Kabanata 74

280 8 1
                                    

Akin Ka Lang

** Ami's POV **

Hmmm... Ano ba 'to? Bakit parang may mabigat na nakadagan sa akin? Teka, nasaan ba ako? Bakit ang dilim-dilim? Anong oras na ba?

Napansin ko ang isang orasan na nakapatong sa isang lamesa. Pilit ko 'yong inabot at sa kapipilit ko'y may biglang nahulog. Sinundan ko 'yon ng tingin. Gasp! Sunnies ko 'yon ah! Mabilis na dumapo ang mga kamay ko sa aking bare face. Si Skye! Napalingon ako sa aking paligid. Tahimik. Madilim. Nasaan nga ba ako? Di kaya ay nakidnap ako?! Pero huli kong naalala ay sumasakay kami ng cable car ni Hunster tapos bigla akong napatingin sa ibaba at bigla akong nalula. Pagkatapos noon... Kumanta siya para mapakalma ako. It's been so long since I last heard his voice. It's very calming. Napangiti ako sa naalala.

Teka nga lang muna! Mamaya na muna 'yang emote-emote. Hindi ko pa nga alam kung nasaan ako ngayon at papaano ako napunta rito. Napatingin akong muli sa orasan. 08:30PM na?! Naku! Hahanapin ako nina Kuya Bait nito! Sina Hunster kaya, nasaan na sila?! Ah! Cell phone! I need to call them. Akmang babangon na sana ako sa pagkakahiga nang biglang may gumalaw sa tabi ko. Ha?

"Hmmm... Gising ka na, Babe?" Nanigas ang katawan ko nang marinig ko ang pamilyar na boses.

Naramdaman ko na lang ang pagkilos nito sa tabi ko't bigla akong hinalikan nang mariin sa labi. What?!

"S-skye?" Sambit ko rito. Ramdam ko ang kanyang hininga sa aking labi.

"Hi, sweetheart. I missed you already." Bulong pa nito bago pa niya ako hinalikang muli sa labi.

"Skye, sandali--" I tried to say when I felt his tongue found it's way inside my mouth.

Ghad! His kiss is so intoxicating! Para akong nalalasing sa bawat niyang mga halik. I was so into the kiss nang maramdaman ko ang kanyang kamay sa aking kanang dibdib. Wala sa isip ko siyang itinulak at agad kong hinarang ang aking mga braso sa aking harapan only to be shocked from the realization na wala akong saplot!

"Sora? Are you okay, Baby?" Narinig kong tanong ni Skye.

My ghad! May nangyari na ba sa amin?!

"Baby?" Muli nitong tawag bago walang pasabing binuksan ang ilaw.

Hindi ko na napigilang sumigaw at mabilis na dinampot ang nahulog kong sunnies at dere-derechong tinungo ang CR.

Pagkasarado ko ng pinto ay agad ko itong ni-lock. Mabilis ko namang tiningnan ang aking sariling katawan. My ghad, I really am wearing my birthday suit! Anong nangyari? Paanong nangyari? Teka, wala naman yatang masakit sa akin. May nangyari nga ba? Jusko, paanong wala akong matandaan?! Kung may nangyari man sa amin ni Skye ko, dapat hindi ko 'yon kinalimutan! Wala rin akong matandaang nag-inuman kami para malasing ako.

"Sora? Baby? Are you okay?"

Jusko naman Skye! Bakit mo hinayaang makalimutan ko ang lahat nang nangyari sa atin kung meron man talaga?!

"A-ah... Um... Okay lang ako, Skye." I think.

Come on, Ami! Who are you kidding?! Paano ka magiging okay kung wala ka man lang maalala?! Gasp! Did I develop a short-term memory kakahambalos sa akin ni Uncle sa sahig sa tuwing may Judo practice kami? Naalala ko 'yong mga ginawa kong kahihiyan sa harap ni Hunster kagabi. Shemay! Kung may short-term memory ako, pwede bang 'wag choosy? Bakit 'yong mga naganap kagabi ay naalala ko pero 'yong nangyari sa amin ni Skye kanina ay di ko maalala?! Panig ba ang utak ko kay Hunster?! Ganoon ba 'yon?

"Babe, labas ka na diyan. Mag-usap tayo." May panunuyong sambit ni Skye sa likod ng pintuan.

"A... Um... Sandali lang." Nasabi ko na lang sabay tingin ko muli sa aking hubad na katawan pagkatapos ay napatingin ako sa hawak kong sunnies.

Reaching SkyWhere stories live. Discover now