Kabanata 89

277 4 0
                                    

Never Easy

** Hunter's POV **

"Hunt, nakakarami ka na ng naiinom. Tama na 'yan." Rinig kong sita ni JJ sa akin.

"Hindi pa ako lasing, JJ. Kaya ko pa 'to. Just do your job and get me my drinks." I simply dismissed her.

Pakialam ba niya? Alam ko namang Calvin's been taking tabs on me ever since nakarating ako dito sa bistro ng girlfriend niya. Pakialam ba ng mundo kong lunurin ko ang sarili ko sa alak? Sino ba kasi ang may sabing masarap ang umibig? Mas masarap pa ata 'tong mapait na inumin na 'to. Tumungga pa ako ng isang shot. Napangiwi ang mukha ko sa tapang ng inumin. F*ck! Bakit di pa rin mawalawala 'tong lecheng kirot na 'to sa dibdib ko?!

Nagpapakasasa na ako sa aking mga alak nang mapansin ko ang isang couple na naghaharutan. Ugh! Sinasadya ba ito ng tadhana? Kailangan ba talagang ipamukha sa akin na ang lungkot-lungkot ng buhay ko? At ayun, panay pa rin ang harutan ng dalawa. Kulang na lang maglatag sila ng banig sa harap ko't mag-ala youp*rn dito. At tumungga pa ako. Syete! Lalo pa atang pumait ang lasa ng iniinom ko habang nakikinig sa kilig moments ng mga ito.

"Hunter?" Agad akong napatingala sa familiarity ng boses.

"Rin." Bati ko rito bago ko ininom pa ang isang shot.

Syet! At sina Rin pa pala 'tong kanina pa naghaharutan. Nagtaka pa ako e nasa VIP room ako ng bistro ni JJ. Siyempre, hindi ordinaryong mga tao ang makakapasok dito.

"Ang dami-dami mo na atang nainom?" Medyo may bahid ng pagkairita ang tono nito.

"Hindi naman. Nag-chi-chill lang after a long day's work." Simple kong sagot dito at napuna ko ang paglapit ni Uno sa aking table.

Itinaas ko ang shot glass ko sa kanyang direksyon to acknowledge his presence bago ko ininom ang laman nito.

"Enough of this, Hunter. You didn't even answer our calls kanina when you're supposed to come for practice! Tapos makikita kita ritong nagpapakalunod sa alak? Are you out of your mind?! You could lose your voice with these!" Tumaas na ang tono ni Rin habang itinuturo ang lahat ng empty shot glasses sa aking mesa.

Like I give a f*cking care!

Hindi ko siya pinakinggan at kumuha pa ako ng isang shot glass. Iinumin ko na sana nang mabilis itong kinuha ni Rin.

"What the f--!" Angal ko na sana sa kanya habang napatayo sa aking kinauupuan.

Mabilis namang pumagitna si Uno sa aming dalawa.

"Let me talk to him, Rin." Mahinahong sabi nito sa kasintahan.

Pansin ko agad ang pagkairita ng babae bago lumabas ng VIP room.

"Now, mag-usap tayo lalaki sa lalaki." Narinig kong sabi nito bago naupo sa upuan opposite mine.

"What the hell's happened that you're throwing your self away?" Mariin nitong tanong bago kumuha ng isang shot glass at mabilisang tinungga ito without breaking his eye contact on me.

"Sh*t happened, that's why." Tutungga pa sana ako ngunit mabilis naman itong kinuha ni Uno sa aking kamay at agad ring ininom.

Sh*t! Kampon nga pala 'to ni Rin. Kumuha na lang ako ng malamig na tubig na nasa mesa at 'yon na lang ang ininom.

"What kind of sh*t are we talking about here? Like matters of the heart kind of sh*t?" Halos mabilaukan ako sa iniinom na tubig sa bigla niyang pagsabi.

"Hindi naman mahirap mahulaan kung anong dahilan ng iyong paglalasing. Been there, done that ika nga." Sabi niya lang bago muling uminom ng shot.

Napaisip akong bigla sa kanyang sinabi.

Reaching SkyOnde as histórias ganham vida. Descobre agora