Kabanata 92

312 8 0
                                    

A/N: Medyo SPG

Half-praying


Nasa may sala ako ngayon at ginagamot ang mga karmot ko sa aking balikat. Pinagalitan ako ng todo-todo ni Aya sa ginawa ko sa club. Buti na lang daw at walang nakakakilala sa akin. They tagged me as one of Hunter's delusional fans. Shets! Kailan pa ako naging delusional? Fan, maybe, pero delusional? No way, highway! Baka 'yon pang kalandian niya kanina. Ugh... bakit pa kasi ako nakialam sa kanila? Ano ba kasing pakialam ko sa kanya kung may kaharutan man siyang babae? Lalaki siya. Siyempre normal lang 'yon sa kanila. Di ba ganun rin naman si Kuya Calvin? Di ba ganun rin naman si Skye?

Bigla na namang nanikip ang dibdib ko. Kailan pa naging si Skye si Hunter? Kailan pa siya natutung umasta nang ganun? After two months, siguro, naka-move on na nga siya. Siguro, tuluyan na nga niya akong kinalimutan.

Mahal kita... mahal na mahal kita...

Nanikip na naman ang dibdib ko.

Sinungaling!

Mabilis ko namang pinunasan ang isang takas na luha sa aking pisngi.

Patapos na ako sa aking ginagawa nang biglang bumukas ang pinto at pumasok ang isang Hunter na may linalamutak pa ring babaeng halos nakahubad na. And no! That wasn't the girl I saw at the club a while ago. Ibang babae naman.

Nakatayo lang ako roon at tila na-estatwang nakatanaw sa kanila. And then I saw his green eyes staring at me. Again. Cold. Patuloy lang siya sa paghalik doon sa babae habang nakatingin sa akin. Para namang may pumipiga sa puso ko habang nakatingin sa kanya. Tila nakita kong umarko paitaas ang gilid ng kanyang bibig bago ito tumigil sa paghalik para bumulong sa babae na siya namang tumili bago sila tumuloy patungong silid ni Hunter. Wala akong ibang ginawa kundi sundan sila hanggang sa makapasok na sila ng silid at sekretong pinapagalitan ang sarili. Ako ang may kasalanan nito. I pushed him to be like this.

Akma na akong magliligpit nang biglang bumukas muli ang pinto at pumasok ang nanggigilaiting Darla. When she saw me, lalo pang nanlaki at nanlisik ang kanyang namumulang mga mata. Umiiyak ba siya?

"You?! You did this! This is all your f*cking fault, b*tch!" Akma na sana niya akong sasapakin ng pigilan siya ni Kuya Bait and dragged her inside his office.

"I won't f*cking forgive that b*tch! This is all her f*cking fault!" Naririnig ko pa ring pagsisigaw niya kasabay ng mga tunog ng nababasag na kagamitan.

Mabigat sa dibdib kong tinahak ang aking silid. Nang madaanan ko ang pintuan ng silid ni Hunter, hindi ko napigilan ang sarili kong huminto nang marinig ko ang mga ungol ng babae sa likod nito. Napakagat ako sa aking lower lip just to stop myself from crying. Syete... gusto ko na namang pasukin 'yong babaeng 'yon at kaladkarin papalabas ng silid ni Hunter. Bakit ko ba gustong gawin 'yon? Wala naman akong karapatang panghimasukan ang pribadong buhay nito. Tama lang na kalimutan niya ang nararamdaman niya sa akin. I brought nothing but pain in his life. Tama na 'tong ako na lang ang nahihirapan. Syete naman! Ang hirap-hirap ngang aminin sa sarili kong gusto ko na siya. Pero kasalanan ko naman talaga. Kasalanan ko.

Instead of going to my room ay pumunta na lang ako ng practice room. Pagkabukas ko ng ilaw, agad akong napasinghap ng hangin while trying to erase all those nasty moans from my mind. Ugh... hindi pa rin maalis! Padabog kong tinungo ang couch at pasalampak na naupo rito. Muli na naman akong napasinghap ng hangin. I need to distract myself. Okay naman ako these past two months. Nawala pansamantala sa isipan ko ang problema ko kina Skye at Hunter. Pero ngayon, hindi ko na alam.

Tama na. I have to focus. I have to clear my mind. Tama lang ang sinabi ni Rin sa akin dati. I have to focus on my career muna ngayon to prove to the people na mali ang pagkakaakala nila kay Sora.

Reaching SkyWhere stories live. Discover now