Kabanata 80

649 27 8
                                    

Kalat


** Skye's POV **

"F*ckin' bastard!" Galit kong sigaw pagkabukas na pagkabukas ko sa common pad ng Zeus sabay tapon ko sa hawak kong susi. Tumilapon 'yon sa mesang pinagto-tong-itsan nila Wolf.

"Whoa, whoa! Calm down, Skye. What happened?" Napatayong sabi ni Amber.

Tinitigan ko lang siya nang masama't bahagya niyang itinaas ang dalawa niyang mga kamay that meant hindi na siya magtatanong.

"Wait. Is that a cut on your lip? Kelan pa natutong makipagbugbugan ang isang gentle at di makabasag pinggang Skye Kitagawa?" Sarkastikong tanong ni Wolf nang mapansin ang putok kong labi.

D*mn that loser!

"It's none of your f*ckin' business, d*mn dog!" Singhal ko sa kanya na otomatikong nanlisik ang mga mata't akma na akong susugurin.

Inihanda ko naman ang sarili kong makipagsunkan. Sa init n'-g  ulo ko ngayon, wala akong pakialam kung sinong masuntok ko ngayon. Nanginginig pa talaga ang mga kalamnan ko sa galit sa pagpapahiyang ginawa sa akin nang Hunter na 'yon! Sa harap pa ng kinaiinisan kong karibal! F*ckin' sh*t! I'm gonna kill that boy!

"What the hell's the matter here?!" Napalingon kaming lahat nang marinig namin ang sigaw ni Francis.

Inaawat ako nina Maui habang pinipigilan naman ni Amber si Wolf.

"He started it!" Marahas na binawi ni Wolf ang kanyang braso kay Amber sabay turo sa akin.

"Barging in here looking like sh*t while we're having a good time. Just because your girl said no to your puny pen*s, for God knows how many freaking times already, doesn't mean we have to endure your b*tchiness, b*stard!" Singhal nung g*go sa akin.

Pepektusan ko na talaga 'tong tar*ntadong 'to! Susugurin ko na naman sana siya when I Francis shouted at us again.

"Will you cut it out?!" Sabay awat niya sa aming dalawa.

"Stop it, Wolf!" Singhal pa niya nang akmang uupakan pa ako nung aso.

Padabog na lang nitong dinampot ang nakasabit sa couch niyang leather jacket habang matiim akong tinitignan bago ako banggain at nilagpasan. I snorted. Hanggang tahol lang ang kayang gawin nang g*gong asong 'yon!

"Skye, what on earth is wrong with you? Maling side ang kinakalaban mo! Wolf's your ally! You're supposed to work together not kill one another!" To hell with his naggings!

Tinabing ko nang marahas ang mga kamay nina Maui na nakahawak sa akin at umalis doon.

"Skye?! I'm not done talking yet!" Singhal pa nito't natigilan ako sa aking pag-alis at inis na binalikan ang nakapamaywang na manager.

"Well, I am so shut the f*ck up!" Mariin kong sabi habang matiim na tinitigan siya sa mata bago ko muli itong tinalikuran at iniwanang naka-nganga.

Padabog kong binuksan ang pintuan ng aking silid at padabog ding isinara. D*mn it! Sa gigil ko, dinampot ko ang pinakamalapit na bagay na abot ng aking kamay at marahas na inihagis iyon sa malayo. P*tang inang Hunter 'yon! Sino ba siya sa inaakala niya't pinagmukha niya akong tanga kanina?! To steal her away from me like that, sino ba siya ba siyang p*tang ina niya?! Ipinaghahagis ko na ang lahat ng mga bagay na nahahawakan ko. Wala akong pakialam kung mabasag pa 'yon o kung ano pa man. Bwesit! Nabwebwesit ako sa Polaris na 'yon!

Ihahagis ko na sana ang isang picture frame nang mapansin ko ang larawang nasa loob noon. Natigilan ako't iniharap nang maayos. Napasinghap ako ng hangin bago ako napaupo sa aking kama habang tinititigan ang larawan.

Reaching SkyWhere stories live. Discover now