Kabanata 117

523 21 6
                                    

Dirty Ice Cream

Hey! This is the Great Hunter you are trying to reach. My rifts may be too loud right now; I can't answer your call. Just leave a message and I'll try to get back to you real soon. < Beep! >

Haay.... Voicemail na naman. I ended the call and tried to dial his number for the nth time again. As usual, magri-ring muna ito. Mga limang beses. At pagkatapos, maririnig ko na naman 'yong recorded voice niya directing me to his voicemail. And then I ended that call again. Pinagmasdan ko ang screen ng cell phone ko kung saan isang larawan naming dalawa na tumatawa habang nasa stage ang background. Hinimas ko ang parte kung saan naroon ang nakangising mukha ng sinisinta.

"Ang lalalim yata ng mga hininga mo, ah!" Napaangat ako ng tingin sa lalaking kasama ko rito sa studio these past three days.

Yes. Three days na ang nakakalipas mula noong humingi ng space si Hunter. And, honestly, napakahirap gawin kasi masyado na akong nasanay na lage siyang nandiyan, kahit sa text o tawag man lang. Unang araw pa lang, panay na ang iyak ko kasi miss na miss ko na ang boses niya. Pakiramdam ko, bumalik ako noong mga panahong biglang natigil si Skye sa pag-contact sa akin. Bumalik na naman ang pakiramdam na ipinagdasal ko dating sana'y hindi ko na maramdamang muli. Bumalik na naman ang mga sandaling magkahalong lungkot at sakit ang bumabalot sa puso ko na nagpapasikip sa aking daluyan ng hangin kaya napapahugot ako nang malalalim na hininga. But every time I exhaled, pumapalit na naman itong mabigat na pakiramdam.

"Pasensiya na, Skye, medyo wala kasi ako sa mood these days. Ikaw lang tuloy 'yong gumagawa ng karamihan sa gagawin natin." Matamlay na sabi ko rito habang muli kong ipinagpapatuloy ang pagmasid sa walang pagbabagong screen ng phone ko.

Hindi ko man makita, ramdam ko ang paglapit ng aking kausap. Medyo napatingala ako sa kanya at napaatras nang konti nang maramdaman ko ang biglaang pagdungo nito. Pansin ko agad ang kanyang pilit na pagngiti bago inilapag sa harap ko ang hawak-hawak niyang basong may lamang malamig na inumin.

"Para sa 'yo." Sabi pa niya before taking the seat in front of me.

"T-thank you." Nahihiyang sagot ko rito before I hesitantly picked up the glass to take a drink.

Hmmm... Lemonade. Paborito ko. Naalala niya. Wala sa isipan kong napalingon sa gawi niya and I automatically caught him quietly looking at me. Hindi naman siya nag-iwas ng tingin. Instead, he sadly smiled at me.

"Paborito mo. Hindi ko nakalimutan." He said while picking up his cup of coffee and taking a sip on it.

Walang ng nagsalita sa amin matapos noon. Nakatuon lang ang mga pansin namin sa pag-inom ng mga hawak naming inumin. Nang matapos na siya'y, agad naman siyang tumayo habang ako nama'y panay pa rin ang pagmasid sa larawan naming ni Hunter sa aking cell phone.

"I was thinking..." Napatingala ako at napalingon sa kanyang direksyon nang magsalita siyang muli.

He was still holding his cup habang nakatanaw sa maliit na glass window ng silid kung saan makikita ang ngayo'y filled with heavy traffic na kalsada. Napalingon naman siya sa gawi ko nang mapansing nakatingin na ako sa kanya and was waiting for him to continue.

"I was thinking these days habang nakikita kitang malungkot at matamlay. Naisip ko, ganito rin ba ang kalagayan niya noong iniwan ko siya? Ganito rin ba siya habang naghihintay sa mga hindi na darating kong mga texts, mga tawag, mga emails?" He said at pansin ko ang agarang pagnamnam ng kanyang mga mata. "Then I realized all over again how dumb I was to let you go through all that. And I'm sorry. So sorry." Sabi pa niya.

Agad naman akong nag-iwas ng tingin nang mapansin kong parang may nahulog na butil ng luha mula sa kanyang mata.

"U-um... s-saan na nga tayo banda?" I couldn't help the shaking of my voice sa uneasiness na nararamdaman ko between us habang hinahalughog ko ang pages ng ginagawa naming kanta.

Reaching SkyWhere stories live. Discover now