Kabanata 110

318 6 0
                                    

Hands Off


Isang linggo na ang nakakaraan matapos maging kami ni Hunster. Nasa byahe pa rin siya hanggang ngayon pero pauwi na rin naman daw sila. Nakailang buntong hininga na ba ako rito sa recording studio ni Rin sa loob ng linggong ito. Miss na miss ko na siya at hindi na ako makapaghintay na mayakap siyang muli.

Napatingala ako sa malaking wall clock ng silid. 05:00PM. Kalahating oras pa. For the nth time, nagbuntong na naman ako ng hininga. Bigla na lang may bumatok sa akin na agad ko namang tiningala. Si Rin.

"Umayos ka nga. Para kang namatayan ng matres diyan eh!"

Namatayan ng matres? Napahimas na lang ako sa aking batok habang nakatingin sa naiinis na anyo ng kaibigan.

"Papunta na 'yon dito. Mas mabuti pang magpractice ka ng ngumiti para kapag nagkita na kayo, mararamdaman niya kaagad ang pangungulila mo sa kanya." Sabi pa nito sa akin, "Or better yet, why don't you focus your attention to your vocalizations para sa concert mo ng hindi mo masyadong maisip 'yang pangungulila mo sa kanya." Dagdag pa niya bago tinungo ang kanyang desk at bumalik sa kanyang ginagawa.

"Anong pangungulila itong naririnig ko?" Hindi na namin kailangang lumingon ni Rin to know who just arrived.

"Skye, napasyal ka?" Pansin sa kanya ni Rin with a very enthusiastic voice. "Na naman." She added with sarcasm obvious in her tone.

Tinawanan lang siya ni Skye bago ako nilapitan at binigyan ng mabilisang halik sa pisngi.

"Na-miss mo ba ako, Ami?" Nakangiting tanong nito bago inabot sa akin ang isang bouquet. "Flowers for you, my Ami."

Yellow roses naman ngayon. Halos isang linggo na rin siyang ganito. Right after their shoots or rehearsals, pumupunta siya kaagad dito para bisitahin ako. Wala naman akong sakit.

Hindi naman sa ayaw ko siyang makita. Hindi rin naman sa ayaw ko ng mga flowers niya. Kaya lang, medyo naninibago ako sa mga ipinapakita niya. Hindi naman kasi siya ganito dati. Dati kasi hanggang sweet words lang siya. Mga simpleng bagay lang tulad ng love letter, poems, isang bulaklak na pinitas niya lang sa kung saan-saan. Siguro nga kasi afford na niya ngayon ang mga bagay na tulad ng bouquet kaya madali na lang para sa kanya ang mga ganito.

Hindi naman siguro siya nanliligaw sa akin, di ba? He made it clear to me na wala na nga siyang nararamdaman para sa akin. He fell out of love nga, di ba? At ako naman ay na-fall in love sa iba.

"Ba't para yatang malungkot ka pa rin?" May pag-aalala nitong tanong while taking the seat in front of me at mataman akong tinitigan. "May problema ka ba? May nang-aaway pa rin ba sa 'yo? Bina-bash ka pa rin ba sa mga networking sites mo?" Sunud-sunod nitong tanong.

"May nami-miss lang..." Bulong lang sana sa sarili ni ni Rin pero rinig pa rin namin.

Napalingon na rin ako sa kanya at kay Skye na ngayon ay tila naguguluhan.

"H-ha?" Agad na napatingin si Skye sa direksyon ni Rin na ngayon ay nagbibisi-bisihan sa kanyang McAir.

"Wala naman akong sinabi. I'm busy here with the prepations for Sora's first concert." Pasimpleng sagot nito matapos bigyan ng malamig na pagtitig ang aking ex bago niya ibinaling muli ang atensyon sa kanyang computer.

"Ah! Oo nga pala! Ilang linggo na lang at birthday mo na, hindi ba, Ami?" Masiglang tanong ni Skye na ngayon ay nakatingin ng muli sa akin.

"Oo. Kasabay siya ng concert day ko." Sagot ko sa kanya habang pinaglalaruan ang mga talukap ng yellow roses.

"May gusto ka bang regalo for that day?" Tanong na naman niya sa akin, his voice was filled with unusual enthusiasm.

"Hindi naman kailangan, Skye. Okay lang kahit wala basta pumunta ka lang doon, ayos na ako." Nakangiti kong sagot sa kanya. Hindi yata niya nagustuhan ang sagot ko at biglang lumungkot ang maganda niyang mukha.

Reaching SkyWhere stories live. Discover now