Kabanata 111

478 25 10
                                    

071815: Happy birthday to my brother! Kahit nasa ibang bansa ka ngayon, I hope you're still enjoying your day. We may not see each other's thoughts eye to eye but you know how much Ate loves you. Be safe. Always believe in Him. Never give up. Pee burpday, Jong! :)

Girlfriend


** Ami's POV **

"What were you thinking?! Bakit ka nagpapayakap sa ex mo?!" Untag ng kasintahan ko sa akin habang nagmamaneho. Kunot ang noo habang salitan ang tingin sa akin at sa kalsada. Makailang beses na rin niyang pinipiga ang kanyang manobela na tila nagpipigil.

Hindi ako sumagot. Kanina pa namin nilalakbay itong kalsada nang walang imikan. Kanina marami akong gustong sabihin sa kanya. Kumusta na siya? Kumusta ang tour? May nangyari bang maganda? Anong ginawa nilang apat habang nandodoon? Na-miss niya ba ako? Inisip niya ba ako? Ni napanaginipan kaya niya ako? Ang dami-dami kong gustong sabihin kaya lang biglang nahagip ng hangin when I saw that kiss.

That was supposed to be our kiss. Ours! Hindi sa kanila ni Darla. Tapos ngayon siya pa itong may ganang magalit? Naiirita ako. Ayoko munang magsalita kasi alam kong hindi maganda ang lalabas sa bunganga ko kapag nagkataon.

"Alam mo namang ngayon ang dating ko, di ba? Bakit kailangan kong makita ang eksenang 'yon? Bakit nga ba may ganoong eksena in the first place?! Nililigawan ka ba niya ule?! G*go siya ah!" Patuloy na usal ng katabi ko.

Nakatingin lang ako sa labas ng salamin at sinisikap na hindi marinig ang mga sinasabi niya.

"Ami?!" Bahagya akong napalundag sa aking upuan at agad na napalingon sa kanyang direksyon when I heard him call.

His green eyes were filled with rage and were obviously waiting for answers.

"Nakikinig ka ba?! Ang sabi ko nililigawan ka ba niya uli?!" He asked again this time with more emphasis on the words - mabigat at puno ng inis.

Sandali ko siyang pinagmasdan. Gwapo pa rin kahit galit ang mukha. Mapula-pula pa rin ang mga labi just like the last time I saw them. It's been a week since the last time I kissed those. And it was the most passionate kiss I've ever tasted. And I was expecting to relive those moments with him the moment he returns. Kaso, iba ang nangyari. Shet lang. Ngayon, habang tinititigan ko ang mga labi niya, pumapasok sa isipan ko 'yong halikan nila ng malditang british na 'yon. Argh! Naiinis ako. Sobra! Sarap manghabalos ng gamit!

Mabilis kong iniwas ang aking paningin at itinuon iyon sa harap. Humugot muna ako ng malalim na hininga para pakalmahin ang di magkanda-ugaga kong mga kalamnan bago ko siya sinagot.

"Hindi." Sagot kong mapait.

'Yon lang. Partida na 'yon kasi hindi pasigaw ang pagsagot ko sa kanya. Kontrolado ko pa rin ang galit ko. Tapos, klung makapagsalita siya, akala niya wala siyang ginawang kasalanan? Shet siya! Naiiyak na naman ako ngayong naalala ko na naman 'yong eksena na 'yon. Parang eksena lang sa sine ng magkasintahang matagal na nagkawalay at ngayon ay nagkita nang muli. Bwesit.

"Anong hindi?! Then why was he hugging you?! Outside?! Ano 'yon?! Kamustahan lang?!" Sunod-sunod na sabi nito sabay mura nito kasabay ang pagsapak sa kanyang manobela.

Sh*t ah! Ginagalit na ako ng ungas na 'to ah! Kanina pa niya ako sinisigawan eh ang lapit-lapit nga lang namin sa isa't isa!

"Ano, Ami?! Sumagot ka! Magsalita ka! Kasi mababaliw na ako rito kaiisip kung bakit nakikipagyakapan ang girlfriend ko sa ex niya!" Sigaw pa rin nito. "Were you like that the whole time na wala ako?! Ami, sumagot ka!"

That does it!

Galit ko siyang hinarap habang pinipigilan ang mga nagbabadyang magsihulugang luha sa aking mga mata.

Reaching SkyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon