Kabanata 41

356 13 1
                                    

Gusto

Maya-maya ay nakabalik na si Ms. Rin kasama si direk na nakasimangot ang mukha na hilahila ang crew na tinutugis kanina ni Hunster.

"This is embarassing. He's a Zeus fan. I should have known better," narinig naming sabi ni direk pagkadating nila sa aming kinatatayuan.

Nanlaki ang aking mga mata sa narinig. Zeus fan siya at nagawa niya sa akin 'yon. Pero bakit? Anong koneksyon doon? Am I a threat to Skye now?

"I'm really very sorry for what had happened. Hindi ko talaga napuna na may masamang binabalak 'tong crew namin kay Ms. Sora. At ipinagtanggol ko pa siya sa inyo. I'm very sorry," sabi nito with a concerned look on his face.

Habang nakadungo ang ulo nung tao niya. Hindi makatingin sa amin.

"Don't worry, Pat. We know you're just doing your job as his boss," nakangiting sabi ni Ms. Rin.

"I'll fire him right away," mabilis na sabi ni direk.

Mabilis na inangat nung tao ang kanyang ulo at nagmakaawa sa boss niya.

"Naku, wag naman po!" mabilis ko namang sabi na siya namang ikinagulat ng lahat, "Kawawa naman po siya kung mawawalan siya ng trabaho dahil doon. Hindi naman ako nasaktan, e. Okay na po sa aking alam niyo kung anong totoo," sabi ko pa sa kanya.

"Even after what nearly happened? Nagagawa mo pa 'yang sabihin?" tanong sa akin ni direk habang minamata ang nakadungo na namang tao niya.

"Konting bagay lang po 'yon. At least wala pong nasaktan sa nangyari," nakangisi kong sabi, "Pero kung iba po 'yong nangyari kanina, ako po ata mismo ang bubugbog sa crew niyo," sabi ko pa habang pinapatunog ko ang knuckles ko.

Natawa naman silang lahat sa sinabi ko.

"Narinig mo 'yon, Clarky?" tanong nito sa tao niyang nakadungo pa rin, "Mahiya ka sa ginawa mo. That was very inappropriate kahit sa isang regular na tao lang. Hindi ko sukat akalain na magagawa mo 'yon sa guest natin," sabi pa nito.

"Sorry po," mahinang naisagot ni Clarky habang nakadungo pa rin.

"Get back to work," utos ni direk dito na kanya namang agad na sinunod, "How can I ever make up to you?" tanong naman nito kay Ms. Rin.

Ay, parang may gusto ata si direk kay Ms. Rin, a!

"Just don't let this happen next time. And then forgive Hunter for his inappropriate words with you a while ago," sagot naman nito.

Napalingon si direk sa direksyon ni Hunster na hindi pa rin kumikibo. Pagkatapos ay nalingon naman siya sa akin.

"No, I understand," nakangising sabi ni direk, "You do everything in your power to protect your girl," sabi pa nito. Ha?! Your girl?! Sino? Ako ba 'yon?! Kelan pa ako naging babae ni Hunster?! Magrereklamo na sana ako nang biglang sumingit si Ivan.

"Ay, you're mistaken po direk," nakangising sabi nito, "Baby po ng grupo namin si Sora kaya ganito po kami ka-protective sa kanya. Hindi lang po si Hunter," sabi pa nito habang nakaakbay sa aming dalawa ni Hunster.

"Ah, ganoon ba? Iba kasi ang naging translation ng actions ni Hunter kanina," sagot naman ni direk na napatingin kay Hunter, "Pasensiya na, Raven. I'll make sure na hindi na 'to mauulit pa," sabi pa nito.

"Dapat lang," mahina lang ang pagkakasabi ni Hunster pero rinig naming lahat 'yon. Matapos ay inalis niya ang braso ni Ivan sa kanyang balikat at naglakad palayo.

"Excuse po sandali," ang tangi kong sabi bago ko hinabol si Hunster. Parang naririnig ko ang paghingi muli ng paumanhin ni Kuya Bait sa direktor na panay namang sabi ng okay lang 'yon.

Reaching SkyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon