Kabanata 9

493 16 2
                                    

Closer



NP: Torete by Moonstar 88

Nang kantahin ko ang first line, nakita ko ang paglaki ng mata ni gwa-ex-sungit na tila hindi makapaniwala sa kanyang naririnig at nakikita. Ganoon rin ang reaction nina barbie doll at kuya silent. Si kuya bait naman ay panay ang ngiti habang nakikinig.

Nang matapos ang kanta, bakas pa rin ang pagkagulat sa mukha ni gwa-ex-sungit.

"That was amazing, Ami!" bulalas ni barbie doll habang sinasakal ako sa yakap, "Did you really write that song? Amazing!" sabi pa nito na sayang-saya.

"Anong masasabi mo, Hunter?" narinig kong tanong ni kuya bait sa nakatulala pa ring gwa-ex-sungit.

Pinagmasdan ko ang hitsura nito, nakanganga't nakatingin sa akin na para bang nakakita ng isang diwata. Nilapitan ko siya't nginitian.

"Laway mo tumutulo, punasan mo," sabi ko sa kanya feeling triumphant. Agad naman nitong pinunasan ang kanyang bibig, kahit na wala naman talagang laway doon.

"Pwede bang 'yun na lang gawin nating new single?" biglang sabi ni kuya silent.

"Ha?" bigla kong sabi habang nakatingin sa expectant faces nila.

"That would totally rock, the Reloaders, Ami," sabi naman ni barbie doll, "Right, Hunta?" tanong nito kay gwa-ex-sungit na nakatingin lang.

"Oo nga.. we haven't played that good after noong Taralets song natin, " dagdag pa ni kuya bait.

Para na silang mga excited na mga bata trying to convince gwa-ex-sungit na gamitin ang song ko. Ako naman ay parang na-ooverwhelm sa pinapakita nilang reaksyon. Katuwaan ko lang naman ang paggawa ng mga kanta. Nasanay kasi ako noong panahon pa ng Encore, ako ang gumagawa ng mga lyrics ng kanta ni Skye. Pero si Skye talaga ang nag-aarrange ng melody.

"Well, if that's okay with Ami, I don't see any reason why not," narinig naming sabi bigla ni gwa-ex-sungit.

"Ha?" ang nasabi ko nang nakatuon na ang mga mata nilang lahat sa akin. Hot seat!

"Ami? Pwede ba?" tanong sa akin ni kuya bait na nakapuppy eyes pa!

"Please?" dumagdag pa 'tong si barbie doll.

"Babayaran ka naman namin nang malaki," sabi naman ni kuya silent.

"Ha? Ah, eh..." pag-iisipan ko ba 'to eh chance na 'to para marinig ako ni Skye!

"Kahit wala na 'yong bayad, kuya silent, okay na sa akin 'yong iperform niyo ang kanta ko," nakangiti kong sabi sa kanila.

"Yes!!!" ang malakas nilang reply.

"Great!" narinig kong sabi ni gwa-ex-sungit, "And I just thought of a great rift for that song!" sabi pa nitong nae-excite habang kumukuha ng panibagong score sheets at may kung anong sinusulat na rito.

"This is so amazing, Ami!" sabi pa ni barbie doll habang naka-akap na naman.

"Oo nga eh... maririnig ko na ring kantahin mo 'to sa harap ng maraming tao. Nakaka-excite!" masaya kong sagot dito nang biglang nawala ang sigla sa kanyang mukha. Napatigil rin sa pagpapatunog ng kani-kanilang instruments sina kuya bait at kuya silent habang si gwa-ex-sungit ay nagpatuloy lang sa kanyang pagsusulat.

"Um, Ami, you see," panimula ni barbie doll na napapakamot sa kanyang ulo, "I don't... really... sing," halos pabulong na sabi nito. Ano raw?

"I can't sing," sabi pa nito, "I can't carry a note, you know. Mukha ko lang ang ginagamit namin pang front ng Reload band," dagdag pa nitong sabi.

Tinignan ko ang mga mukha nila kuya bait at kuya silent na nagpatango-tango lang.

"Eh, kung ganoon, sinong kumakanta ng mga songs niyo?" nalilito kong tanong sa kanila. Hindi naman sila nagsalita't itinuro lang ng nguso ni kuya bait ang bising-busy na si gwa-ex-sungit.

"Ha?" bigla ko lang, "Babae ka pala, Hunter?!" ang nasabi ko na lang at natawa naman silang lahat pwera kay gwa-ex-sungit na nabigla rin sa sinabi ko.

"Sira ka ba? Papaano naman ako naging babae? Gusto mo bang ipakita ko sa 'yo ang aking pagkalalaki nang malaman mo kung babae nga ba ako?" sabi nito na napatayo sa kanyang kinuupuan.

"No, hindi na kailangan," mabilis kong sabi rito habang nakaharap sa kanya ang palad ng aking right hand.

"Voice modification lang ginagawa namin para i-alter ang boses ni Hunter," sabi ni kuya bait.

"Eh, kung maganda naman pala ang boses ni Hunter, ba't hindi na lang siya ang naging vocalist ninyo? No offense, Barbie doll, ha?" sabi ko naman habang humihingi ng paunmanhin kay barbie doll na nagpailing-iling naman ng kanyang ulo.

"Kasi, walang tutugtog ng lead guitar kung ako ang kakanta sa harap," sagot ni gwa-ex-sungit sa akin, "Tsaka, leading band ang Zeus na may male vocalist. Sa tingin mo sisikat ba kami kung susunod kami sa shadows nila?" dagdag pa nito. Okay, I see his point. Kung susunod sila sa pattern ng Zeus, mao-overshadow lang sila sa kasikatan nito. Kaya tama lang na gawin nilang babae ang vocalist nila. Kahit ganun pa man, wala pa rin silang panama sa band ng Skye ko. Kulang pa kasi ang hatak ng music nila kung ikukumpara sa Zeus.

"So, ikaw ang kakanta ng mga kanta ko?" tanong ko kay gwa-ex-sungit na biglang napatigil sa kanyang pagsusulat at hinarap ako ng may excitement sa mga mata.

"May ibang songs ka pa?" narinig kong sabi niya.

"Meron pa naman akong naitago sa kaban ko," nakangisi kong sagot rito. Kung ito ang tanging paraan upang marinig ako ni Skye, gagawin ko ang lahat para mapansin ng Zeus ang Reload band. Hindi bilang isa sa mga bands na sumusuporta lang sa kanila, kung hindi, isa sa mga bands na maaari nilang isiping threat sa kanila.

Matapos ang almost three months na pagpe-prepare, sa wakas dumating na rin ang araw ng release. Grabe ang mga commercials at endorsements na ginawa ni Manager Francis para marinig ng masa ang mga awitin na gawa ko. Gumawa na rin sila ng music video at wala pang isang linggo ito sa youtube ay umabot ito sa mahigit isang milyong views! First time in the history of music sa bansa daw sabi ng isa sa mga VJs ng Metrocity Music Channel. Wow!

"Ami, did you hear?" narinig ko ang excited na boses ni barbie doll habang binibitbit ko ang mga gamit ni gwa-ex-sungit.

"H-ha?" sagot ko rito habang iniingatang huwag mahulog na naman ang mga dala-dala ko.

"We're going on tour tomorrow!" masayang sabi nito sa akin.

"H-ha? Ah, ganoon ba? Mabuti naman," sabi ko lang sa kanya habang bina-balance ko ang mga bitbit kong gamit nang biglang kunin itong lahat ni gwa-ex-sungit using his right hand habang iniabot sa akin ang kaiinom niya lang na bote ng Sola Iced Tea.

"Hawakan mong mabuti 'yan, " ang narinig ko mula rito.

Nakatunganga lang ako doon, nakatayo, habang pinagmamasdan ang half-full na bote. Did he just help me carry his things?

"Wow... that's a first," narinig kong sabi ni barbie doll sa tabi ko.

"Magpapamisa ako mamaya," ang tangi ko lang nasabi.

"Girls, let's get going! May tour pa tayo bukas!" excited na sabi ni kuya bait habang patakbong sinusundan si Hunter patungong elevator.

"Wait for me!" sabi naman ni barbie doll na patakbo na ring sumunod kay kuya bait.

Pinagmasdan kong muli ang boteng hawak-hawak ko. Wow... unbelievable!

"Ami! Tara na!" narinig kong tawag sa akin ni kuya bait.

Ang daming nangyari: bad first impression namin ni gwa-ex-sungit, habulan with the securities sa concert ng Zeus, baliw encounter with gwa-ex-sungit's fan, pagiging assistant ko sa Reload, pagsikat ng mga songs ko at bukas may tour na kami. Wow! Ganito rin ba ang naramdaman mo Skye noong first time na tinangkilik ng mga tao ang mga kanta mo?

"Ami!" tawag naman ni barbie doll sa akin.

"Pag di mo pa binilisan ang kilos mo, iiwanan ka namin," narinig kong sabi naman ni gwa-ex-sungit.

Nangiti na lang ako sa aking mga naalala bago ko tinungo na rin sila. Malayo pa rin ako sa 'yo Skye. Pero kahit papaano, ngayon, I feel I got a little bit closer to you. Hintayin mo ako ha? Paparating na ako...

Reaching SkyWhere stories live. Discover now