Kabanata 43

394 14 0
                                    

Platinum


Tinanggal niya ang suot na hood at inayos ang pagkakaupo. Hindi matigil ang malakas na pagkabog ng aking dibdib habang pinagmamasdan ang napakagandang lalaking ito sa aking harapan. Nang akma na siyang kakanta ay siya namang pagbusina ng isang sasakyang biglang huminto sa aming likuran.

"Ay, kabayo!" ang naisigaw ko nang marinig ang pagbusina. Napatingin muna si Skye sa akin nang marinig ang sigaw ko.

"North River, ano pa bang ginagawa mo diyan?" tanong ng taong nakasuot ng sunglasses sa loob ng van.

"North River?" pagtataka ko habang nakatingin kay Skye na nangiti nang marinig ako.

"Kitagawa. Ako 'yon," sabi pa nito bago ibinaling ang attention sa van, "Oras na ba?" tanong niya rito.

"Kanina ka pa namin hinahanap. Galit na si Francis," sagot ng nasa van. Pagsilip ko ay mga kabanda sila ni Skye sa Zeus. Si Wolf ngayon ang nagsasalita. Teka, si Maui ba 'yong nasa tabi niya? Anong ginagawa niya diyan?

"Ganun ba?" napakamot ng kanyang ulo si Skye habang sumasagot bago niya ako nilingon with a very apologetic face, "Pasensiya na, Sora. Kailangan ko na palang umalis. Sa susunod na lang kita kakantahan, okay lang ba?" sabi niya sa akin. Parang nasawi ang puso ko sa narinig. Tss. Sayang naman. Dumating-dating pa kasi 'yang van na 'yan eh!

"Okay lang. Don't worry," nasabi ko na lang kahit hindi naman talaga totoong okay lang.

"Hindi ba may gig kayo sa Bistro Cambron ngayong Saturday?" narinig kong tanong nito habang tinutulungan niya akong makatayo. Hindi ko siya masyadong marinig kasi nasa nakahawak niyang kamay ang focus ko.

"H-ha?" ang nasabi ko na lang. Leche naman kasi 'tong malalambot niyang mga kamay eh! Nakakadistract!

Ngumiti na lang siya sa akin bago ako nilapitan. OMG! Is he gonna kiss me?! Napapikit ako ng aking mata nang mapalapit na siya.

"Puntahan kita doon with my bandmates, pwede ba?" biglang bulong niya sa aking tenga.

Naman eh! Akala ko kiss na 'yon! Tss! Ah! Naka-face mask nga pala ako... lols!

Napatango na lang ako bilang sagot. Masyado pa kasing nababaliw ang puso ko para makasagot nang maayos. Skye Kitagawa, humanda ka kay Amiecar Rivera pagdating ng panahon!

Sumakay na siya sa van at bago sila pumaharorot ng takbo'y sumilip siya sa wind shield without his sunglasses at nakangiting nagba-bye sa akin. Nakatayo lang ako doon habang pinagmamasdan ang tumatakbo nilang sasakyan. Did that just happen? Did he really say pupunta siya sa gig namin? Was that really Skye?

Sinampal ko nang malakas ang pisngi ko. Aray! Masakit. Bigla namang nag-ring ang phone ko. Si Hunster. Pagsagot ko, singhal niya agad ang sumalubong sa akin.

"Where the hell are you?!"

Aray. Ang sakit sa tainga. Hindi nga ako nananaginip. Si Skye nga talaga 'yong kasama ko kani-kanina lang! Kyaah!

"Hoy! Nakikinig ka ba?! Nasaan ka na? Kanina pa kami nagugutom dito!" sabi ni Hunster over the phone.

Naman.. KJ ka talaga as always, Hunster. Kalilipat kasi namin ng condo as suggested ni Ms. Rin. Masyado kasing old school daw ang building namin at kulang pa ng security kaya inilipat niya kami sa isang Five Star Condo na pagmamay-ari ng kaibigan niya. At dahil kalilipat lang namin, walang ibang makakaasikaso sa pagluluto kung hindi ako muna. Wala pang nakuhang stay out na housekeeper si Kuya Bait kaya ganun.

"Pabalik na. Atat mo naman," sagot ko na lang rito bago ko ibinaba ang telepono.

Pinagmasdan ko ang half-empty box ng pizza na binili namin ni Skye. Katulad siya ng nararamdaman ng puso ko ngayon - half-full. Isinara ko na ang box at pinulot ito from the ground. Napatingin muna akong muli sa masayang paligid ng park at nangiti ako sa thought na magkikita kaming muli ni Skye ngayong Sabado. Hmm... Di na ako makapaghintay! Saturday, hurry up!

Reaching SkyWhere stories live. Discover now