Kabanata 108

311 7 0
                                    

Hinintay

I was done with my washing when I decided to take a peek sa aking likuran kasi bigla na lang natahimik ang lolo niyo. But when I did, wala na pala siya roon. Bumagsak ang mga balikat ko sa natuklasan. Nasaan na 'yon?

Binabalot na ako ng kalungkutan nang biglang umalingawngaw ang tunog ng isang lead guitar. Agad akong napalingon sa direksyon ng tunog and there I saw him walking towards the kitchen door while playing his guitar, wearing that gorgeous smile on his lips.

"This is my Amazing Operation Ligaw Ami Day One! Medyo impromptu ang kantang ito. I hope you'll like it, Honey ko. I love you." He said and I felt my knees where about to give in kaya napakapit ako sa lamesa.

NP: Kay Tagal Kitang Hinintay by Spongecola

Hawakan mo ang aking kamay at tayong dalawa'y
Maghahasik ng kaligayahan
Bitawan mong unang salita
Ako ay handa nang tumapak sa lupa

He started. His eyes were on me making my knees go weaker, if that was even possible kasi kanina pa sila nanghihina. Ang lamig ng boses niya'y lumalambing sa aking puso.

My ghad! Kung nakakamatay ang bawat pagtitig niya't bawat pagngiti, inililibing na ako ngayon!

Ligaya mo'y nasa huli
Sambit na ng iyong mga labi

It was almost like a whisper pero dama ko ang bawat emosyon niya sa bawat salita.

Wala sa sarili akong napahawak sa aking dibdib while listening to his song.

He's still looking at me, meaning every word. Alam ko 'yon. Dahil tumatagos ang kanyang bawat salita sa aking buong pagkatao.

I felt his longing. More than that, I felt his happiness. It's overflowing and is mixing right now, dito sa harap ko, with his love na inaalay niya sa akin.

I couldn't help but smile as I continued listening to this beautiful man pouring his heart out for me.

Hindi na ako nakatiis. I pulled myself together para maiangat ko ang aking mga paa at makapunta kung nasaan man siya.

Panatag ang kalooban ko
Dahan-dahan ko siyang tinungo.
At ika'y kapiling ko na

Hindi ko na inalintana ang panghihina at pangangatog ng aking mga tuhod.

Oh, kay tagal kitang hinintay

Umarangkada ang mga rifts niya na para bang hindi namamaga ang mga kamay nito. Ngunit hindi pa rin ako tumigil sa paglapit ko sa kanya. His green ones were still on me. Hindi ako pinakakawalan. At wala akong pakialam kung hinihigop man ako ng mga ito. Magpapahigop ako kung magpapahigop. I just don't want to be apart from him anymore.

Sa wakas at narating ko rin siya. Nakatingala ako sa kanyang maamong mukha. Nothing but great love for me written all over it.

Parang isang panaginip

Halos ibulong na lang niya ang lyrics. His breath smelled deliciously like mint.

Ang muling mapagbigyan

Hindi ko natiis at hinaplos ko ang kanyang mainit na pisngi. His green orbs immediately shut tight at the contact na tila dinadama ang bawat kong haplos. Oh, my heart's swelling with my love for this man.

Tayo'y muling magkasama

When he opened his eyes again, I saw myself reflected on them.

Ang dati ay balewala

Oh ghad, I love him so much. 

Ang dati ay bale....

Hindi ko na siya pinatapos at tuluyan ko ng inangkin ang kanyang mga labi. Bahagya siyang nabigla sa ginawa ko pero ilang sandali pa'y sinagot niya na rin ang bawat pananabik ko. Naramdaman ko ang pagpulupot ng kanyang mga bisig sa aking likuran. His hand was snaking its way towards my nape, pulling me in to give me a deeper, more passionate kiss na buong puso ko namang tinugunan.

Reaching SkyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon