Kabanata 39

388 12 1
                                    

Cold War

Kinabukasan, ipinalabas na sa mga music channels at FM stations ang first ever single ko, Time In. Grabe, in an instant, ang dami ng nagfa-follow sa twitter ko. Maging ang ilang artista ay nakafollow na rin sa twitter ko kasama na si Skye.

Waah! Panaginip ba 'to?! Ang dami na ring mga requests ng fan signing. Tapos marami ring videos ng debut ko ang naglabasan at nagtrending sa youtube. Kasama na rin doon 'yong first video ko na inupload ni Kuya Bait.

Parang kelan lang ang dami-daming nagbabash. Ngayon puro tweets of admiration at support ang nagbabaha sa twitter ko. Waah... nakakataba ng puso. Kahit saan ako magpunta, kahit sa palengke lang, pinag-uusapan nila ang tungkol sa naganap kahapon. Apparently, ipinalabas sa news kaninang umaga kaya naging talk of the country daw ito. Kahit nga 'tong binibilhan ko ng gulay 'yon rin angcpinag-uusapan. Hindi nila alam na kaharap na nila ang pinag-uusapan nila. Hindi ko kasi suot ang maskara ko kaya ganun.

"Ale, pabili po ng okra niyo," sabi ko sa tinderang nakikipag-usap sa katabing tindera.

Mukha atang hindi ako pinakikinggan ah!

"Ale, pwedeng pabili?" sabi ko na naman pero hindi pa rin ako pinapansin, "Excuse me po?" medyo nilakasan ko na ang boses ko at napansin na rin ako.

"Ano bang kailangan mo? Kitang nakikipag-usap pa 'yong tao."

Ay ganun?! Ako na nga 'tong bumibili sa paninda mo, kaw pa 'yong galit?

"Pabili po ng okra," sabi ko na lang with a smile pa.

"Sus, okra lang pala. Nandidisturbo ka pa," sagot naman nito't pinagkuha ako ng ilang okra at inilagay sa isang supot, "Byente singko," sabi nito habang inaabot ang binibili ko.

Nagkuha ako ng exact amount sa purse ko nang biglang tumunog ang radyo ni Ate.

NP: Time In by Yeng Constantino

"Naku, ayan na! Pinatugtog na!" narinig kong sabi nito bago pahagis na iniabot sa akin ang okra ko't hinablot mula sa kamay ko ang bayad.

Magagalit na sana ako pero napawi rin 'to nang marinig kong sinasabayan nila sa pagkanta ang kanta ko. Nakakatuwa! Ang sarap sa pakiramdam na malaman na gusto nila ang kanta mo. Nakangiti akong pinagmamasdan sila habang pasayaw-sayaw pang kinakanta ang koro ng kanta nang biglang napansin ako ni Ate.

"O, ano pang tinatayo-tayo mo diyan? Tsupe at marami pa kaming kustomer!"

Talaga lang? Ako lang naman ang tao ngayon dito ah. Basag mood naman ugali nito. Umalis na lang ako na bitbit ko ang aking mga pinamili at isang panibagong pag-asa upang gumawa pa ng mas magandang musika.

Nang makarating ako sa building namin, napansin ko ang motosiklo ni Ms. Rin na naka-park sa labas. May lakad ba kami ngayon?

"Sora!" tawag niya sa akin habang papalabas ng building, "What on earth are you doing?" sabi nito at napaatras ng saglit ng makita ang suot ko, "What are you wearing? You're outside! You should dress like a celebrity now!" Sabi pa nito bago ako hinatak papasok sa loob at hinarap si Kuya Bait na kabababa lang ng hagdan, "Raven, why on earth did you let Sora do these trivial things? Hindi na siya ordinary person ngayon! What if may nakasunod na paparazzi sa kanya't nakunan siya ng nakaganito lang? What do you think will happen?" sunod-sunod na sabi nito kay Kuya Bait na nagtatanggal pa ng dumi sa mata.

Kakagising pa ata. Mag-aalas syete pa kasi ng umaga and I believe matagal na nakatulog si Kuya Bait dahil marami pa siyang inasikaso kagabi especially ngayong kasama na ako sa ise-schedule niya.

"Sorry. I should have employed housekeepers para gumawa ng mga bagay na 'yan. Sorry, Sora. From now on, hindi mo na kailangang gawin 'yan," narinig kong sabi ni Kuya.

Reaching SkyWhere stories live. Discover now