Kabanata 128

295 5 0
                                    

Bangon

"Matapos ang isang linggong imbestigasyon, nahuli na rin sa wakas ang may pakana ng aksidenteng kinasangkutan ng rockstar na si Skye Kitagawa. Apparently, according to our sources, matagal na dawng may alitan sa pagitan n gating rockstar at ang kanyang personal assistant na si Francis Magbanua."

"You are mistaken! Hindi ako! Wala akong kinalaman doon! Wala akong kasalanan!" Sigaw ni Francis habang kinakaladkad papasok ng Police Car.

Pilit nitong kumawala sa hawak ng pulis pero masyado itong malakas para sa kanya. Buong lakas niyang inihilig ang ulo para makaharap ang mga camera na nakatutok sa kanya.

"Wala akong kasalanan, Skye! Hindi ako ang may gawa noon! Maniwala ka! I only wanted what's best for you! Always wanted what's best for you! Hinding-hindi kita kayang ipahamak!" Sigaw nito bago siya sapilitang ipinasok sa loob ng sasakyan.

Ilang sandali pa ay umalis na ang mga sasakyan ng pulis.

"That was Francis Magbanua, the prime suspect for Skye Kitagawa's case. And for other news-"
Agad akong napalingon sa taong may hawak ng remote at nagpatay ng TV.

"Kalokohan!" Sabi ni Skye bago ito sumalampak sa katabing upuan. "Always wanted what's best for me? Hanggang ngayon aliw na aliw talaga siya sa pagpe-pretend na manager ko." Dagdag pa nito as he laid his head back on the headrest of the couch.

"Baka totoo naman talagang hindi siya ang may gawa noon." Mahinang usal ko habang patuloy na pinaglalaruan ang remote control ng handsfree headset ko.

"I don't know. 'Yon ang lumabas sa imbestigasyon ng mga pulis. I only told them what I knew" Pagod nitong sagot. "I expected that someone had rigged my car but I didn't expect that it would be him. But when the police told me what they've gathered so far and if I think about our recent arguments, nako-convince din ako."

Nandito kami ngayon sa VIP room ng isang TV network kung saan namin ipa-plug ang upcoming concert ko na magaganap na sa susunod na linggo.Sa linggong ito, this would be our fifth TV station. We've been guesting on noon time shows, evening shows para i-advertise and concert ko. Maliban pa ito sa araw-araw naming rehearsals, pictorials, meetings with the sponsors, meet and greet with the fans at kung anu-ano pa. To be honest, I'm so beat na. Pagod na pagod na ang katawan ko. Pagod na pagod na rin ang utak ko. Pagod pa ang puso ko. Hindi ko alam kung may lakas pa ako para sa susunod na linggo.

"Maiba tayo." Napalingon ako sa aking katabi when I heard him spoke.

Nakasandal pa rin ang ulo niya sa headrest ng couch at nakapikit ang mga mata nito.

"Nagkausap na ba kayo noong boyfriend mo?" May kung anong tumutusok sa puso ko nang banggitin niya ang salitang 'boyfriend' pero hindi ko ipinahalata sa kausap.

"Hindi pa niya sinasagot ang mga tawag ko." Kasinungalingan. Ang totoo'y hindi ko na ma-contact ang number niya.

Bigla namang umayos sa kanyang pagkakaupo ang aking katabi nang marinig ang sagot ko at agad na humarap sa akin.

"Hanggang ngayon? Hasn't it been a week already? Hindi pa rin siya maka-get over?! Ang bakla naman!" Bulalas nito bago muling sumandal sa headrest ng upuan. Maya't maya pa'y bigla itong nagsisisigaw at ginugulo ang buhok na akin namang ikinagulat. "Sabihin niya lang na suko na siya dahil it would be a pleasure taking you back for good!" Sabi pa nito bago masuyong tumingin sa akin.

"Tumigil ka nga diyan, Skye. Napag-usapan na natin 'to." Sabi ko sabay iwas ng tingin sa kanya.

I can't tell him. Hindi ko masabi sa kanyang wala na kami ni Hunter. He doesn't have to know. Marahil umaasa pa akong magkakabalikan pa rin kami ni Hunter. I mentally slapped myself. I sounded like myself three years ago when Skye suddenly left me.

Reaching SkyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon