Kabanata 11

516 21 1
                                    

Songwriter


"What?!"

"Huh?"

"Ano raw?"

Ang magkakahalong reaction naming tatlo na naroroon. Si barbie doll ay tumahan na sa pag-iyak at ngayon ay nakaupo na sa kanyang kama habang inaabot ang isang basong tubig upang mainom.

"Apparently, I'm the one who's being kicked out of the band," malungkot na sabi nito pero hindi na siya umiiyak, "Am I not needed anymore?" tanong pa nito kay kuya bait.

"Darla, I'm not kicking you out, You're always part of the band. We all know na mas kailangan mo ang break ngayon lalo na't may ini-expect ka na. You should understand na hindi magiging madali para sa 'yo ang mga darating na mga araw," malumanay na sagot ni kuya bait habang kino-comfort si barbie doll. Kung hindi ko lang alam kung anong tunay na score nilang dalawa eh, iisipin ko talagang si kuya bait ang ama ng dinadala ni barbie doll.

"It's not a secret sa ating lahat na ikaw ang boses sa likod ng Reload," sabi ni kuya bait nang ibaling niya ang kanyang atensyon kay Hunter, "Who else is best suited to front our band?" tanong pa niya rito.

Tahimik lang si Hunter at tila kino-consider ang lahat ng mga sinasabi ni kuya bait sa kanya. Lahat kami'y nakaabang sa kanyang isasagot.

"I don't see any reason why not," ang sagot nito sa wakas habang nakatingin kay kuya bait, "But kailangang ma-satisfy muna ako ng performance ng mga na-recruit mo. Lalo na 'yong tutugtog ng lead," sabi pa nito.

Nilapitan siya ni kuya bait na nakangisi na ngayon.

"You won't regret this," ang sabi nito kay Hunter.

"I sure hope," sagot naman ni Hunter bago sila nagkamayang dalawa.

Pagkatapos nito'y biglang nalingon si kuya bait sa akin. Turn ko na ba sa hot seat?

"Ami, alam kong fan ka ng Zeus pero kailangan namin ng tulong mo ngayon," narinig kong sabi nito sa akin. Nalingon naman sa akin si Hunter na para bang first time niyang marinig ang tungkol sa paghanga ko sa Zeus.

"A-ano naman pong connection nito kina Skye?" kinakabahan naman ako nito.

"You should know na pagkatapos ng araw na 'to, magbabago na ang lahat. We'll no longer be part of the company that produces Reload and Zeus. And we'll also be having a male vocalist to front us," sabi nito sabay tango nito kay Hunter, "Sa mata ng company, we'll be directly challenging their best band - ang Zeus," sabi pa nito ngayong kinakaharap na naman ako. Wow, magsta-start pa nga lang uli, china-challenge na agad ng number one band? Taas ng pangarap ni kuya!

Turn ko naman ngayong tumahimik habang sila nama'y nakaabang sa isasagot ko. Tama nga si Kuya. Kung tutulungan ko sila para ko na ring tinulungan ang magiging karibal ng band ng mahal ko. Hindi ba pagtataksil 'yon? Pero napamahal na rin sa akin ang band nila kuya bait. Anong gagawin ko?

Hinarap ko silang lahat. All their eyes on me. Waaa! Naka-on ba ang aircon? Parang ang init-init naman ata dito.

"Bago ko ibigay ang sagot ko. Pwede po bang magsabi ng iniisip ko?" paalam ko sa kanila. Tumango lang sila bilang kasagutan.

"Totoong fan ako ni Sk-, ng Zeus. Hindi ko itatanggi 'yon. In fact, sila lang ang alam kong band dati. Wala na akong ibang pinapakinggang musika kung hindi ang mga tinutugtog nila, " panimula kong sabi.

Nakita ko ang pagkunot ng noo ni Hunter. Hindi siguro niya mapaniwalaan ang mga sinasabi ko at baka nagtataka na siya kung bakit pa ako nasali sa group nila. Si barbie doll naman ay nakikinig lang at nakaabang pa sa mga sasabihin ko.

Reaching SkyWhere stories live. Discover now