Kabanata 21

405 16 0
                                    

Steal


Concert time. Nag-uumpisa na ang kalampagan ng mga instruments sa stage. Ang dami-daming taong nanonood at nakiki-jam.

"Skye!!!!!" sigawan ng mga babae sa tabi ko.

Oo. Concert ito ng Zeus. Anong nangyari sa concert namin? Antay lang kayo diyan...

Pumasok na ako uli sa mall at tulad nga ng sabi ni Kuya Bait, hindi lahat ng tao'y nakakanood ng concert kasi masyado silang marami't hindi na sila magkasya sa venue. May chance pa kaming agawin ang ibang audience nila. Nangiti ako habang isinusuot ko na ang half-mask ko. Ready to rock!

Pumunta ako sa music department kung saan naghihintay si Kuya Bait. Pagdating ko roon, may tinawagan sa kanyang cell phone.

"Rock on," bulong nito sa phone at pagkatapos ay sinimulan niyang hampasin ang drumset na nandodoon. Nagsilingunan ang mga tao sa paligid at ang iba naman ay unti-unting lumalapit.

"'Di ba si Raven 'yan? 'Yong drummer ng Reload?"

"Wow, astig talaga!"

"Ang galing niya!"

Patuloy ang pagbugso ng mga tao sa window ng music store na kinaroroonan ni Kuya Bait. Ilang saglit naman ay lumabas mula sa loob si Ivan na naka-maskara at tinutugtog kasabay ng drums ni Kuya Bait ang kanyang bass.

"Wow! Cool, man!"

"'Di ba member siya ng Polaris?"

"'Yong nadisqua na band?"

"Magkasama sila ni Raven?"

Tapos noon ay lumabas naman si Kuya Calvin na nakamaskara rin at hinahataw ang kanyang lead guitar.

"Oy! Sa Polaris band nga sila!"

"Nandiyan rin ba si Hunter?"

Patuloy naman ang pagdagsa ng mga tao doon. Unti-unti, kumakapal na sila. Eto na ang time kong lumabas! Paglabas ko, tulak-tulak ko ang isang cart na may mobile sound system at dito ina-amplify ang mga tunog ng gitara nina Kuya Calvin at Ivan. Nalingon naman ang mga tao sa akin.

"Oy, si screaming girl!"

"Oo nga!"

"Lalabas na ba si Hunter?"

"Screaming girl, nasaan na si Hunter?"

Screaming girl? Ako ba 'yon? As if on cue, lumabas ang tinig ni Hunter sa daladala kong speakers.

"We're called Polaris. If you wanna hear us out, come to the open parking lot and we'll ROCK THE NIGHT AWAY!" sabi nito habang nasa background ang mga tunog ng guitars nina Kuya Calvin at Ivan.

Matapos noon ay sumakay sina Kuya Calvin at Ivan sa kani-kanilang mga carts at itinutulak na rin sila ng mga staffs namin papaalis sa lugar na 'yon. Habang si Kuya Bait nama'y nakasunod sa akin.

"Kyaaaaaaaaaah!"

"Hunter, wait for me!"

"Pare, let's go! Tignan natin!"

"Nandito rin ang Zeus, Pare!"

"Wag na doon, masyado nang masikip! Doon na lang tayo sa Polaris, astig din 'yon!"

"Nakita mo ba performance nila?"

"Astig talaga!"

Ang naririnig namin habang sinasabayan kami ng mga tao patungo sa venue ng concert. Paanong naririnig nila ang boses ni Hunter sa speakers? Recorded na 'yon 'no! Nakalagay sa USB kaya ganoon! Isip-isip din! Hahahaha...

Reaching SkyWhere stories live. Discover now