh... sorry, kinabahan lang nang konti," nakangisi nitong sagot.

"Don't you think that's a bit unprofessional of you?" sabat pa ni Hunter na tila kanina pa mainit ang ulo.

"I said I'm sorry, okay? I'll do better next time, Master Hunter," sabi naman ni Ivan with sarcasm in his tone bago kumuha ng isang bote ng tubig at ipinanghilamos.

"Hunter, I understand where you're coming from but this is not the right place para sa pagpoint out ng mga mali," mahinahon kong sabi rito.

"Hindi naman aabot sa ganito kung palagi ka kasing nagpapractice at hindi puro pangungulit at pagpapapansin na lang ang ginagawa," sagot ni Hunter na siya namang ikinakagalit ni Ivan.

"What's your problem?!" pasigaw na sabi nito matapos itulak si Hunter.

"Kaw, anong problema mo? Napaka-simpleng task hindi mo pa makuha?" sumbat naman ni Hunter na pinipigilan ko sa kanyang tangkang pagbawi kay Ivan na ngayo'y pinipigilan nina Jasper.

Reaching SkyWhere stories live. Discover now