Kabanata 122

269 6 0
                                    

Aksidente




** Ami's POV **

"Miss. Miss." Tila naririnig kong sabi ng isang boses.

"Miss. Miss. Gising na. Nandito na tayo." Muling sabi nito habang niyuyugyog ang balikat ko.

"H-ha?" Ang tanging sagot ko habang kinukusot ang mata. Nakatulog ata ako sa sobrang inis.

"Nakarating na po tayo." Muling usal ng driver. Pagkasilip ko sa bintana, agad kong natanaw ang dating naming gusali.

"Ay! Nandito na pala tayo!" Halos napatalon ako sa aking kinauupuan habang naghahanap ng ipambabayad nang makababa na ako sa taxi niya.

"Pasensiya na po, Kuya." Sabi ko pa sabay abot ng pambayad.

"Wala pong anuman, magandang binibini." Sagot naman nito na pinaningkitan ko naman ng mata.

Aba'y matindi rin kung makahirit itong driver na 'to ah!

Pinagmasdan kong mabuti ang mukha ng driver. In fairness, gwapo ito at mukhang hindi naman pang-driver ang anyo nito. Wala sa isip akong napasilip sa kanyang ID sling, "Gab" ang nakasulat dito. Hmm... baka double agent 'to. Makababa na nga!

At bago pa tuluyang makaalis ang sinakyan kong taxi, nagbaba muna ito ng windshield na muli ko namang pinaningkitan ng mata.

"Magandang binibini, munting paalala kung inyong mararapatin. Maging tapat po sana kayo sa inyong minamahal at kalimutan na ang nakaraan. Ang tunay na kaligayahan ay makakamtan lamang kapag natuto tayong magpahalaga sa kung anong meron tayo ngayon at hindi kung anong nawala sa atin noon." Nakangiting usal nito na lalo lang ikinunot ng noo ko. Akala niya ba gwapo siya? Mas gwapo pa ang Hunster ko sa kanya ah!

Papaalis na sana ako nang muli itong magsalita.

"Kahit gaano kadikit ang ipinagdikit ng mighty bond, pakakatandaan, sa di kalaunan ay matatanggal at matatanggal din iyan. Masakit pero makakayanan." Sabay kindat pa nito bago pinaharurot ng takbo ang taxi.

Loko 'yon ah! Kung anu-anong pinagsasabi! Makapasok na nga!

Before I turn the knob, huminga muna ako nang malalim. Should I text him first na nandito na ako? Should I knock? Push the buzzer? Gising pa kaya siya? Wala pa naman akong dalang kahit na ano. Paano kung wala pala siya? Paano kung umalis siya? Paano kung—

I was in the middle of worrying nang biglang bumukas ang pintuan at parang nag-slowmo ang lahat hanggang sa iniluwa nito ang anyo ng aking minamahal. Ang bilis-bilis ng pintig ng aking puso habang pinagmamasdan ang dahan-dahang paglabas ng kanyang ngiti na umaabot hanggang mata.

"Ami—"

Parang may sariling isip ang aking katawan when I find myself clinging to him tightly. Ilang sandali lang ay nakayakap na rin siya nang mahigpit sa akin.

"I miss you so much, Hunster ko." Agad na bulalas ng aking bibig habang ninanamnam ang init at bango na nagmumula sa kanya.

Ramdam ko ang marahang pagdampi ng kanyang labi sa aking pisngi at agad na namuo ang init sa parte na kanyang hinagkan. Matapos noon ay unti-unting inihiwalay nito ang kanyang katawan sa pagkakayakap sa akin and then gently cupped my face with his hands. Sinalubong agad ako ng nakangiti niyang mga berde. Oh how I miss them! At mataman akong tinitigan.

"Akala ko hindi ka na naman matutuloy." May lungkot sa pagkakasabi niya nito at di ko napigilang umiling.

"Hindi na 'yon mauulit pa. Pangako." I assured him.

Muli siyang ngumiti at pagkatapos ay marahang dinampihan ng halik ang aking noo bago ako ikinulong sa kanyang mga bisig. Ah... this is home.

"Miss na miss kita, Ami." Bulong niya sa aking tainga and I felt that familiar feeling he always make me feel.

Reaching SkyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon