Kabanata 125

294 4 0
                                    

Happiness



Dahan-dahan kong isinara ang pinto at pagkatapos ay mabilis siyang nilapitan. Lumuhod ako sa sahig para mapagmasdan siya nang malapitan. May kung anong kumurot sa puso ko seeing him breathing. I covered my mouth to stop myself from whimpering as I cried to my relief. Buhay siya. May mga pasa siya sa mukha at nakabalot ang ulo pero humihinga siya!

"A-Ami?"

Kaagad kong pinahiran ang mga luha ko nang makita kong nagmulat siya ng mata.

"Umiiyak ka?" He asked as he reached out his hand na agad ko namang kinuha at dinala sa aking pisngi.

I saw his lips formed into a weak smile na akin ring ginawa.

Ilang sandali pa ay ibinalik ko sa kanya ang kanyang kamay at pinitik ang tungki ng kanyang ilong.

"Aray!" Mahinang usal nito sa aking ginawa. Nanlalaki ang mga mata at hinihimas ng isang kamay ang tungki ng ilong nito.

"Bakit ba ang engot-engot mo?! Ilang taon ka ng nagmamaneho, ngayon mo pa naisipang kalimutang i-check kung gumagana pa ang brakes mo?!" Sunud-sunod kong sita rito.

"Papaano kung may maraming sasakyan doon? Papaano kung matao doon? Eh di nabangga mo sila?! Nakadamay ka pa ng ibang tao?!" I don't even know if I still make sense.

All I know is galit ako. Galit akong nakikita siyang ganito. Galit ako sa kung sinumang may gawa nito sa kanya. Bwesit! Inalagaan ko siya nang pagkatagal-tagal na panahon tapos gaganituhin lang?!

"Mas concerned ka pa ata sa mababangga ko kaysa sa magiging kalagayan ko kapag nagkataon. Gusto mo yatang mamatay ako, eh. Kaya ba umiiyak ka kanina? Kasi hindi ako napuruhan?" May panlulumo pa nitong sabi.

Muli ko namang pinitik ang tungki ng kanyang ilong. Sarap ngang batukan, kaya lang may bendahe pa ang ulo nito, kaya makokontinto na lang muna ako sa ilong niya.

"Aray naman, Ami. Ang sakit, ah. Sumalpok kaya ang mukha ko sa airbag. More than my head, masakit ang ilong ko." Sabi nito habang hinihimas ang ilong.

"Excuses... Kung mas masakit 'yang ilong mo kaysa sa ulo mo, eh di dapat 'yan iyong nilagyan ng bendahe! Eh, wala naman ah!" Sagot ko naman sa kanya.

"Kapag ginawa nila 'yon, paano ako makakahinga?" Lumulusot pa eh kaya pinitik ko uli ang kanyang ilong. "Aray, Ami!" Muli nitong sabi sabay himas sa ilong.

"Kung anu-ano pa kasi 'yang sinasabi mo diyan. Ang punto ko, mag-ingat ka lagi. Hindi sa lahat ng panahon ay ikaw ang papaboran ng langit." Sabi ko pa bago ako tumayo sa aking pagkakaluhod.

Kukuha pa sana ako ng mauupuan nang biglang hinawakan ni Skye ang aking palapulsuhan. Napatitig ako sa gawing 'yon bago ko siya tinignan sa mukha.

"Dito ka lang." Mahinang usal niya.

Mataman ko muna siyang tinignan bago ako tumango. Pagkatapos noon ay binitawan niya rin ako. Nanlaki ang mga mata ko when I saw him attempting to get up.

"Huwag ka munang bumangon! Baka kung may anong injury kang hindi pa nila nalalaman, mapaano ka pa!" Agad kong sumbat dito natinawanan niya lang.

Hindi ko maiwasang mainis sa pagtawa niya at nakakunot noo ko siyang tinitigan.

"Pasa lang at konting galos ang nakuha ko. Matataas kaya ang marka ko sa Physics, remember? Kaya easy lang para sa akin 'yang mga ala-fast and furious drifts na 'yan! See? I survived!" Sabi pa nito matapos maiayos ang pagkakaupo. I saw him cringed as he tried adjusting his leg.

"O, may pa-drift-drift ka pang nalalaman diyan tapos aasim-asim ang mukha mo kapag nakaramdam ng kirot." Sabi ko matapos ko siyang tulungang ayusin ang posisyon ng kanyang mga binti.

Reaching SkyWhere stories live. Discover now