Kabanata 99

304 8 0
                                    

Babae

"To be quite honest, I'm hurt." Pranka kong sagot na tinanguhan naman ng host habang nasimulan na naman ang bulung-bulungan ng mga tao.

Panay naman ang saway ng mga crew dito para mapatahimik ang studio. Obvious na gusto rin nilang alamin kung anong buong storya. But, unlike Skye, hindi ko kailangang magpanggap. Tapos na akong magpanggap.

"Anong nangyari sa inyo? Puwede bang paki-kuwento what exactly happened two months ago? What transpired after that? Bakit humantong sa ganito ang lahat?" Sunod-sunod na katanungan ng host.

I held my hands together as I gathered the strength to speak up.

"Two months po mula nang magsilabasan ang mga compromised pictures namin sa press. Bilang tao, I felt violated. Mga larawan lang 'yon. Hindi nila mae-explain ang kuwento kung bakit umabot sa ganun 'yon. But I kept quiet kasi iyon ang nakikita kong maiging paraan upang matapos na ang issue. Ayokong palakihin kasi naniniwala akong what happened then when those pictures were taken were one of our private moments. May karapatan naman siguro kami to privacy bilang mamamayan ng bansang ito, di ba?" Hindi ko na napigilan ang bibig ko.

Parang ang dami-dami kong gustong sabihin sa kanila. Kukulangin ang oras ng palabas na 'to kung ikukwento ko sa kanila ang lahat.

"We understand where you're coming from, Miss Sora. Pero siyempre, alam mo naman, that when you entered this industry, hindi mo maiiwasang may mga ganoon talaga. Kung baga, it's all part of the package. And the public wants to know the real score. At least you owe that to them." Sabi pa noong host with a stern face, gone were his comedic features.

Nag-a-agree naman ang audience sa kanyang mga sinabi.

"You don't owe them anything, Ami." Parang replay na paulit-ulit pinaaalala sa akin ni Rin kanina.

"Kung gusto nilang malaman ang aking kasagutan, they'd have to listen to my album." Nakangiti kong sagot sa host na pinanlakihan ng mata. "In two months ng aking pananahimik, isinulat ko ang lahat ng nasa aking isipan at saloobin." Dagdag ko pa rito.

"You mean to say that your album, which will be coming out this week, contains all the answers na hinahanap namin? Walang halong pagpapanggap at kasinungalingan?" Aba't pinagdududahan pa ng baklang ito ang hangarin ko ah! He must be mistaking me for Skye!

I kept my composure intact kahit na alam kong hindi satisfied ang audience sa sagot ko.

"My album tells a story about a simple girl with a simple dream." Bungad ko rito.

"Ipagpaumanhin mo sana, Iha, but we've heard that storyline before. We don't need to hear that again. What we need to know now ay kung anong katotohanan ang meron sa nangyari two months ago?" Halos nakakabinging pagsang-ayon ang ibinigay ng audience. "See? We're giving you the chance right now na mabigyang linaw ang mga naganap noon. Like what you've mentioned a while ago, we're giving you the chance para mapakinggan ang side mo." Sabi pa nito.

Muli akong napasinghap ng hangin.

"Ipagpaumanhin niyo rin po kung lumalabas na inilalayo ko po ang usapan. I know how much you wanted the truth right now. Maniwala kayo't sa hindi, iyon po ang ginagawa ko. I wanted you to know the truth from the very beginning. Sana po taasan niyo pa ng kunti ang pasensiya niyo at pakinggan ang kwento ko mula sa umpisa." Pagpapaliwanag ko as I held my hands tighter para pigilan ang panginginig nito.

Nakikita ko mula sa aking kinauupuan ang pag-aalala ng aking mga kababata. Habang si Skye naman ay tila nababagot na.

"Okay, Miss Sora. Go on." Ang sagot ng host.

Reaching SkyWhere stories live. Discover now