Kabanata 18

460 16 0
                                    

Guests


** Hunter's POV **

CHUP!

"Hehe...hindhi na siya ghalit.. shige Hunsther, shleep na akoh. G'nyt.." parang narinig kong sabi nito bago siya pumasok na sa kwarto't isinara ang pinto habang naiwan ako sa labas ng nakaganito.

H-hinalikan niya ako sa labi ?!

Iniling ko ang aking ulo sa naalala.

"Hunter, kung ayaw mo sa sausage mo, akin na lang ha?!" biglang narinig ko ang tinig ni war freak. Pagtingin ko, nandodoon na ang mga bandmates ko't parang mga baboy na nag-uunahan sa pagkain. Nakita kong tinitinidor na ni war freak ang sausage na nasa pinggan ko. Pinigilan ko siya gamit ang tinidor ko.

"Akin 'to," sabi ko rito habang successful ang pagsagip ko sa sausage ko without looking at her.

"Hmp... damot," narinig kong sabi nito habang isinusubo ang pagkaing nasa kutsara niya. Hindi ko sinasadyang napatingin ako sa mga labi niya't naalala ko naman ang nangyari. Iniling ko na namang muli ang aking ulo. Shit! Pwede bang i-erase mo na 'yung memory na 'yon, Author?! Hindi ako makapag-concentrate nito eh!

"Ok ka lang, Hunter?" narinig kong tanong sa akin ni Jasper. Sa lahat ng mga nandidito, siya lang siguro ang matinong kausap kahit tipid kung magsalita.

"Kanina ka pa kasi nakatunganga diyan, eh! Hindi mo nga namalayan na kumakain na kami sa tabi mo," narinig ko namang sabi ni Ivan. Eh, sinasadya ko bang maalala ang nangyari kagabi? Kasalanan 'tong lahat ni war freak na ngayo'y nasa harapan ko pa! Tinitigan ko siya ng masama at nang makita niya ang ginagawa ko, tinitigan niya rin ako ng masama. Parang hindi babae kong umasta!

"Intindihin niyo na lang muna si Hunter kasi nagbibinata pa 'yan ngayon," narinig kong sabi ni Rave na tapos na atang kumain at may kung anong tinitignan sa macbook niya. Nagbibinata? 20 years old na ako! Anong pinagsasabi ng kumag na 'to?!

"Ayy, ano 'to? May napupusuan na ba ang frontman natin?" asar pa ni Ivan.

"Hayaan mo Hunter, tuturuan kita ng mga diskarteng hindi kayang tanggihan ng mga babae," dagdag pa ni Calvin.

"Hmm..." narinig kong sabi ni Jasper.

"Ano bang mga pinagsasabi niyo?! Wala akong ganoon kaya magtigil na kayo't tapusin niyo na ang pagkain niyo!" Nakakaasar 'tong mga 'to ah! Anong napupusuan? Mga siraulo!

"Totoo, Hunster? May na-a 'I heart' ka na? Sino siya? Sino siya? Sabihin mo na..." dumagdag pa 'tong war freak na 'to na ang laki ng ngisi. Pwede bang wag kang magpa-cute diyan at kumakain pa ako rito?!

"Ewan ko sa inyo," at kinuha ko ang plate ko't lumayo sa grupo. Baka pagnakita ko pang nagpa-cute siya, hindi ako matunawan! Ano ba kasing nangyayari sa akin?!

"Guys, guys! Look at this!" narinig naming sigaw ni Raven habang nakatingin sa screen ng kanyang macbook.

Agad naman kaming lumapit sa kanya upang tingnan ang itinuturo niya sa screen. Lumapit pa kami sa screen para makita kung tama ba talaga ang nakikita namin. Isa 'yong video clip na naka-post sa youtube. Video clip ng performance namin dun sa show! Tiningnan ko ang number of views nito. 543210 views na as of this minute! Whoa, totoo ba 'to?!

"Kuya bait!!! This is great!!!" narinig naming tili ni war freak habang niyuyugyog si Rave.

"Wait till you read the comments," nakangising sabi nito and as if on cue binasa namin isa-isa ang top comments ng video.

rockbandrocks18: napanood ko 'yan! grabe astig nila! kahit nadisqualify sila, sila ang pinaka-astig na nagperform doon! rock 'n roll!!!

sugar_candylover: parang nasa Metrodome ang feel sa mall ng nagpeperform sila! gwapo pala talaga ni Hunter sa personal!!! Kyaaah! >_

Reaching SkyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon