Kabanata 77

295 6 0
                                    

Para sa Iyo

Mga ilang minuto pa'y nilalakbay na namin ni Rin ang daan patungo sa pool. I'm wearing Sora's mask right now, a spaghetti-strapped lemon green dress na medyo 3 inches above the knee ang haba, and gladiator sandals sa aking mga paa. Pagpasok pa lang namin sa entrance, naaninag namin kaagad ang stage above the pool kung saan tumutugtog sina Uno at... Hunster? Tama ba 'tong nakikita ko? Nagpe-perform on the same stage sina Uno at Hunster? And they're singing a Nitro song to boot!

NP: Lakas-tama by Siakol

Uno's doing an amazing job with the lead guitar. He's not called the Numero Uno for nothing. Hunster's doing the vocals. Oh my, they sound amazing! They even look amazing together on stage! Pagkakabaliwan ng mga fans pag nakita nila 'tong dalawa on the same stage.

I saw Hunster's gaze upon me, almost immediately, paglapit namin sa area at hindi na niya ako pinakawalan pa habang pinagpapatuloy ang pagkanta.

Shemay! He was looking at me intensely at wala sa isip kong napahaplos ako sa aking labi. Bakit naiisip ko 'yong halikan namin dati? Ano ba naman 'tong utak ko? Kakahalik lang ni Skye sa akin kanina, ibang halik naman ang naaalala ko!

Pwedeng di tumingin sa akin? Nagsisitinginan na rin ang mga tao sa aming direksyon. Nakaka-conscious tuloy. Biglang nahagip ng aking mga mata ang mga galit na titig ni Skye sa akin. Whoah! Pakiramdam ko'y dudukutin nito ang puso ko 'pag di ako luminga ng tingin.

Wala pang isang segundo'y nasa harapan ko na si Skye at wala na akong nagawa pa't napatingala na lang sa kanyang nakangiting mukha.

"Hi, Baby. You look more beautiful tonight." Bati nito sabay abot sa aking kamay habang patuloy pa rin ang performance sa stage.

Hindi nakawala sa paningin ko ang pagbago ng mga titig ni Hunster sa amin.

Napaharap kaming dalawa ni Skye sa stage nang marinig namin ang mga huling hirit ng Numero Uno. He really is amazing on stage. Naramdaman ang paghigpit ng hawak ni Skye sa aking kamay habang nakatingin sa stage. Ramdam ko ang kanyang galit para sa kasintahan ni Rin.

"Thank you for that blasting performance!" Masiglang sabi ni Stan habang inaakyat ang stage.

"Hunter, my man! You nailed that song like a real rockstar! Mana ka sa akin!" Sabi nito sabay low five, high five nilang dalawa.

Kitang-kita sa mukha nito ang galak na pinupuri ng isa sa kanyang mga hinahangaan.

"And my man, Uno!" Sabay chest bump ng dalawa bago muling nagsalita, "Man! You proved to us na hindi pa pala kinakalawang 'yang mga daliri mo. Akala kasi namin iba na ang pinanggagamitan mo diyan." Biro ng birthday boy sa kaibigan sabay bigay ng malisyosong titig kay Rin. Agad naman siyang binatukan ni Uno.

"G*go!" Mura nito sa kaibigan.

"T*rantado! Birthday ko ngayon kaya ako ang masusunod!" Bawi naman ni Stan sa kanya while on microphone.

"Tatlong oras pa't di mo na birthday kaya humanda ka sa akin mamaya. I-che-check ko na rin kung kinakalawang na ba ang mga kamao ko." Pananakot naman ng kanilang leader.

"Rin o..." Pagsusumbong naman nito sa kaibigang binigyan lamang siya ng dirty finger.

Tawanan naman ng lahat sa nangyari pati ako'y napatawa na rin. Ibang klase talaga ang samahan ng Nitro. Kahit hiwa-hiwalay na sila'y kita mo pa rin ang closeness nila.

"Uy! Ngayon ko lang napansing pinag-ukulan pala ako ng panahon ng vocalist ng Zeus! Thanks sa pagpunta, Dude!" Napatingin sa aming direksyon ang mga tao sabay palakpak.

Wala sa isip kong bawiin ang aking kamay nang mapansin kong matiim na tinititigan 'yon ni Hunster na siya namang ikinabigla ni Skye. Agad rin niya naman 'tong kinuha't mas hinigpitan pa ang pagkakahawak. Napalingon ako kaagad sa kinatatayuan ni Hunster na ngayo'y umiinom na ng hawak niyang basong may lamang brandy. Ngayon ko lang siya nakitang umiinom nang ganito. Kinakabahan ako sa mga matatalim niyang titig sa akin.

Reaching SkyDär berättelser lever. Upptäck nu