Kabanata 40

388 11 2
                                    

Unfortunate

** Ami's POV **

Nasa backstage kami nina Kuya Jasper ng isang kilalang noontime show sa bansa at hinihintay ang aming signal para lumabas at magperform. Si Kuya Bait nama'y kausap ang isang TV crew at masayang nakikipagkwentuhan. Si Hunster nama'y kanina pa tahimik at tila naka-focus lang sa mga kwerdas ng kanyang gitara. Nasabi ko na bang may cold war kami ngayon? Hangga't hindi siya humihingin ng sorry sa akin, hindi ko siya papansinin!

Ibinaling ko na lang ang attention ko sa mga pinaggagawa nila Ivan. Pinipihit niya rin ang mga kwerdas ng kanyang bass habang pinakikinggan kung nakatono na ba ang mga ito. Si Kuya Calvin nama'y may nakikinig ng music from his Ipod. Si Kuya Jasper nama'y nakaupo lang sa tabi at tini-twirl ang hawak-hawak na mga drumsticks. Mukhang mas kampante na sila ngayon kung ikukumpara ko sila noong una silang magperform on stage.

Magpeperform muna ang Polaris bago ang number ko with them. 'Yan ang sabi ng isang crew sa amin 5 minutes before magsimula ang show. Medyo nararamdaman ko na naman ang mga butterflies sa tiyan ko. Inisip ko na lang 'yong mga reaksyon ng mga tao habang pinakikinggan ang kanta ko sa kanilang radyo. Gusto kong iparamdam sa kanila ang saya ko sa pagtangkilik nila sa aking musika. Gusto kong mapaindak silang muli sa mga beat ng kanta. Gusto kong mapasabay sila sa lyrics ng kantang gawa namin ni Ms. Rin.

Nang marinig kong tinatawag na ng host ang Polaris, parang sumabay sa bilis ng hampas ng drums ni Kuya Jasper ang pagkabog ng aking puso. Hindi dahil sa kaba, kung hindi dahil sa sobrang excitement.

NP: Superhero by Rocksteddy

Naririnig ko mula sa aking kinatatayuan ang boses ni Hunster habang kinakanta niya ang first single ng Polaris. Halos hindi magkandamayaw ang mga tao sa kasisigaw at pagsabay ng pagkanta sa lyrics nito.

Nang matapos ang kanta, biglang nagbago ang rhythm na tinutugtog nila. Hudyat na magsisimula na ang number ko.

NP: Time In by Yeng Constantino

Bago ako lumabas, isinigaw muna nang malakas ni Hunster ang aking pangalan. Parang isang continuous thunder ang bumungad sa akin nang magpakita na ako sa audience. Ang iba dito'y isinisigaw ang pangalan ko at may hawak pa silang mga banner. Ang iba nama'y nagsisitalon sa tuwa. Pati ang mga hosts ng show ay tila nae-excite na makita ako.

Huminga muna ako nang malalim bago ko binanatan ang unang linya ng aking kanta. Kahit hindi nagtatama ang aming paningin ni Hunster, patuloy pa rin siya sa pagkanta niya ng kanyang mga linya habang kinakaskas ang kanyang gitara. Mahusay talaga siya. Hindi mo makikita sa mukha niya ang kahit anumang kaba. He's made to do this. He's made for music.

Nang malapit ko nang ibarada ang high notes, bigla akong natisud ng isang kable and for a moment there I thought I lost my balance. Tila nagtigil ng hininga ang mga tao nang makitang papatumba ako. Ngunit, sa halip na matumba ako paharap ay nag-one hand flip ako patungo sa ibaba ng stage bago ko kinanta ang huling linya ng kanta at nagpose kasabay ng huling hampas ni Kuya Jasper sa kanyang drums. Whoa! Kamuntikan na ako noon ah!

Walang sabi-sabing biglang itinapon ni Hunster ang hawak na gitara at tumalon mula sa stage.

"Okay ka lang?" tanong pa nito sa akin na agad ko namang tinanguhan, "Diyan ka lang," sabi pa nito bago tumakbo patungo sa backstage. Agad naman akong sinamahan nina Kuya Jasper at ng mga hosts ng show.

"Ladies and gentlemen, Sora and Polaris band!" sabi ng host at hindi magkandamayaw ang mga tao sa pagsisigaw ng pangalan namin habang iwinawagayway ang mga banners na may nakasulat na pangalan namin.

Nang inihudyat na ng direktor na tapos na ang pag-roll ng camera for commercials ay mabilis naming tinungo ang backstage kung saan naroroon sina Kuya Bait at Hunster. Nang papalapit na kami ay napansin naming may kini-kwelyuhang crew si Hunster.

Reaching SkyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon