Kabanata 44

365 10 0
                                    

Bistro

Mga kalahating oras pa ang ginugol naming lahat sa pagsa-sign ng mga autographs at pagpapapicture ng mga fans namin. Super! Feeling ko ang ganda-ganda ko na! Na-touch ako nang may isang batang babae ang lumapit sa akin at binigyan ako ng isang jar ng cookies na hugis bituin.

"Pagpasensiyahan niyo na, Ms. Sora, siya kasi ang may gawa niyan kaya baka hindi masarap," sabi ng nanay nito.

Tinignan ko ang mukha nung bata at tila nahihiya pa ito. Waaaaah! Ang cute-cute niya! Agad ko namang binuksan ang cookie jar at kumuha ng isa.

"Hmmm! Sarap! Kaw ba talaga ang may gawa nito, baby girl?" nakangiti kong tanong habang nakaupo para makaharap ko ang nahihiyang mukha ng bata na tumango lang bilang sagot, "Wow! Ang galing mo naman. Turuan mo naman ako kung paano 'to gawin. Di kasi marunong si Ate Sora, eh," sabi ko pa rito at ngumiti ito nang pagkalakilaki bago umakap sa akin nang mahigpit.

"I love you po," bulong niya sa akin bago siya bumitaw at umalis na kasama ang kanyang nanay.

Kumaway pa siya sa akin bago sila umalis. Waah! Maiiyak na ako nito eh!

"Wow, cookies! Eksakto, gutom na ako," biglang kuha ni Hunster sa bitbit kong cookie jar na kabibigay lang nung bata.

"Oy!" nasigaw ko na lang pero huli na ang lahat at kumain na ng dalawang star-shaped cookie si Hunster.

Agad namang sumimangot ang mukha nito't agad na iniluwa ang kakain pa lamang na cookies.

"What the hell! Cookie ba 'yan? Bakit lasang panis na gatas?" Reklamo nito matapos ibalik sa akin ang cookie jar.

"May sinabi ba kasi akong puwede mong kainin? At saka, masarap 'to 'no!" sabi ko sabay dampot pa ng isang cookie at kinain 'to, "Hmm...sarap!" sabi ko pa habang lalo pang sumimangot ang kanyang mukha.

"Pag ikaw nasiraan ng tiyan ng dahil diyan, ewan ko lang sa'yo. Baka nakakalimutan mong may gig pa tayo pagkatapos dito," sabi na lang niya bago siya bumalik uli sa kinaroroonan nina Kuya Calvin.

Oo nga pala! Sabado na ngayon! Di ba ngayon pupunta sina Skye sa Bistro? Waaaaah!

Kuru-kuru-kuru-kuru

Ang sakit ng tiyan ko... pero sigurado akong hindi dahil sa mga cookies 'to. Wooooo... anong gagawin ko?! Sasabihin ko kaya kina Kuya Bait? Kay Hunster kaya?

"Okay ka lang, Sora?" biglang tanong ni Ivan sa akin. Si Ivan! Thank God! Hinila ko siya papalapit sa akin para bulungan. Nang sabihin ko sa kanya ang mangyayari mamaya ay nanlaki ang kanyang mga mata't biglang nangisi nang pagkalaki-laki, "That's great, Sora! At last at nagkita na kayong muli!" malakas niyang sabi.

Para saan pa't ibinulong ko sa kanya kung ganyan naman ang reaction niya? E, maririnig din ng iba. Hahay... Si Ivan talaga. Napailing-iling na lang ako ng aking ulo.

"O, anong nanyayari dito?" nakangising tanong naman nina Kuya Calvin na nakapansin at ngayo'y nagsilapitan na sa amin kasama sina Kuya Jasper at Hunster na minamataan na naman ako nang masama. Ang lakas talaga makiramdam nang isang 'to!

"Pupunta daw ang Zeus sa gig mamaya para manuod," pabulong nitong sabi habang mini-make sure na walang ibang nakikinig. Natuwa sina Kuya Jasper sa ibinalita ni Ivan habang si Hunster nama'y nag-roll lang ng kanyang mata't lumayo sa grupo.

"Siyanga pala, baka mahuli ako sa gig mamaya," biglang sabi nito.

"Ha? Anong gagawin namin doon pag wala ang vocalist namin?" Agad namang sagot ni Ivan sa kanya na bahagyang natigilan sa narinig.

"Wala akong magagawa. May naka-sched akong photoshoot para sa isang apparel mamaya kaya mahuhuli ako. Hayaan niyong si Sora na muna ang kumanta," sagot nito habang nakatitig sa akin. 'Yong titig niya na para bang may ibig ipahiwatig. Medyo malungkot kung idedescribe ko. Pero bakit naman siya malungkot? Platinum na ang album ng Polaris ngayon, di ba? Dapat masaya siya at nagce-celebrate.

Reaching SkyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon