Kabanata 35

354 9 0
                                    

Superhero

** Ami's POV **

"Sora! Sora!" narinig ko na lang habang paulit-ulit na kinakabog ang pinto ng aking silid.

Nag-unat muna ako bago ko kinuha ang orasan ko't pinagmasdan ang oras. 09:30AM na!!! Oh, no! Gising na dapat ako ng alas 7! Patay ako nito!

Tumalon na ako from my bed at agad na kinuha ang towel ko pagkatapos ay tumaripas na ng takbo patungong banyo without even looking at Hunster's disapproving looks. Siya pala 'yong kanina pa humahampas sa pintuan ko to wake me up.

"Tulog mantika ka na naman! Alam mo namang may show tayo mamayang alas 5 ng hapon at marami ka pang dapat puntahan!" Narinig kong litanya ni Hunster sa labas ng banyo. Hindi ko na lang siya pinapansin at nagpatuloy na lang ako sa pagligo. Naman kasi eh, bakit ba kasi hindi gumana ang alarm ko?

"Sora, nasa ibaba na si Rin!"

Nalintik na! Boses ni Kuya Bait 'yon! Nandito na si Ms. Rin?! Kakahiya nito...bilis pa!

Nang matapos na ako sa paliligo, tumaripas na naman ako ng takbo pabalik sa aking silid at mabilis na nagbihis. Sinusuklay ko pa ang tumutulo kong buhok nang makababa na ako't hinarap si Ms. Rin.

"Good morning, Ms. Rin! Sorry po at natagalan ako sa paggising," humihingal ko pang sabi sa kanya.

Natayo lang siya't pinagmasdan ang hitsura ko na bahagyang nabigla. Matapos nang ilang sandali ay natawa na lang siya. Para akong timang na nakatayo lang doon at nakatingin sa kanyang pagtawa. May nakakatawa ba sa mukha ko? Tinignan ko rin ang mga mukha nila Kuya Bait na panay ang iwas nang tingin sa akin. Maging si Hunster ay iwas tingin rin at tila namumula ang tainga. Galit? Asar? May mali ba sa hitsura ko? Nilapitan akong bigla ni Ms. Rin at binulungan.

"Nakalimutan mo pants mo," natatawa pa rin nitong bulong at mabilis ko namang tiningnan ang pang ibaba ko.

Waah! Wala nga akong suot na pants! Agad akong tumakbo pabalik ng silid habang dinig na dinig ko pa rin ang panay na tawa ni Ms. Rin.

Nang ma-check ko ng maayos at kompleto na ang suot ko, bumaba na muli ako't nakita ko si Hunster na hinihintay ako. Wala na ang iba pa naming mga kasama.

"Nasaan na sila?" tanong ko rito.

"Nasa sasakyan na sila. Si Ms. Rin nama'y nasa labas lang at may kinakausap sa telepono," matamlay nitong sabi.

"Eh, ba't nandidito ka pa?" Tanong ko sa kanya na may pagtataka ko.

"May hinihintay kasi akong tangang pagong eh," sarkastiko nitong sagot.

"Sorry po~ hindi na po mauulit Master Hunster~" sarkatiko ko ring sabi. Alam ko naman na mali ako, di na kailangang i-point out. Naman eh!

"Dapat lang!" mabilis nitong sabi. Ugh, nakakainis na naman siya.

"Hindi mo naman ako kailangang hintayin pa," sabi ko pa habang naglalakad na palabas ng building.

"Ayaw mo ngang iniiwanan, di ba?" sabi pa nito pero hindi ko masyadong narinig kasi ibinulong niya lang ito habang naglalakad palabas.

"Ano?" pagliliwanag ko sana rito.

"Ewan!" Sigaw nito habang mabilis na tinutungo ang sasakyan kung saan patuloy namang nagwe-wave ng kamay si Ivan.

Hay naku! Iiwanan rin naman pala ako. Nagbuntong hininga ako bago ko ini-lock ang pinto ng building namin nang hilahin ako bigla ni Hunster.

"Pagong ka talaga," sabi pa nito habang hilahila ang kamay ko.

Reaching SkyWhere stories live. Discover now