Kabanata 7

951 44 5
                                    

Kakaibabe

"Aaah!" Sigaw ko rito sa stairs ng building kung saan nakatira ang Reload. Nasa 40th floor pa ang inakyat ko bitbit 'tong mga gamit ng gwasungit na 'yon. Ang bigat-bigat na nga, hindi pa akl tinulunga't iniwan pa ako rito! Kakaasar!

Nakita ko ang pintuan papasok sa floor. Magbabakasakali na lang ako baka naayos na ang elevators. Binuksan ko ang pinto at pumasok na ako. Pagod na pagod na ako kabibitbit nitong gamit ni gwasungit. Gutom na gutom na rin ako. Nilapitan ko ang elevators at pinindot ang up button nang nag-ping ito. Yey! Ayos na siya!

Nang bumukas na ang mga pinto, agad akong pumasok rito't pinindot ko na rin ang button patungong penthouse. As usual, kakausapin na naman ako ng elevator para hingin ang passcode ng penthouse. Iti-nype ko sa keypad nito ang combination 0923 at pagkatapos ay pinindot ko ang enter key. Agad namang kumilos papataas ang elevator. Haaaay, salamat at makakakain na rin ako! Ewan ko lang kung saang floor na nakaabot sa kakaakyat 'yong si gwasungit. Buti nga sa kanya! Uubusan ko siya nang makakain. Bwahahahahaha!

Nang bumukas uli ang elevator, nasa penthouse na ako. Binuhat ko nang muli ang mga gamit bi gwasungit. Iwan ko na rin kaya 'to dito? Hmph...

Paglabas ko siya namang pagpasok ni Manager Francis papasok ng elevator kaya nagkabanggaan kami't nahulog ko mga bitbit kong gamit.

"Aay, kabayo!" Nasabi ko pa.

"Oh, sorry... hindi ko napansing may tao pala," sabi naman ni kuya gabby.

"Okay lang po 'yon," nasabi ko na lang habang pinupulot ang mga gamit. Naku, pag nakita ako ni gwasungit, patay ako nito!

"We'll go ahead, Francis," narinig kong sabi nang isa sa mga taong sumakay sa nakabukas na elevator.

"May bisita ba kami?" natanong ko na lang sa aking sarili habang pinagpapatuloy ang pamumulot ng mga music sheets ni gwasungit.

"Ah, sige, Skye, kita na lang tayo sa company," narinig kong sagot ni kuya gabby.

Skye?! Dalidali kong nilingon ang direksyon ng elevator ngunit siya namang pagsarado nito.

"Si Skye po 'yon, Kuya Gabby?!" natataranta kong tanong dito.

"Ha? Ah, oo nga pala... fan ka nga pala ng Zeus," sagot lang nito habang inaayos ang suot-suot na salamin, "Paminsan-minsan ginagamit ng Zeus ang studio natin dito para mag-practice. Iisa lang ang recording company natin kaya masanay ka ng paminsan-minsan magkakasalubong --," hindi ko na pinatapos pa ang sasabihin ni kuya gabby at tinakbo ko na ang pintuang patungong exit stairs ng building.

"What on earth has happened here?!" bigla kong narinig ang galit na tinig ni gwasungit na nagpatigil sa akin, "My things! They're ruined!! What did you do?!" sabi pa nito.

Ugh! Not now! I have to chase Skye. Papaalis na sana ako nang hilahin ako pabalik ni gwasungit.

"Tatakas ka?! After what you've done? Alam mo ba kung anong mga ito?!" galit nitong tanong sa akin.

"Pwede bang mamaya na lang tayo mag-usap? May kailangan lang talaga akong habulin," mabilis kong sabi nito habang pilit na binabawi sa kanya ang kamay ko pero mas hinigpitan pa niya ang paghawak dito.

"Anong mamaya?! Don't you know these are my score sheets para sa bago naming album?!" sabi nito sa akin.

Tiningnan kong muli ang mga nagkalat na mga papel saka ko tinignan ang galit na anyo ni gwasungit. Patay!

"Ano bang nangyayari dito?" narinig kong sabi ni kuya bait pagpasok niya mula sa balcony, probably smoking, "My God, are those our new songs?" pabiglang sabi ni kuya bait bago mabilis na pinagkukuha ang mga nagkalat na mga papel, "What happened?" pag-aalala nitong tanong sa amin.

Reaching SkyWhere stories live. Discover now