Prologo

4.1K 77 18
                                    

Ang Boyfriend Kong Rockstar



NP: Bitiw by Spongecola

'wag kang bibitiw bigla
'wag kang bibitiw bigla
Higpitan lang ang 'yong kapit
Maglalayag patungong langit

"Skye! Skye!" Maririnig na hiyawan ng mga kababaihan sa loob ng classroom na punong-puno ng mga estudyante habang tumutugtog ang isang banda na nasa gitna ng silid at pinapaligiran ng mga ito.

"Encore! Encore! Encore!" ang panay namang sigaw ng iba. Parang mababaliw sa kilig itong mga taong 'to dito. Naku! Pero hindi ko naman sila pinapansin kasi...isa ako sa kanila.

"Woohoo! Skye, I love you!" Sigaw ko pa.

Ay, ako nga pala si Amiecar Rivera pero mas kilala ako sa pangalang Ami. Isa akong 1st year junior high school student ng St. Francis University at avid fan ako ng bandang pinagkakabaliwan namin ngayon - ang Encore band.

Ang band ay binubuo ng mga pinakamakikisig at pinakasikat naming mga seniors: si Jasper David, 18, isang Fil-Am ang drummer ng band, si Calvin Guidotte, 18, isang Fil-Italian naman ang lead guitarist nila, si Ivan Ha, 17, isang Fil-Korean ang basist, at siyempre, ang pinakamakisig sa lahat, si Skye Kitagawa, 17, isang half japanese ang kanilang rhythm guitarist at vocalist! And the best part is - boyfriend ko siya.

"Skye!" Sigaw ko pa rin habang pinapanood ang napakagwapo kong kasintahan na kumakanta at kinikindatan pa ako, "Aaaaah! Boyfriend ko 'yan!" Tili ko pa habang kilig na kilig.

"Pa-share naman ng boyfriend, Ami," sabi sa akin ni Elay, isa sa matatalik kong kaibigan, habang binubunggo ang balikat ko.

"Aray ko naman, Elay!" reklamo ko dito habang hinihimas ang balikat na binunggo niya, "No, hindi pwede!" mabilis ko pang sagot dito bago binaling ang aking paningin sa kumakanta pa ring nobyo, "Akin lang siya," sabi ko pa dito before ako sumulong sa nagbabahang mga fans para makapunta sa harapan, "Kyaaaaah! Skye!" Hataw na hataw ko pa ring tili.

Lahat ng naroroon ay sinabayan nang pagkanta ang bridge ng song. Ngayon kasi ang huling pagkakataon na magkakasama-sama ang buong banda. Graduate na kasi sina senior David at senior Guidotte kaya magkakahiwalay na silang lahat. Nakakalungkot nga kung iisipin pero hangga't nandidiyan pa sila, ise-savor na namin ang pagkakataon. Pero naniniwala akong balang araw, mabubuo pa rin silang muli't tutugtug sa isang stage na palilibutan ng pagkarami-raming tao. I'm sure of it.

"Salamat sa lahat ng sumuporta sa Encore band! And even if this will be the last time we'd play together, hinding-hindi po namin malilimutan ang suporta ninyo! Thank you!" Narinig naming sabi ni Skye over the microphone.

Marami ang nalungkot at naiyak sa sinabi ni Skye. Hindi ko rin naman sila masisisi kasi ilang taon na rin nilang sinubaybayan ang bandang Encore. Kung avid fan ako, mas avid fan sila. Ganoon 'yon. Pero siyempre, mas mahal ko vocalist ng band nila. Ahehehe.

"Para sa inyo 'tong lahat!" narinig pa naming sabi nito bago sinimulan na naman ng band ang kanilang huling awitin.

NP: Noypi by Bamboo

"Encore! Encore! Encore!" panay hiyawan ng mga tao hanggan sa matapos ang kanta.

At nang matapos na ang set, unti-unti nang nagsialisan ang mga tao habang kami naman nina Elay ay nasa may bintana at pinapanood na ang pagsauli ng mga taga-banda ang kanilang mga instruments sa kani-kanilang mga lalagyan. We watched how Skye turned to me and then walked towards me. Super kilig to the bones lang ang nararamdaman ko as he did this. Namamaga na rin ang balikat ko sa kakapalo ng katabi kong si Elay.

"May I kidnap this beautiful lady here, Elay?" narinig naming sabi nito habang inaabot ang kanang kamay ko't sabay halik dito. Hindi naman magkandamayaw sa kilig itong mga katabi ko. Kung sa bagay, maging ako man rin.... parang mano-nosebleed na ako nito!

Reaching SkyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon